Be My Valentine?

83 3 0
                                    

A valentine's day special story

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Uhmm Krissy, Will you be my valentine" tapos ngumiti ako ng todo, yung abot tenga ba.

Biglang may bumato sakin ng stress ball "KUYA!! PANGIT MO!!" tinignan ko ng masama yung kapatid ko. Langyang kapatid 'to wala man lang suporta.

Bumuntong hininga nalamang ako. May pag-asa kaya ako kay Krissy?

"Asa ka pa kuya noh! Hindi kaya maiinlove sayo....................ARAYYY!!" binatukan ko nga. Kapatid ko ba talaga 'to?!

"Bakit naman hindi?"

"Kasi po kuya, BESTFRIEND lang yung turi nya sayo! Hanggang dun lang yun! No more, no less feelings" sabi nito habang hawak nya yung ulo nya.

BESTFRIEND? Oo, bestfriend nga lang ako ni Krissy. pero diba pwede naman mainlove sakin yung bestfriend ko? Ang dami ko na ngang nabasang nagkatuluyan yung mag-bestfriend. OHA! May pag-asa pa ako!! Tumayo ulit ako sa pag-kakaupo ko at humarap ulit sa salamin.

"Hay nako kuya! Tama na! Para ka nang baliw!!!" binato ko nalang sa kanya pabalik yung stress ball.

KINABUKASAN

Bukas na yung Valentine's day! Hay!!

"Mikael!!" lumingon ako sa tumawag sakin at napatigil ako sa pagbabasa nang makita ko si Krissy na tumatakbo at kumakaway-kaway sa akin.

"Uy! Krissy" huminto sya sa harap ko at todo yung ngiti nya.

"Mikael, nakilala ko na kung sino yung nagpapadala sakin lagi ng cookies sa locker ko" ngumiti ako ng napakalawak!

Ayan na sasabihin nya na yung pangalan ko!!

"Si Mike pala yun" biglang nawala yung mga ngiti ko sa labi, Mike?

"Mike? Mike Andrande?" kinagat nya yung lower lip nya at tumango. "Pano mo nalaman?" parang kumikirot yung puso ko sa narinig ko.

Panong naging si Mike Andrande yun, eh ako yun!! Ako naglalagay ng cookies sa locker nya, P.S. Favorite nya pa yun!

"Kasi kanina nakita ko sya na hawak hawak yung cookies, nung nakita kong hawak nya agad akong lumapit sa kanya at tinanong ko kung sya ba yung naglalagay nang cookies tapos sabi nya oo, Kyaaa~! Mikael!! Kinikilig ako!" yumuko ako.

OKAY AKO NA TORPE AT LENCHAK NA MIKE YUN! INAKO PA NA SYA YUNG NAGBIBIGAY NG COOKIES PARA KAY KRISSY!!!

"Ahhmmm.. Krissy, ahmm" ahh shemay naman oh!!

"Oh bakit?" ngumiti sya sakin. That smile, yan din ang isang dahilan kung bakit ako nainlove kay Krissy.

"Una na ako sige" yinuko ko yung ulo ko at naglakad na.

Dinala ako ng mga paa ko dito sa rooftop, ito lang yung tanging lugar kung saan inilalabas ko lahat ng sama ng loob ko.

"ARGHH!!! LANGYA KA MARK ANDRANDE!! LAHAT NA INAGAW MO PATI BA NAMAN SI KRISSY?!!!" pinagsisipa-sipa ko yung pader at naramdaman kong tumutulo yung luha ko. "BWISET KA! ARGHH!!" napa-upo ako sa sahig habang umiiyak.

"Oh eto!" nakita kong may panyo sa harap ko, inaangat ko yung ulo ko at may nakita akong babaeng ka-batch ko ata. "Kunin mo na! Wag ka nang mahiya" Kinuha ko nalang yung panyo nya at ipinahid sa mga mata ko.

"Salamat ah" tinago ko sa bulsa ko yung panyong ibinigay nya sakin.

"Ba't ka ba umiiyak dyan? At ang ingay ingay mo! Natutulog kaya ako!" umupo yung babae sa bench habang naka-pout.

Be My Valentine?Where stories live. Discover now