Chapter 47

40.4K 1.7K 281
                                    





"Hey, uuwi kana?"- tanong ni Chelsea na katrabaho ko.

Tumango naman ako habang sinusukbit ang sling bag ko. Ngumiti naman sya sakin.

"Sabay na tayo"

"Hindi ka sasabay kay Josh?"

"Hindi, mamaya pa daw sya e."

"Hmm, okay."

Sabay na kaming bumaba. Isa si Chels sa mga nakapalagayan ko na ng loob dito sa trabaho. Para kasi syang si Vera.

"Ay wait, daan tayo dun sa bagong bukas na kainan."

"Pero mag gagabi na"

"Edi early dinner tayo, let's go!"

Hindi nako naka angal ng hatakin nya ako at sabay kaming tumawid.

Pumara sya ng taxi at nagpahatid kami duon sa sinasabi nyang kainan daw.

Pagkadating namin dun namangha ako. Ang ganda kasi e. It's a grill house, by the way.

Madami din tao nuong makapasok kami sa loob.
Naupo kami at may lumapit naman kaagad na waiter sa amin.

Siya na yung pinag order ko. Tutal desisyon naman nya na kumain kami dito.

"So, what can you say?"

I squinted my eyes a little because I didn't get her.
She chuckled and crossed her arms.

"What can you say about the place?"

Napa o shaped naman ang labi ko at nagkibit balikat ako.

"Ano nga?"

"Hmm, it's nice."

Lumawak naman ang ngiti nya, bagay na ikinataka ko.

"Bakit?"

"Wala lang. Ang neutral kasi ng mukha mo."

Napahawak naman ako sa pisnge ko at bahagya iyon binanat.

"O ayan nakangiti nako."

Napailing naman sya at nag iwas na ng tingin. Pagkadating ng order namin ay kumain na kaming dalawa.

Masarap naman. Joke! Sobrang sarap talaga. Kung hindi nga lang ako nagbabawas ng carbs baka naka ilang ulit pa akong kain.

Ako ang nagbayad ng kinain ko kahit pa sinasabi nya na sya nalang dahil may pera naman akong sa akin kaya bakit ako magpapalibre diba?

Sa ibang mga araw nalang kapag wala talaga akong pera o kapag kaming tatlo nina Josh ang lumabas.

"Hay! Busog ako, ikaw ba?"

Siniko pa nya ako habang naglalakad kami.

Ngumiti ako ng bahagya at pinasok sa bulsa ng blazer ko ang mga kamay ko. Gabi na kasi kaya medyo malamig na ang dampi ng hangin sa balat ko.

"Hoy! Bakit ba ang tahimik mo padin e ilang buwan na tayong magkakilala."

"Sorry, may iniisip lang ako. And to answer your question, yes nabusog ako."

"Okay"

Sinilip ko naman sya, bigla kasi syang nanahimik at walang gana na syang naglalakad ngayon sa tabi ko.

"You mad?"

Mabilis naman syang lumingon sakin at umiling.

"Ginagaya lang kita."- sagot nya at ngumisi.

I chuckled and shook my head. Baliw talaga.

Huminto kami sa may waiting shed para mag abang ng sasakyan.
Hindi kalaunan ay may dumaan naman na taxi.

His Ate ✔Where stories live. Discover now