Of Memories and New Beginnings by louieadrielle

720 137 3
                                    

[ SONG ] Somewhere In Neverland

[ ARTIST ] All Time Low

[ TEAM ] Fall

[ WATTPAD WORD COUNT ] 2,386 words

Palagi akong tinatanong ng mga tao sa 'king paligid kung bakit siya pa ang pinakasalan ko sa kabila ng lahat. Isang tipid na ngiti lang ang isinasagot ko sa kanila. Hindi sa wala akong maisip na isasagot, ang totoo nga niyan ay marami. Ngunit alam ko namang kahit gaano pa karami iyon ay hindi pa rin nila 'ko maiintindihan. Dahil para sa kanila, mali ang pakasalan ko pa siya. Kung mali man ang ginawa ko, sinisigurado kong ito na ang pinakamagandang pagkakamaling nagawa ko sa buong buhay ko. Kahit pa sabihing gasgas na ang mga linyang ito.


Tipid akong napangiti nang makita ko ang larawang nakapatong sa 'king bed side table. Makikita sa larawan ang isang batang babae at lalaking masayang magkaakbay sa isa't isa. Ang larawang ito ang nagpapaalalang bata pa lang kami ay bahagi na siya ng buhay ko. Natatandaan ko pa 'yung mga usapan namin matapos kaming kuhanan ng litrato ng kanyang Mama.


"Ella! Tara sa ilog!" pagyayaya niya sa 'kin.


"Ano namang gagawin natin do'n?" tanong ko sa kanya.


"Basta!" sabi niya na nagmamadaling umakyat sa kanyang kuwarto. Sinundan ko naman siya at nakitang may hinahalungkat sa kanyang mga gamit.


"Ano muna kasing gagawin natin doon?" pangungulit ko pa sa kanya.


"Magpapalangoy tayo ng bangkang papel," sabi niya sabay pakita ng mga papel niya. "'Di ba sabi mo sa akin, gusto mong magpalangoy ng bangkang papel? At dahil bakasyon ngayon, magpapalangoy tayo sa ilog!" masaya niyang sabi. Nagtatalon ako sa tuwa nang sinabi niya iyon. "Ano? Sasama ka ba sa akin?" tanong niya. Sunod-sunod naman ang pagtango ko sa kanya at sabay kaming gumawa ng maraming bangkang papel.


Napangiti ako sa alaalang iyon. Ang simple lang ng kaligayahan namin noon pero hindi ko ipagpapalit 'yon sa kahit na ano pa man. Araw-araw ko siyang kasama noon. Bukod sa magkatapat lang ang aming bahay, magkaklase't matalik na magkaibigan din kami. Madalas akong tumatambay sa bahay nila dahil palaging nag-aaway ang mga magulang ko sa bahay. Ayoko naman sa amin 'pag ganoon kaya pumupunta ako sa kanila. Parang nanay ko na nga rin ang mama niya dahil todo ang pag-aasikaso nito sa akin 'pag nasa kanila ako.


Madalas kaming maglaro noon ng barku-barkuhan kung aming tawagin. Siya ang kapitan ng barko at ako naman ang kanyang pasahero. Bata pa lang ay pangarap na niyang makapagpaandar ng barko. Hilig din naming manood ng mga cartoons at Harry Potter Movies sa kanila.Paborito namin 'yun! Naalala ko pa nga na 'pag pinapakita 'yung Whomping willow tree, nagtatago ako sa likod niya. Mas takot pa ako roon kaysa kay Voldemort. Palagi niya pa ngang sinasabi sa akin noon na hindi niya ako iiwan at nandiyan lang siya sa tabi ko. Napabuntong hininga na lang ako at nagsimulang magligpit ng aking mga gamit.


Hinalungkat ko ang mga gamit ko sa kabinet na puwede pang dalhin sa aking paglipat. At ang unang bumungad sa akin ay ang impossible bottle na ibinigay niya sa akin noong panahong may sakit ako't ilang araw na hindi nakapasok sa school.


"Ella, may ibibigay ako sa 'yo. Siguradong matutuwa ka," sabi niya sa 'kin nang dalawin niya ako sa aming bahay habang ako'y nakahiga sa aking kuwarto. Tiningnan ko lang siya noon dahil masama pa rin ang pakiramdam ko.

Liriko 2: PlayoffsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon