Isang Linggong Pagsisisi : Lunes

1.7K 69 27
                                    

" Sa mundong ito, walang misteryo na hindi nareresolba, walang TANONG na hindi NASASAGOT."

~TL

Walang pasok. Tinamad na naman kasi si Aling Bonetsky, alias namin sa teacher namin na walang ginawa kundi magtanong lang ng magtanong sa amin kung ano ang ibig sabihin ng Accounting at walang katapusang nagpo-promote ng eskwelahang pinapasukan ng anak niya. Pektusan daw sa sentido, eka nung mga kaklase ko. Minsan nga, naisip ko kung sa kanya ko pinaglihi ng nanay ko. Daming tanong e.

Tayo. Ayos ng kama. Tiklop ng kumot. Baba sa hagdanan. Diretso sa lababo. Mumog. Ihi ( Kasama na yung pag-jerbaks kung meron man). Buksan ang ref. Hanap ng pagkain.

* Sinuman ang di gumagawa ng isa sa mga 'to, isang tanong lang ang masasabi ko sayo .. Tao ka ba?

Nakahanap ako ng itlog. Nabasag nga lang. Kung hindi ba naman kasi ako hilo. Prinito ko na lang. Scramble egg.. Di kasi ako mahilig sa buo mukang uhog yung pula e ( Mamatay na nagtanong). Habang niluluto ko, nakikinig ako ng radyo.. Soundtrip kumbaga.

" Magandang Umaga po sa inyong lahat, Headline Balita: Isang pulitiko, nagpakabayani nang mabaril sa kagustuhan mailigtas ang pinsan niya mula sa kidnapper."

Dami nang ganyan, pero scripted naman lahat. Maipakita lang na nagpapakabayani ang isang tao, artista na. Ma-showbiz lang. Marami na kong kilalang ganyan: Pulubi na nag-attempt na tumalon sa ilog para lang magpapansin sa crush niyang kano ;Lalaking naglagay ng unan sa likod, umakyat sa kampana ng simbahan at nagtangka ring tumalon.( Ngayon alam mo na kung bakit marami ng version ang istorya ng Kampanerang Kuba) , tanong mo kung bakit niya ginawa? Wala lang trip niya lang ; Batang kumain ng paputok , sabog ang ngala-ngala.. Nabuhay! . Naisip ko nga na kung sila ay yung itlog na nailaglag ko ngayon-ngayon lang, hindi ko na sila lulutuin at ibibigay ko na lang sa mga taong baliw na naghahanap ng mga papansin sa kanila.

Budbod ng asin. Boom! Aray! Tumalsik yung mantika! Narinig ata ako nung mga itlog at hindi nila ako pinayagang ikumpara ko sila sa mga taong papansin. Sorry kung ganon. Maski ata yung mga itlog ay hindi kinakaya ang mga sinasabi ko.

~

Mga Kilalang Bayani / Showbiz Bayani.

Bukod kina Jose RIzal, Apolinario Mabini, Gregorio Del Pilar at Tandang Sora, na ngayo'y ginagawa pa ring poon ng iba't-ibang lungsod ( wag mo ng tanungin kung saan), marami pa tayong maipagmamalaking bayani ng ating bansa. Mga bayani na unti-unti nang nababaon at nakakalimutan na lang. Modern Day Heroes.

Guro, Magsasaka, Inhinyero, Bumbero, Mangingisda. Ilan lang 'yan sa mga modernong bayani na kung tutuusin ay napakaraming ng naambag sa ating bansa. Dugo't pawis na ang lumabas sa katawan nila. Marami ang na ring laway ang lumabas, hindi lang para sa pansariling kapakanan maging sa pangkalahatan. Ngunit hindi pa ata ito sapat na dahilan para sa mga ibang mga Pilipinong naghahangad na mailigtas pa sila mula sa mga holdaper, carnapper, at kidnapper para lang maituring na mga bayani ang karaniwang mamamayan. Masyado na yata kasing tumataas ang kalidad ng mga Pilipino 'pag dating sa paghanap ng mga bayani. Iniintay pa yata nating may mabaril na guro, may magbuwis ng buhay mula sa angkan ng magsasaka, may mahulog na inhinyero sa ilalim ng tulay dahil sa pagligtas ng isang sanggol, may masunog na katawan ng bumbero, may mangingisdang makain ng pating, at baka may malaglag ulit na itlog pag bukas mo ng ref . Gaya ng ating mga ina nang tayo'y kanilang pinagbubuntis, ang bawat paa ng mga tao ito ay nakasabit din sa kamatayan, na maaaring sa isang sulyap ay mamatay sila at saka pa lang tayo mamulatan ng mata. Huwag naman sana.

iJuanDer ( mga tanong na hindi mabigyan ng kasagutan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon