ASKB Chapter 3

44.6K 946 31
                                    

Chapter 3

Dalmatian...

Napabulalas ako ng malakas ng matapos kong linisin ang buong Unit ko. Kahit naman kaliitan ito ay hindi pa rin ito madaling linisin. Kung siguro ay nandito ang bruha kong Best Friend na si Charlie, malamang ay may makakatulong ako.  Kung hindi ba naman nagpabuntis kaagad ang babaitang iyon, sabagay halata namang masayang-masaya siya sa nangyayari sa buhay niya. Naalala kong magpapasama nga pala ang isang iyon sa akin ngayong araw.

Pagkapahinga ko ay agad na rin akong naghanda para sa pagpunta sa kanila.

“ Bru!” isang nangingibabaw na boses niya ang  sumalubong kaagad sa akin.

 “ Hindi kaya mabingi iyang Baby mo?” tanging sagot ko sa kaniya. Lumabi naman ito na wari’y nagtatampo sa sinabi ko. Nananaba si Charlie ngayon, malamang ay dahil sa pagdadalang tao niya kaya tuloy mas lalo siyang nagiging Cute sa paningin ko.

 “ Nahahawa ka na talaga sa Seth na iyan, dumadalas ang pagsimangot mo. Bahala ka, kapag naging simangot itong inaanak mo, talagang paguuntugin ko kayo.” Hirit niya.

“ Biro lang, oh ano, ready ka na ba?” pagpapago ko ng usapan.

“ Super! Let’s go!”

“ Excited much?” pangiinis ko pa.

“ Oo naman, kasal ko yun eh!” Siya na mismo ang agad na kumabig sa akin papunta sa Elevator.

Bibisita kami sa Organizer ng kasal nila ni Jigs. Yes, in four weeks times their getting married. Mabuti rin iyon, mas mapapabuti kung hindi ganoon kalakihan ang tiyan ni Charlie habang suot ang Trahe De Boda niya. I’ll be her bride’s maid at syempre si Poy naman ang Best Man. Kahit naman hindi nila aminin, alam na naming talagang matalik na magkaibigan sila ni Jigs, hindi lang nila pinpapahalata dahil ganoon talaga ang mga lalaki.

Sinimulan kaagad nila ang paguusap tungkol sa magiging Flower Arrangement, pagkatapos ay ang mga bilang ng Guests. Si Bessy ang nag aasikaso ng mga iyon, si Jigs naman ang sa Place at sa mga mabibigat na trabaho. Alam ko naman kung gaano nagpupurisige si Jigs para sa future nila ni Bessy, kaya nga ako ang hiningan niya ng tulong kung sakali mang kailangan ni Charlie. Ready na ang lahat, ultimo mga susuotin ng mga abay nila ay nakahanda na. Noong nakaraang Linggo pa planado na ang lahat. Black and Silver ang napili nilang theme, napaelegante talaga. For Jigs, everything must be into the fullest, because it’s for her lady.

Naalala ko pa kung paano plinano ni Jigs ang pagpropropose kay Charlie. Sobrang sweet na tao ni Jigs, kahit ako ay maluha luha noon. Hindi naman pwedeng hindi kami kasabwat dahil nandito talaga kaming mga kaibigan niya para suportahan sila.

 

Nasa isang Restaurant kami ni Charlie noon. Sobrang broken hearted siya that time dahil nagbreak sila ni Jigs. Wala pang kaalam-alam si Jigs na 3 weeks ng nagdadalang tao si Charlie. They broke up because of Jig’s Secretary. Nahuli ni Charlie na nakikipaghalikan si Jigs sa babaeng iyon habang nakakandong sa hita niya. Hindi naman makatanggi si Jigs, dahil talagang nahuli siya sa akto. Noong araw din na iyon, hindi na nagaksaya ng panahon si Jigs, agad siyang lumapit sa akin. Hindi niya raw iyon magagawa, nagkataon lang na nahuli siya ni Charlie pero mamatay man raw siya hindi niya ipagpapalit ang kaibigan ko.  Doon niya sinabi na balak niyang makipagayos kay Charlie. Alam ko namang faithful si Jigs kay Charlie, kaya tinulungan ko siya sa gusto niya.

Ang Suplado Kong Boyfriend .℘ᶴᶬ.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon