one love chapter II

43 0 0
                                    

CHAPTER II

 

“Dito na lang ako.” Sabi ni Gel

“Naku buti sinabi mo agad kundi baka lumagpas ako.”  Na bahagyang ikinangiti ni Gel.

“Sa totoo lang lumagpas nga eh, lumagpas ng 3 bahay..          lang naman” sabay ngiti uli.

“ah. Ganun ba hehe.. pasensya na.” “ ok lang,salamat nga pala uli ha.” Nakabalik na sila sa tamang destinasyon.

                                                                                                                                  

“pano pasok na ko.”

“sige alis narin ako”

“ok ingat na lang”

 

Iyon na at umalis na rin si Stephen. Ewan ba niya kung bakit parang ang saya nya nung oras na iyon. Nais nya na sana malayo pa ang bahay ng dalaga para naman makasama pa niya ito. Dahil pakiramdam niya ang saya saya nya.

 

Sa bahay naman nila Gel.

 

“hoy hoy hoy..!”

“Ba-bakit kuya..?” kinakabahang tanong ni Gel.

“Tinatanong mo kung bakit. Alas syete na ah. At sino iyung lalaki na kasama mo na naghatid sayo? BOYFRIEND mo..?” Paninita nito. habang siya’y naglalakad patungong kusina.

 

“Okay.. Mahabang istorya kung bakit pero.. una sa lahat hindi ko boyfriend yun.”

“eh bakit ka niya hinated?”

“gaya nga ng sabi ko mahabang istorya..”inis na sagot ni Gel sa kuyang si Mat.

“sige handa akong makinig.. eto tubig para kung sakaling hingalin kah” sabay lapag ng isang basong tubig.

 

Ang mahabang pagpapaliwanagan ay natapos din ng dumating ang magulang nila. Galing sa school ng kanilang bunsong kapatid na nasa edad sampu. (may program kasi)

Nagmano ang magkuya sa kanilang magulang.

 

“naku anak pasensya na kayo at ginabi na kami ng daddy nyo. Ang dami kasing nagperform. Eh hindi naman kami pweding umalis agad kasi pang huli ang kapatid nyo.” Eksplenasyon ng kanilang ina.

“wala po iyun ma..” Makalokohang tingin ang itinaman sa kapatid. At “Hindi lang nman po kayo ang umuwi ng late eh”bulong nito.

“Ano Mat..?” tanong ng ama nila.

“ah ang sabi po ni kuya baka daw po pweding kumain na tayo kasi late na daw po.” Pagharang nito.

 

“ah ganun ba. O sige sa labas na lang tayo kumain. Teka Gel bakit nakauniform ka pa?” tanong ng kanyang ama.

 

“Naku po patay na”takot na nasa isip ni GEl

 

“nakatulog po kasi kanina sa set pagkauwi nya. Hindi papo ata tatayo kung di mo gigisingin.” Pagsisinungaling ng kanayang kuya. Salamat nalang at mabait ang kuya niya.

One loveWhere stories live. Discover now