CHAPTER 3

28 2 0
                                    

CHAPTER 3

"Yan ang bagay sayo HAHAHA you looked like a lost dog HAHAHA." Nakangiti parin ako habang May kung ano anong bumubuhos sa ulo ko. Tubig, juice, kape at kung ano ano pa. Nakayuko lang ako at iniinda ang lamig, init at pagkapahiya dahil sa ginawa nila sa'kin. Kaya ko pa, hindi pa ako susuko. Malakas ako, patuloy kong pagpapalakas ng loob ko.

Tumayo ako at nakangiti natigil sila sa ginawa nila sa'kin pero nagtatawanan din ulit.

"Tingnan mo 'tong bobong 'to nakangiti parin kahit kinakawawa na. Tanga HAHAHAHAHA."

"Baliw yan eh may sakit yan sa utak HAHAHA"

"Hoi ano ba kung ako sayo iiyak na ako."

No, ang pag iyak ay senyales ng kahinaan kaya walang makakakitang iiyak ako. Walang makakakita sa luha ko.

"Balita ko dahil sa kanya kaya namatay ang nanay n'ya."

"Sana siya nalang 'yong namatay."

"Walang kwentang anak."

Bobo, tanga, walang kwenta sanay na ako n'yan. Dahan dahan akong naglakad papunta sa likod ng paaralan, nagpasalamat naman akong walang nakasunod sa akin. Umupo ako sa alalim ng punong mangga at nakangiting kinuha ang kwintas na bigay sakin ng nanay ko. Nakangiti ko itong hinalikan.

"Mama tingnan mo malakas ako, hindi ako umiyak. Mahal na mahal po kita mama." Nagulat ako nang biglang may tumabi sa akin. Rajiv.

"Ganyan ka ba talaga? Kahit anong gawin nila sa'yong pambu-bully nakangiti ka parin ha?" Kahit nagulat ako nagawa ko parin siyang ngitian.

"Kasi masaya ako." Mahina kong saad.

"Alam mo ang problema sayo hindi mo sinasabi ang tunay na nararamdaman mo. Tinatago mo kung ano talaga ang nasa puso mo." Ngumiti ako dahil sa sinabi n'ya at tumingin sa kanya.

"Alam mo kahit hindi sakin okay ang mga nangyayari nanatili lang akong nakangiti dahil pakiramdam ko sino ba ako para magreklamo? Hindi naman kasi mahalaga ang nararamdaman ko at kung sasabihin ko naman wala rin namang makakaintindi." Tumayo ako at humarap sa kanya.

"Uwi muna ako sa bahay ha kasi ang dugyot ko na. Paalam." Nanatili lang siyang nakatanga sa akin tila hindi alam ang sasabihin kaya ngumiti nalang ako at nagsimulang maglakad paalis.

Kumuha muna ako ng note sa clinic bago ako nakalabas sa gate. Kailangan kasi 'yon para ipakita sa guard. Dahan dahan akong pumasok sa bahay takot na takot ako baka makita nila ako.

Ang sabi sakin noon ng lola ko na kapag umulan o bumabagyo raw palagi kong sikaping umuwi ng bahay dahil ang bahay raw ang tanging lugar na ligtas tayo. Pero hindi naman niya sinabi kung saan ang ligtas na lugar kung sakaling nasa nasa bahay na ang bagyo.

Napaigtad ako nang biglang may humawak sa balikat ko, naamoy ko ang alcohol sa kanyang bibig.

"A-Andito na pala ang anak kong walang kwenta. Kumusta? Buti buhay ka pa." Pumikit ako ng mariin at hinayaang mawala ang sakit sa dibdib ko. Sanay na ako kaya dapat di na ako masaktan dahil dito.

"Humarap ka nga sakin." Saad n'ya ngunit nanatili parin akong nakatalikod.

"Ang sabi ko humarap ka! Puta naman!" Napasigaw ako nang bigla n'yang hinablot ang buhok ko. Ang sakit, parang matanggal ito sa anit ko.

Alam ko na ang kasunod nito at di nga ako nagkamali nang biglang lumagapak sa pisngi ko ang kamay n'ya. Hindi ako umiyak, ngumiti lang ako. Hindi dapat ako iiyak kasi malakas ako. Nang magsawa siyang saktan ako saka pa siya umalis at bumalik sa iniinom n'ya.

Nakangiti kong pinahiran ang dugo sa labi ko at tiningnan ang mga pasa sa katawan ko.

Nakakapagod din palang paulit ulit sabihin sa sarili mo na kaya mo pero sa loob loob mo gusto mo nang sumuko, kasi pagod na pagod ka na. Hindi mo na kaya, yung tipong gusto mo nalang magpahinga habang buhay.

*******************
Hit it dudes
-MissteriousGuile

LAST SUNSET Where stories live. Discover now