I'm Dating The Itlog Princess

122 2 1
                                    

AN: dedicated to Filipina.. salamat sa title Idol!! :D

■▥■▥■▥■▥■▥■▥■▥■▥■▥■

"OH BILI, BILI BILI BILI KAYO JAAAAN!!! BALUUUUUUT!!!"

Lumiko ako sa kabilang hallway para magbenta. Marami akong fans dito eh..

"Hoi Reece! May balut kang tinda ngayon?"

Isa sa fans ko..lol.

"Oo naman! Ako pa, mawawala ba yun!!^o^"

Kinuha ko sa bag yung plastic ng balut. Buti nga hindi nababasag eh..

Nagsilapitan ang mga admirer's ng itlog ko..
-___- teka, parang ang GM naman ata ng sinabi ko..

"Hoy Reece, pabili nga ako.."

"Ako rin Reece, pabili isa.."

"Ako dalawa.."

Nilapag ko ang bag ko sa table at saka idinistribute ang mga balut.
Tama ang nabasa nyo.. nagtitinda ako ng balut sa school, wag ka.. customer ko ang principal at ang mga teachers..Bwahahaha

"REEEEECE BEYBEH!!!"

Napatigil ako sa pagbebenta ng marinig ko ang kasumpa sumpang boses.
OH EM GEE .. Si RJ yun!!
Syeet,kelangan ko magtago!!

"Ayy ano, mauuna na ako ha. Hoy! Yung mga di pa bayad dyan, sapok kayo mamaya sakin!"

Tumakbo ako palayo bitbit ang bag ko.. waaaah, san ako pwedeng magtago?

"REEECE!! MAHAL KOO!!"

Nanghihilakbot na binilisan ko pa ang takbo, si RJ.. ang creepy student na nanliligaw sakin. Grabe, isa syang malaking stalker!
Actually, sya ang school ambassador namin. Close kami nyan dati nung nasa org pa ako. Kaso bumitiw agad ako nung malaman kong stalker ko sya.

Andami ko ngang stolen picture sa kwarto nya!! Halos buong pader puro picture ko. Tapos may altar pa..walangya..

"REEECE SANDALI!!! MAY REGALO AKO SAYO!!"

Kailangan ko ng back up!
Inilibot ko ang buong tingin sa mess hall na napuntahan ko. May nakita akong lalaking nakatalikod sa may dulo ng isle.
No choice ako.. sya ang gagawin kong cover! Sana pogi!

Lumapit ako sa kanya at niyakap sya mula sa likuran. Syet, ambango..tsaka parang pamilyar ang amoy. San ko nga ba naamoy to?

"Hi babe..musta school?" Tanong ko sa kanya habang sinisilip ang likuran ko.

Hindi ko sya makita dahil matangkad sya at busy ako sa pagtingin kung nakasunod ba sakin si RJ. Naku, sana nabagsakan sya ng kisame sa hallway..

"Ha? Anong pin--"

"REEEECEEE!!! MAHAL! NASAN KA NA?"

Nanlaki ang mata ko ng makita ko sya sa may kabilang dulo. Ahhh bwiset, hindi nako makakatakbo palayo! Pano ba..

*Ting!!*

Aha...

Hinila ko palapit ang ulo nung lalaki, di ko talaga sya makita kasi yung bangs ko nakaharang eh..

"Ano ban--"

Di ko na sya pinatapos at kiniss agad sya..
Oo maniwala kayo, sa lips ko sya kiniss.. Gud bye 2nd kiss..huhuhu

Nagulat ako ng biglang may humaltak sakin palayo sa lalaki. Akala ko nga nung una si RJ, si Janah lang pala..

Sayang..ang lambot pa naman ng lips ni kuya..
O___O anedew?

Itlog Invasion!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon