Chapter 6

7 0 0
                                    

"Ate para kang timang -_-"

"Eto pwede na ba to? Eh kung etong dress kaya? Parang masyado naman akong pa-girl, eh kung pants at polo kaya? Parang hindi pang-date naman to, eh kung short? Para kong mamamalengke! Andieeee tulungan mo ko!", natataranta na ko kasi baka anong oras dumating na si Marco.

"Ate chill ka lang, suotin mo kung saan ka komportable!"

"Hindi ko nga alam eh! First time kong makikipag-date! NBSB nga diba?!"

"So? Porket NBSB di na marunong pumorma? Basta kung ano nga yung komportable ka!"

"'Nak! Andito na si Marco! Bilisan mo na magbihis ha? Saan ba kayo pupunta?", oh shet! Kailangan ko ng magmadali! Wala naman kasi akong masyadong damit kaya ang hirap pumili, baka mamaya magmukha akong basura sa tabi ni Marco at baka mapagkamalan pa kong alalay -_-

"Hindi ko po alam nay eh, magpapaalam daw po sya sa inyo"

"Osya sige at asikasuhin ko muna si Marco sa baba, bilisan mo magbihis ha?"

"Opo", naikwento ko na kila Nanay yung kay Marco, hindi naman sila nagalit o ano, natawa pa nga sila eh, torpe daw pala si Marco. Nag skater skirt na lang ako at white t-shirt na body fit, pinartneran ko din ng sandals.

Naguusap sila Nanay pagkababa ko, napatingin naman sakin si Marco. Alam kong gwapo si Marco pero kakaibang gwapo sya ngayon, hindi ko ma-explain pero bakit kahit anong suotin nya bagay na bagay sa kanya, naka 3/4's sya na white, naka-tuck in ito sa maong pants nya.

"Andyan ka na pala anak, bilisan mo at kanina pa naghihintay itong si Marco."

"Okay lang po tita."

"Teka saan ba kayo pupuntang dalawa ha?"

"Actually hindi ko pa po alam eh, hehe, pero promise po by 11 nakauwi na si Candy."

"Osige mag-ingat kayong dalawa ha?" Hinalikan ko naman sa pisngi si nanay at nagpaalam. Nasa labas na kami ng nakita ko si Kokoy na nakatambay sa tapat.

"Milabbs, sino yang kasama mo? Saan kayo pupunta?" Usyoso naman nito, pati ilang mga kapit bahay ay nakatingin na din samin.

"Sus Kokoy eh ano bang pakialam mo ha? Natural lang naman na magpaligaw ereng si Candy! Mabuti nga at hindi sayo napunta, ano namang ibibigay mo dyan? 'Ku talaga kang bata ka", singit naman ni Manang Nena na may-ari ng sari-sari store sa tapat namin.

"Eh tinatanong ko lang naman ho at baka mamaya eh hindi mapagkakatiwalaan tong mokong na to", sabay tingin kay Marco.

"Eh kay gwapong bata hindi mapagkakatiwalaan? 'Yang mukha mo ang hindi dapat na pagkatiwalaan pag dating kay Candy!", naiiling na lang ako sa pinaguusapan nila.

"Si Marco nga po pala Manang Nena, Kokoy," pakilala ko, "Si Manang Nena at Kokoy nga pala Marco." Nag hi naman si Marco sa kanila, aba si Manang Nena eh kinilig pa!

"Mauna na ho kami", ngiti ko sa kanila, nasa loob na kami ng kotse ng magtanong si Marco.

"So Kokoy ha? It looks like he likes you." Nakasimangot nitong sabi.

"Kaibigan ko yun si Kokoy, sya ang service namin papuntang pwesto sa Divisoria kaya close kami."

"Aah", seryoso pa din ito, bakit kaya? Hindi kaya..

"Nagseselos ka ba?" Natatawa kong tanong.

"Hell no!"

"Aah kaya pala.." Asar ko pa sa kanya.

"I-its just that, he's lucky 'cause he gets to see you everyday and I don't." Ang cute lang nitong mag-pout!

"Hahaha! Wag ka ngang mag-pout di bagay sayo." Asar ko dito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 13, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

You Captivated My HeartWhere stories live. Discover now