Chapter 21: Amusement Park (Part 1)

1.8K 34 2
                                    

Chapter 21: Amusement Park (Part 1)

-Karen’s POV-

 

“Kaye! Where do you want to go first? Ferris wheel? Roller coaster? Dun sa parang… Anchors Away?”

Nandito kami ni Adam sa amusement park sa downtown. Yup, para siyang branch ng Enchanted Kingdom. Hindi naman ito ang first date namin pagkatapos niyang… magpaalam na manligaw sa akin.

Kyaaaaa >///< Pag naalala ko kinikilig pa rin ako at namumula… At naguguilty. Kasi hanggang ngayon, oo… May mahal pa rin akong iba at habang tumatagal, pakiramdam ko niloloko ko lang si Adam… at ang sarili ko. Pero gusto ko din naman kasi siyang matutuhang mahalin. Baka naman… May chance din kaming dalawa.

Speaking of Batman, hindi pa rin kami naguusap ni Scott. Nung una, hindi talaga ako mapakali at umiiyak ako tuwing gabi. Bihira naman kasi kami mag-away ni Scott. Well, oo lagi kaming nagaaway at nagbabangayan sa maliliit na bagay. Ayun, nag aasaran. Pero minsan lang to mangyari. Ilang beses niya akong sinubukan kausapin pero hindi ako bumibigay!

Aba kahit mahal ko yun magtiis siya! Masama talaga loob ko sa kanya. Buti naman itong si Adam nakaramdam na parang may problema kami, wala ng pinagawa kay Scott. Kaya ayun di ko na masyadong nakakausap yung best friend kong mahal na mahal ko T_T

Haay, ang gulo ko naman!

Mag eenjoy na nga lang ako dito sa amusement park!

“Mag Anchors Away nalang tayo, okay lang?”

Tumango lang siya sa akin at ngumiti. Hinawakan niya ang kamay ko at sabay na kami pumila para sa Anchors Away. Medyo mahaba ang pila, in demand yata talaga ang ride na to! Nagkwentuhan at tawanan lang kami habang nakapila. Tapos turn na namin. Dun kami sa pinakadulo umupo!

Aba sino kayang duwag sa atin? Pareho kaming matapang at enjoy na enjoy! Hahaha! Sigaw lang ako ng sigaw kahit na pakiramdam ko naiiwan yung kaluluwa ko dun sa taas pag bumababa yung ride. Pero Kyaaaaaa! Ang saya saya!

“Ang saya ang sayaaaa!” Para akong timang na sumisigaw pagkababa namin. Tinawanan lang ako ni Adam. Aba, hindi yata ako damsel in distress pagdating sa mga rides!

Next namin ay dun sa mini roller coaster. Di pa siya yung pinakamalaki, basta parang roller coaster pa. Haha. Nag Swan Lake din kami pagkatapos. Yung parang sasakay kayo sa malalaking swans tapos aandar kayo dun sa parang maliit na lake.

Ang saya saya talaga! Masayang kasama si Adam. Ewan ko nga, parang masyadong perfect yung lalaking to. There’s never a dull moment with him.

Natapos kami dun before mag lunch time kaya kahit medyo kararating lang namin, nagyaya na siya maglunch. Alam naman namin pareho na mahilig kami kumain at lagi kami nagugutom!

“Anong gusto mong kainin?” Tanong niya sa akin habang nakapaupo lang kami sa benches at nagpapahinga.

“Ah… Ikaw, kahit ano okay lang. ^_^”

Love You, Only BetterWhere stories live. Discover now