01

0 0 0
                                    

I never thought that I will fall in love again, masyado pa akong bata noong nagkaroon ako ng first boyfriend at 14 lang ako, kaya marahil ay mabilis lang akong mamanipulate. Akala ko kasi ganon ang pagmamahal, kung gaano ako kabilis maattach ay ganon rin ako kabilis na maturn off pero nung nagkaroon ako ng boyfriend ay kahit na andami syang redflag hindi ako makaalis dahil iniisip ko sya. Pakitaan mo lang ako ng motibo ay ayos na ako at mahuhulog agad ako. Dahil ganoon ako. Masyado akong attention seeker, isa sa mga kinaiinisan ko.

Mahirap kaya ang mag move on lalo na't sya ang una kong pagibig and I never thought that he'll cheat. Oh well, that's boys. They cheated for fun don't sugar coate it! They say kaya lang sila nagcheat dahil nakukulangan sila sa pagmamahal na binibigay sakanila. Gusto ko tuloy syang tusukin para makaganti.

But anyways it doesn't matter now. I already move on and I forgive him.

"Edi lumayas kayo ng mga anak mo! Pare pareho kayong walang kwenta! Hindi nga yan mautusan 'yang mga anak mo, e!" Inatake ako ng kaba dahil narinig ko na namang nagtatalo sila mama't papa. They're always arguing and mama always lower her pride, dahil wala naman daw patutunguhan ang usapan kung sasabayan nya si Papa.

"May nagagawa naman yang mga yan Ruben! Ikaw lang itong hindi nakikita!" Sigaw pabalik ni Mama. Halos takpan ko na ang tenga ko sa sobrang ingay nila. Puro mura ang lumalabas sa bunganga ni Papa.

Sa paglipas ng panahon ay hindi ko na namamalayan na may galit akong tinatago kay papa at patuloy ko itong inaalagaan.

"Bakit anak ko ba 'yang mga 'yan? Ha? E, nakipag sex ka sa ibang lalake habang wala ako!" Ayan lagi ang bukang bibig ni Papa mula pagkabata ko. Kesyo hindi nya kami anak at malandi si Mama. Hindi ko nga maunawaan si Mama pupwede naman syang lumayas at magpakalayo-layo e! But I guess that's the power of love? I don't know what's love, either?!

Nang matapos sila ay doon lamang ako lumabas ng kwarto upang pumasok. Maaga pa naman at siguradong wala pa masyadong tao doon.

"Oh, ayan na 'yung anak mong magaling." si Papa nang bumaba ako. Tinitignan ko lang sya at nagpatuloy sa pagbaba. Kalaunan ay umalis din at pumasok sa kwarto.

"May pagkain na ba dyaan, Ma?" Tanong ko.

"Wala, oh, ayan pera at bumili ka ng pagkain mo." Gusto ko magreklamo dahil hindi sya bumili ng agahan ngunit tumahimik nalang ako.

Ganon ang ugali ni Mama she's not equal pagdating sa mga anak nya as well as Papa. They have a favorite children among us. Tiningnan ko si Mama at kinuha ang pera na bigay sinabi ko na rin 'yung para sa baon ko dahil diretso na ako sa school.

Lumabas ako ng bahay at bumili ako kila Aling Tess. Doon na ako kumain ng agahan at pagkatapos ay umalis na ako dahil alas sinco na.

Sumakay na lang rin ako ng tricycle dahil kung maglalakad ako ay aabutin ako ng syam-syam.

"Dito na lang po!" Binaba ako ng tricycle sa University na pinapasukan ko. "Thank you po." Saad ko pagkatapos kong iabot ang bayad. Ngumiti lang ang driver at umalis na. 

"Rhianna!" Sumilay agad ang ngiti ko ng makita ang aking kaibigan. Lumapit ako sakanya dahil nasa gate na sya, at pagkatapos ay inabot namin pareho ang Id kay manong guard. For attendance and safety also incase something might happen in our school at least the faculties know that I'll enter the University.

"Sabay na tayo." Sabi ko sakanya. Magkaiba kami ng course na kinuha sa grade eleven.

"Alam mo nasa second sem na tayo pero feeling ko ayaw ko na pumasok. Nakakatamad!" reklamo nya. Isa rin 'tong babaeng to, e! Napaka scammer ayaw daw mag-aral pero laging honor at pasok sa dean list.

To be with you againWhere stories live. Discover now