Chapter 11

2.1K 74 4
                                    

 Salamat sa mga nag comment at nag abang ng update neto! Kahit dalawa lang kayo naapreciate ko

here's my UD

Dedicated pala to kay preciousbaldos ^___^. Thank you sa pag basa sa mga stories ko

============================================================================

Ynna's POV

Nagtitimpla ako ng kape. Dadalhan ko kasi si Ethan. Mga ganitong oras kasi magtetext na yun at magpapadala ng coffee. Kaya inunahan ko na. Haha!

Papunta na sana ako sa table niya ng makita ko si...... Irene? Binigya niya ng coffee si Ethan. Naku, sayang naman tong ginawa ko. Hayaan mo na. Ako na lang iinom nito. Sinarapan ko pa naman yung timpla.

Si Irene nga pala yung isa sa mga katrabaho ko (nabanggit na po siya sa chapter 1 ).Bat nakangiti ata si Ethan. Type niya si Irene?

Ano ba tong lalaking to. Kaka break lang may bago agad. Narining ko kasing pasigaw na sabi ni Irene na antayin na lang daw siya mamayang uwian.

Tssk! Napaka babaero talaga ni Ethan. Kaya nakakatakot ng magtiwala sa mga lalaki eh.

*****

Uwian na. Mag didrive pa pala ako. Kapagod naman. Teka lang..... Si Ethan ba yun? Kasama niya si Irene. Oo nga pala may date sila. Aish! 

Tooot!

1 New Messege!

From: Ethan Yeun

Ynna may pupuntahan lang ako. Antayin mo na lang ako sa may parking lot.

Haaaays! Mag aantay pa pala ako.

*****

8:30 na pala. Mahigit isang oras na akong naghhintay dito. Hindi pa siya nag tetext. Tas gutom na gutom na ako.

Kaso mamaya balikan niya ako dito tas magkasalisi kami. Magalit pa siya. Aish! Bat ko ba iniintindi yung galit niya. Eh kawawa naman ako. Kanina pa ako dito. 

Another 30 mins. na ang nakalipas. Di ko na talaga kaya. Tas ang lamig pa ng panahon. Giniginaw na ako *achoo!* . Aaaaw! Gutom na din ako >.<

Ethan! Ang sama mo! Hindi ka man lang mag txt. Mamaya inuwi mo na yung babae mo na yun. 

Beep! Beep!

Napalingon ako dun sa kotse na may ilaw. "S-sir Steven? *achoo!*. Excues lang po." Aish! Kasalanan ni Ethan to eh. Ayan sisiponin na ako.

"Kanina ka pa diyan aah. Kanina pa kita tinitignan. Sino ba inaantay mo? Boyfriend mo?"

"Ay hindi po sir! Wala po akong boyfriend. Kaibigan ko lang po. Sabi niya kasi dadaanan niya daw ako kaso mukhang hindi na siya makakarating. Sige po sir una na po ako" Tapos naglakad na ako.

"Wait Ms. Go. Hatid na kita. Delikado na mag commute ng gabi. Tsaka malamig yung panahon. Baka lalo ka pang magkasakit niyan. Bahala ka hindi ka makakapasok sa trabaho niyan" sabi ni sir habang nakangiti.

Oo nga no. Sige na nga. Ang lamig eh. Pumasok na ako sa loob ng kotse ni sir.

Habang nasa loob kami. Naka pikit lang ako pero gising ako. Nagpapahinga lang, tsaka ang sakit na kasi ng tiyan ko eh. Nagugutom na ako. Gabi na at hindi pa ko kumakain.

"Ynna...... Kung okey lang. Pwede mo ba akong samahan kumain? Pumayag ka na. Alam ko namang hindi ka pa nag didinner. Kanina pa kaya kita nakita dun sa parking lot."

Mr. Jerk's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon