4

53.2K 1.1K 48
                                    

Chapter Four

Wala akong nagawa noong hawakan niya ang braso ko at dumiretso sa may elevator.Pinagtitinginan kami ng mga empleyado lalo na at mukha kaming magkaholding-hands.

Agad kong hiniwalay ang kamay at pasimpleng inayos ang salamin na ginagamit niya lang tuwing sumasakit na ang ulo niya at sa trabaho. Tumingin siya sa akin at parang hinihintay niya akongmatapos  upang hawakan muli ang kamay ko kaya itnago ko sa aking likuran ang mga kamay at sinenyasan na mauna na siya.

"Saan mo gustong kumain? Ayaw mo na ba talaga ng pasta?" tanong nito sa kaniya habang nagmamaneho.

"Kahit saan po and I am a vegetarian." simpleng sagot niya. Ramdam niyang tinapunan siya nito ng nalilitong tingin.

"Kailan pa?" kunot noong tanong nito.

"Matagal na. I don't even remember when was the last time I ate meat." sagot niya.

"Paano mo nagagawang lunukin ang mga damong iyon?" parang nandidiring sabi nito.

Naalala niyang ayaw pala nito ang gulay dahil mapait daw ang mga ito pero hindi niya alam na tumanda na ito't lahat ay ayaw parin ng gulay.

"Maaga kang mamamatay sa karne." iiling iling na kumento niya.

Hindi na rin naman siya nagsalita pa kaya ganun din ako. Pagkatapos nilang kumain ay bumalik din naman sila kaagad sa kumpanya nito. Nagtatanong ang mga mata ng ibang empleyado ng sabay na naman kaming kaya medyo lumayo ako sa kaniya.

Tinitigan niya ako sa ginawa ko.  Tumaas ang kilay niya at mas lalong dumikit sa akin. 

"Muntik ko ng makalimutan. Bukas susunduin kita sa inyo. Sabay na tayong pumunta sa Batanggas."

Kaya siya tatlong araw na hindi makakapasok, well silang apat naman, ay dahil sa wedding anniversary ng parents nila. Gaganapin iyon sa batanggas at tatlong araw iyon.

"Hindi ako pwede, Boss" sabi ko.

"Bakit hindi? May date ka?" tanong nito.

Umiling ako at nilapag ang ilang papeles sa table nito. "Pwede bang h'wag mo akong matawag tawag na boss. Nakakairitang pakinggan lalo na kung galing diyan sa bibig mo. Kristoff is fine with me, Ysa. Tawagin mo akong Kristoff." mahabang sabi nito.

"Hindi naman tayo magkaibigan para tawagin kita sa una mong pangalan—"

"Magkaibigan tayo noon, Ysa. You're the only one who calles me Kristoff." pagpuputol nito sa sinasabi niya.

"Hindi ko po maalala na naging kaibigan kita, Boss." sabi ko.








May isang appointment si Kristoff na hindi niya magawang i-cancel kanina.

"Sumama ka sa'kin, Ysabel" sabi ni Kristoff kaya mabilis kong kinuha ang mga kailangan ko bago sumunod.

Pinaharurot ni Kristoff ang kaniyang sasakyan. Sanay na ako sa mabilis na pagpapatakbo dahil ganito magpatakbo si Kuya.

Pagkarating namin sa table na nakaupo na roon ang ang business partner ni Kristoff.

"Ysabel? Ysabel Liondale?" gulat ang una kong naramdaman ng makita ang dati kong kaibigan.

Ang alam ko kanina ay kapangalan lang ito ng dati niyang kaklase pero mukhang maliit nga talaga ang mundo.

"Ang gwapo mo na Kleido. Akalain mo iyon!" nang-aasar na sabi ko. Para naman itong batang nangamot ng batok at namula ang pisngi.

"I didn't see this coming. Akala ko hindi na kita makikita ulit. I remember it clearly when you painted my white shirt and sinuntok mo ang mukha ko dahil sa gumalaw ako at nasira ang obra mo. Ang sungit sungit mo sa akin non— ay sa lahat pala." sabi nito at humalakhak. Iningusan ko siya at inirapan.

"Sa lahat ba naman ng maaalala mo tungkol sa akin, 'yon pa? Hindi mo man lang naalala na ako ang tumulong sa'yo para pumasa ka sa finals mo sa art class? Naku! naaalala mo lang ang kasungitan ko!" iiling iling na sabi ko.

Ngumisi ito at guguluhin sana ang buhok niya ng may tumikhim sa likuran. Doon ko lang naalala ang pinunta namin dito. Doon ko lang din naalala na kasama ko pala si Kristoff.

"Kilala niyo na ang isa't isa. Halatang halata naman pero hindi ata ang reunion niyong dalawa ang ipinunta natin dito, Ms. Liondale?" mariin nitong sabi.

"Pasensiya na po, Mr. Dela Marcel." sabi nalang niya. Mamaya ay sigawan na naman siya nito. Nginitian nalang niya si Kleido.

Ganun nalang ang gulat niya ng hapitin siya ni Kristoff sa tabi nito. Madilim ang mukha nitong tinignan siya. Umiwas nalang siya ng tingin at inisa-isa ang daliri nitong tinanggal sa pagkakahawak sa kaniya dahil mukhang iyon na ang tinitignan ni Kleido.

"If you don't mind, Mr. Alarcon, gusto kong tumuloy na tayo sa tunay na pakay ng pag-uusap na ito." pormal nitong sabi.

"Mr. Dela Marcel. Pasensiya ka na kung nagmamadali akong pag-usapan ang tungkol sa binibili mong shares sa V.S Shipping Lines. Pasensiya ka na rin at medyo nawiwili akong makipag-kwentuhan kay, Ysabel." nakangiting sabi ni Kleido at talagang kinindatan pa ako ng loko na kinatawa ko lang pero bigla ring nanahimik ng pukulin siya ng matalim na titig ni Kristoff. Ikinataas niya iyon ng kilay ngunit nanahimik rin.

Isa sa lahat ng natutunan niya sa matandang Dela Marcel ang maging charming kapag nakikipag-usap sa kliyente lalo na kung lalaki ang kausap. Maging charming sa paraang hindi ka mababastos. Hindi niya pa iyon gaanong nagagamit dahil hindi naman siya ang parating isinasama ng dating Boss kundi ang isa pa nitong sekretarya kaya sinusubukan niya ngayon. Kilala rin naman niya si Klaeido at alam niyang hindi nito iyon pag-tutuunan ng pansin.

Nagsimula ng mag-negosasyon ang dalawa tungkol sa pagbili ni Kristoff sa shares ni Kleido sa isang sikat na shipping line. Halata ang talino at kasanayan ni Kleido sa larangang iyon dahil nakakaya nitong makipagsabayan kay Kristoff. May iilang parte sa usapan na sumisingit din siya. Hindi naman siya ang sekretarya na isinasama lang para pang-display. May pinag-aralan siya at hanggat sa maaari ay tumutulong siya.

"Pumapayag ako sa mga napag-usapan natin, Mr. Dela Marcel. Mas malaki ang offer mo kaysa sa kabilang kompanya. Ready your papers and I will sign it, as fast as you can." Maya maya ay nagkamay na ang dalawa at ganun din ang ginawa ni Kleido sa kaniya ngunit ikinagulat niya ng matapos ay iangat nito ang kamay niya at halikan ang likod ng palad.

"Get in the car, Ms. Liondale, may pag-uusapan lang kami ni Mr. Alarcon." kunot noong nilingon niya si Kristoff pero ng makitang madilim ang aura nito at nanlilisik ang mga mata ay mabilis niyang kinuha ang susing binibigay nito at nag-martsa paalis.

Pinasok ko lang sa loob ng sasakyan niya ang bag na dala dala ko at ilang papeles bago lumabas upang huminga ng hangin. Ganun kaimportante ang pag-uusapan nila para paalisin siya?

Mabilis din naman siyang umayos ng tayo ng makitang palabas na si Kristoff. Hindi niya ito pinansin at pumasok lang sa loob. Maya maya ay bumukas ang pinto at walang anu-ano niyang inilahad dito ang susi na mabilis nitong kinuha kasama ang kamay niya na pinunasan at nilalagyan nito ng sanitizer. Saan niya nakuha iyon?

Inagaw ko iyon at tinignan siya ng masama. Ito ang kamay kong hinalikan ni Kleido? "Anong problema mo?" inis kong tanong. Inirapan niya lang ako.

"Sa susunod, pwedeng h'wag kang makipaglandian sa kliyente ko?" nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.

Ako nakikipaglandian? Sa paanong paraan? Mabilis na napalitan ng inis ang gulat na iyon.

"Hindi ako nakikipaglandian sa kaniya! Kaibigan  ko siya at matagal ko na siyang hindi nakita kaya ganun ang nangyari." giit ko pero umirap lang ito lalo.

"So kapag siya ang naging kaibigan mo ganun ang mangyayari kung matagal kayong hindi nagkita? Bakit tayo hindi ganun? Halos itanggi mong naging magkaibigan tayo? May gusto ka ba sa kaniya, huh? Bakit ka ba nagpapahalik ng kamay? Kung gusto mo ng kausap ay pwede namang ako. Andito ako, Ysa. Ako ang landiin mo." kung kanina panga ko lang nalaglag, ngayon isama mo pang nanlaki ang mata ko pero mabilis kong pinalis iyon.

Hindi ka ulit malalaglag sa matatamis at nagpapalipad hangin niyang mga salita, Ysa. Hindi iyan magkakagusto sa'yo. Masasaktan ka lang ulit.

 Dela Marcel III: Kristoff UnoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon