Pasan-pasan ang mga pangarap ni inday,
Nagpasyang lumuwas makipagsapalaran,
Maynila…
Unang sambit,
Nangingilabot sa tuwa,
may halong takot bakas sa mukha,
Nangakong araw-araw lilingonin ang mahal na probinsya,
Ngunit ikaw ay masyadong tumingala,
Naaliw ng husto sa ilaw na hatid sayo’y matingkad na kulay sa mukha
Nakagawian mo na,
Suotin ang maskarang nagtatakip sa tunay na anyo ng isang dukha.
Di mo ba namamalayan iba’t ibang hugis na pala
Ipinangtatakip sa dating malinis mong mukha,
Nag iba ka na nga,
Maria, nasaan ang tunay mong ganda?
Isang gabi, nakaharap sa salamin kausap si inday sa telepono,
Ate, ate, siguro mas gumanda ka pa ngayon,
Napatigil ka kinapa ang sarili,
Napaatras ng kunti,
Sapu-sapo ang mukha,
Hindi ako to!
Mapulang mga mata, na para bang naka droga,
Maiitim, tuyong mga labi na dati’y kulay rosas mamasa-masa,
Kulubot na mga pisngi,
Dati’y kasing lambot ng balat-sanggol,
Haplus-haplos ng iyong inang para bang ika’y hinahalili.
Ina!
Nasaan ka,
Ako’y napariwara sa tunay kong ganda,
Ang salamin ko’y nanghatol na,
Humihikbi…
Saka lang uli naalala ang mahal na probinsya.
BINABASA MO ANG
DAMU SA PAANAN NI INDAY
PoetrySa lahat ng gustong magbasa...iisa tayo:) Ibalik ang sigla ng asul, Linis ng puti at--- pakinisin ang kulay kayumanggi. Tayo 'to.