Wattpad Original
There are 10 more free parts

Fallen Part 1: Exordium Chapter 5 and 6

97.1K 1.8K 287
                                    

Chapter 5

Mabilis na akong lumabas ng school. Aasikasuhin ko pa yung mga naiwan kong groceries sa bahay, kakain, tapos magdo-download ng mga kanta, nood TV, aral, nood TV, kain, ayos ng sarili, tulog—gaya ng sabi ko sa "espiritu" kanina (na hanggang ngayon ay sumusunod pa rin sa akin), walang kwenta ang buhay ko.

"Palimos po... pambili lang po ng pagkain." Nakita ko sa unahan ang isang batang lalaki na humihingi ng tulong sa mga schoolmates kong babae.

"Iwww... stay away from us!" Pinagtabuyan nila yung bata.

"Palimos po, kahit po barya lang o konting makakin, nagugutom lang po ang mga kapat—" Bago pa matapos nung bata yung sasabihin niya naitulak na agad siya nung schoolmate ko kaya napadapa ito sa may sidewalk.

Nag-init yung ulo ko sa nakita ko at mabilis akong lumapit sa bata. "Ayos ka lang?" tanong ko dun sa bata habang inaayos siya. Tumango lamang siya, at binalingan ko ang tumulak sa kanya. "Bata lang 'to! Bakit niyo tinulak?"

"Pakialam mo ba? Huh...hindi porke't si Sadako ka may kara—"

Hinawakan ko yung daliri niyang kanina pa ako dinuduro. "Say sorry or else, ikaw ang itutulak ko... una ang mukha!" sinabi ko sa kanya in the coldest and harshest tone that I could muster.

Nakita kong natakot siya. "Sorry, bata." Tapos mabilis na siyang tumakbo.

Bumaling ako dun sa bata at ini-level yung sarili ko sa kanya. "Ayos ka lang talaga?"

"Opo, Ate." Nakita kong medyo natatakot siya sa akin, at hindi ko naman siya masisisi. Nginitian ko siya (minsan lang akong ngumiti).

"Wag ka ng matakot sa akin, hindi naman kita sasaktan." Kinuha ko yung bag ko at nilabas ang isang sandwich ko. Ibinigay ko ito sa kanya. "Iyan lang ang dala ko ngayon eh, pasensiya na."

Mabilis niya itong kinuha. "Ayos lang po, Ate! Thank you po, may maipapakain na po ako sa mga kapatid ko."

"Ang bait mo namang kuya... ano nga pala pangalan mo?"

"Kailangan po kasi... Jack po... sige Ate, punta lang po ako sa mga kapatid ko... salamat po Ate—"

"Alyx."

Ngumiti siya sa akin. "Ate Alyx." Nagsimula na siyang maglakad at kumaway pa siya sa akin. Nakatayo lang ako doon at nginingitian siya. Nakikita ko pa siya na tuwang-tuwa nang biglang—

Nagulat na lang ako nang biglang may parang nasira na hindi ko maintindihan. Sumabog? Ewan! Basta bigla na lang nagkakagulo. Nabalutan ng usok yung dadaanan ko. Parang ganito din yung nangyari sa akin kahapon...

Teka...

Kahapon? Anong—

Hindi ko na naituloy ang iniisip ko dahil may narinig akong naiyak.

"JACK!"

Marami na akong naririnig na nagsisigawan, marami akong nakakabangga, pero hinahanap ko si Jack. Nakita ko siyang nakaupo sa sahig at pinoprotektahan ang sarili niya.

"Jack!"

Lumingon siya sa akin "Ate—"

Bago pa siya natapos, may isang pagsabog na naman. Mabilis ko siyang niyakap at isinangga ang sarili ko sa posibleng mangyari sa kanya. Madami pang pagsabog ang narinig ko. Umiiyak si Jack habang yakap ko. Pakakalmahin ko sana si Jack nang may bigla akong naramdaman...

Takot.

Kakaibang takot sa naramdaman ko kanina. Nagtaasan ang mga balahibo ko, at ang bilis ng tibok ng dibdib ko. Parang may kakaibang mangyayari. Pero parang naramdaman ko na rin ang takot na ito...

FallenWhere stories live. Discover now