Chapter 7

336 19 34
                                    

'Hintayin mong magkita tayo...'

Irene's hips instantly stopped swaying upon remembering what the beast said. Tatlong araw ang nakakalipas mula nang galit na iwan siya nito sa chatroom, pero maya't maya pa ring bumabalik sa kanya ang makatunaw tuhod na titig nito.

It had been that long since they last saw each other. Hindi naman nakalimot si Dave na magpaalam bago ito nawala. He left another message in her inbox saying that he would be out of town for a couple of days. Pinadala raw ito ng kumpanya nito sa isang convention, kasama ang ilan pang mga katrabaho nito.

'Galit si Dave...' Irene dragged a breath between her teeth together with the thought. Tapos noon ay paulit-ulit siyang napailing habang tinatama ang sarili, 'Hindi lang galit si Dave kundi... galit na galit.'

The brute's reaction was a puzzle to her. Lalo pa ang pagpapaalam nito kung saan ito pupunta. She meant, hindi naman sila magkaano-ano. They were s*x mates online, yes. Pero bukod doon ay ano pa? 'Wala...'

Suminghap si Irene bago pinupasan ng palad ang kanyang pawisang noo. Nakasuot lang siya nang pambahay na t-shirt at lumang shorts nang araw na 'yon.

Malayo ang itsura niya sa Irene na kilala ni Dave habang nag-eensayo siyang sumayaw sa harap ng salamin. Her hair was in a messy bun, with some of her stray strands sticking to her sweaty neck. Pangit siya sa sariling paningin. Bukod sa kanyang mapang-akit na pagsabay sa malakas na musika ay wala nang iba pang bakas na iniwan ang kanyang pekeng pagkatao sa kanya.

The beautiful afternoon was witnessing the real Irene, good old Leopoldo's only child. Ang simpleng dalagang pinalaking mag-isa ng kanyang tatay sa probinsya.

'Isa pang round,' utos niya sa sarili nang matapos ang kanta. Hinihingal na siya nang lumapit sa kanilang stereo at ulitin ang piyesa pero wala na siyang pakialam doon. In a second, she was back in front of the mirror, practicing the moves she wanted to show Dave once he was back.

Hindi niya kahit kailan naging hilig ang pagsasayaw. Ni-hindi nga siya aktibo sa mga programa ng kanilang paaralan noong nag-aaral pa siya. But then the beast's reaction to her striptease was a game changer. Balak niyang surpresahin ito oras na magkita ulit sila.

Walang sinasabi si Dave na nagustuhan nito ang ginawa niya, pero hindi naman maaring magsinungaling ang reaksyon ng katawan nito. The wild beast bit her trap... Mali. Hindi lang pala nito kinagat ang kanyang pain, buong-buo nitong nilunon ang lason na sinubo niya rito habang pinapanood ang kanyang pagsasayaw.

Dito na rin mismo nanggaling, di ba? Kahit may pagbabanta ay sinabi nitong hintayin niyang magkita sila. He was hooked.

'Evil aren't you, Irene?' Satisfaction was all over her face when she gracefully lifted her hands to the air again. Gumagalaw si Dave sa paraang gusto niya at sa susunod ay mapapaapak na niya ito sa sulok na niya para lang dito.

Kasabay muli ng magaslaw na musika ay inimbay niya ang kanyang balakang sa paraang alam niyang kinalolokohan ng binata. The brute always digs it wild and sensual.

Mabagal...

Mapang-akit...

Iyong nakakapag-init ng laman...

'Konti na lang. Mabubuo ko rin ang anak ko.' She bit her lips, and just in time, she made a smooth turn before the mirror. Puno ng determinasyon ang kanyang mukha nang paulit-ulit niyang gawin 'yon nang nakataas ang mga kamay... 'Kailangan lang nating mahuli si Daddy. Magkikita at magkakasama rin tayo--'

"Hala, Irene! Anong sayaw ang tawag diyan!"

Doon biglang napahinto sa pagsasayaw si Irene kasabay ng tarantang paglingon sa pintuan. Nagkandasamid siya sa sariling laway nang mapagsino ang matandang nakahuli sa kanyang pagsasayaw. It was her father, Leopoldo. Nakasaklay pero nangunguyapit pa rin ito sa kahoy ng pintuan habang kunot-noong nakatingin sa kanya. "'Tay?"

COMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon