Chapter 55: We thought

55 10 149
                                    

Chapter 55: We Thought 💭



Liezel Jami's Point Of View.



Naibalik ko na kaniya yung cellphone niya, "Kilala ko 'to." Matipid na sabi ko at halos manlaki ang mata ko ng bigla siyang magpreno at gumilid.

"K-Kilala mo?" Gulat na sabi niya.

"Yeah." Matipid na sabi ko

"You sure? Baka niloloko mo 'ko? Joking?" Ang gwapo nga naman ng nasungkit no'n, iniwan pa?

Sabagay si Yamato nga eh..

"Kilala ko nga." Ngiwing sabi ko.

"I'll mention her name if you'll help me with Engr. Lapiz." Tumaas ang kilay ni Kenny sa sinabi ko.

"I knew it, you like him." Ngumuso ako sa sinabi niya.

"Okay, deal. Let's help each other," wika niya and even handed me his hand kaya kinuha ko 'yon.

"Deal." Ngumisi ang labi niya, bahagyang pinaluwagan ang necktie bago muling nag-drive.

Nang makarating sa venue ay huminga siya ng malalim. "Huwag ka mahuhulog sa akin," sa paalala niya ay awtomatiko akong ngumiwi.

"Hamak na mas malakas ang dating ng engineer ko kesa sa'yo, tingin mo ba ipagpapalit ko 'yon? Trese pa lang ako crush ko na 'yon." Mariing sabi ko.

"Oh? So he's the ex you're talking about?" Ngumiwi ako.

"Obviously."

"Ikaw rin yung ex niya?" Umawang ang labi ko sa sunod niyang tanong, medyo ewan rin utak nito 'no?

"Baka hindi, Kenny. Baka magkapatid kami,  tapos ako lang may ex sa kaniya." Ngumisi ang labi niya at tumango tango.

"Kaya pala ganoon makatingin si Engr. Lapiz sa akin," sa sinabi niya ay nalingon ko siya.

"Bakit?"

"Baka may natitira pang pagmamahal sa'yo," seryosong sabi niya.

"Weh?"

"'Di nga?"

"Huwag mo kasi akong pinapaasa." Tumaas ang kilay niya sa akin.

"Ang arte naman ng reaction mo, chill ka lang dapat sa harapan niya. Pa-cute, pero 'di sobra, subukan mo sagi-sagiin minsan pero dapat mukhang hindi sadya." Sa instructions niya ay napahawak ako sa pisngi ko.

"Ganoon ba 'yon?" Bulong na tanong ko bago kumapit sa braso niya dahil kailangan 'yon.

"Ayusin mo hawak mo nakikiliti ako," bulong niya at inilagay ang kamay ko sa dapat kaya umirap ako.

"Kala mo ba gusto ko 'to? Kung hindi mo lang ako tutulungan hindi ko rin 'to gagawin 'no." Bulong rin na reklamo ko habang naglalakad papunta sa table namin.

"Hindi rin kita type," bulong niya.

"Likewise," balik bulong ko.

"Pero hindi ibig sabihin no'n hindi ka ideal girl, 'di ka naman gugustuhin ni Engr. Lapiz noon kung wala ka sa level na mataas." When he started hyping me up I chuckled.

"Sige na nga, ikaw rin." Ngumisi siya.

"I'm reserved for someone I don't know if I'm still the one." Dismayadong sabi niya.

"I am too," pagpilit ko.

"Oo na."

Nang makapasok sa isang magandang kwarto ay nakita ko kaagad ang pamilya niya ngunit nangunot ang noo ko ng makita ang pamilyar na mukha.

Our Solicitous Heart (3G Series #2)Where stories live. Discover now