My Protector

224 7 9
                                    

Labing limang gulang ako. Labing limang taon din siya. Sabay kaming ipinanganak sa magkaibang mga magulang. Pero ang mga magulang niya, alipin ng mga magulang ko. At simula pa pagkabata namin, nasa tabi ko siya palagi. Kahit saan ako magpunta, nakabuntot siya. Pati pagtulog, nasa sahig siya.

Kasi binigyan siya ng trabaho na protektahan ako para lang sa mabuting buhay nila sa kamay ng mga magulang ko.

Hindi kami naglalaro. Hindi kami nag uusap. Kasi hindi ako nakikipagkaibigan. Sinasabi nila 'cold' ako. Pero siya ang laging nasa tabi ko para lang sabihin na masaya akong kasama.

Masaya siyang tao, at ako hindi. Malaki ang pinagkaiba namin pero nagawa niyang umamin sa akin. Umamin siya ng nararamdaman niya noong nakaraang taon. Seryoso siya noon pero hindi nalang ako nagsalita noong araw na yun. Hindi siya sumuko.. at ngayon nasa tabi ko pa rin siya

"Andiyan na naman si cold girl"

"Oo nga eh. Nakakatakot siya"

"Hindi man lang siya ngumingiti"

"Kahit anong anggulo, maganda pa rin siya noh? Kahit hindi siya namamansin"

"Maganda siya. Gwapo rin yung bodyguard niya. Bagay sila"

Ilan lang yan sa mga naririnig ko pagkapasok ko sa school at sa classroom. Bukod sa pagmamay ari ng mga magulang ko ang school na to, ako rin ang President ng paaralang ito.

"Tumihimik na nga kayo. Hindi ba kayo nagsasawa na magsalita tungkol sa kanya?" nagsisimula na naman siya

"Hindi siya nakakatakot. Lahat may rason. Okay?"

Pumunta na ako sa upuan ko at nagsimula nang magbasa.

Ako si Jessie Perez. At ang 'tagapagtanggol' ko, si Andrei Reyes. Nakakatawa lang kasi, magkasabay kaming ipinanganak pero parang kambal dahil magkaiba talaga ang ugali namin.

Umupo siya sa tabi ko, "Good morning" bati niya sa akin

"Ikaw." panimula ko.

"Huh?"

Tumingin ako saglit sa kanya at sa binabasa ko ulit, "Hindi ka rin ba nagsasawa na batiin ako?"

Imbes na tumahimik siya, ngumiti pa siya, "Okay lang. Sanay na ako" tapos nagkamot siya ng batok.

Bihira lang kami mag usap nang matino. Tulad ngayon.

Nakakasawa lang marinig yung mga bati nila sa akin o yung paulit ulot na bulungan nila tungkol sa akin.

Pero para sa akin.. isa lang ang hindi.

Si Andrei na palaging bumabati sa akin.

...

"Strawberry cake ba? Tapos strawberry shake?" masayang tanong niya sa akin.

"Alam mo.." simpleng sagot ko sa kanya. Tumango naman siya.

Maglalakad na sana ako paalis nang hawakan niya yung kamay ko.

At nakaramdam ako ng kakaiba dito sa tiyan ko, "Saan ka pupunta?" tanong niya.

"Upuan" cold na pagkakasagot ko. Pero hinila na niya lang yung kamay ko papunta sa tabi niya

"Diba babantayan kita? Paano kung may lalaking lumapit sayo doon habang nag oorder ako?" sabi niya habang nakatingin sa pila

Napatitig ako sa kanya ng matagal. Yung kitang kita ko na talaga yung mukha niya. Ngayon ko lang siya natitigan ng ganito. Tama yung mga sinabi nila.. gwapo siya

Hawak hawak niya parin yung kamay ko habang nag oorder siya. Noong naibigay na, binitawan na niya ako at binuhat na yung tray. Kaso nakita ko na pang akin lang yung kinuha niya

My Protector (One-shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon