Chapter 3

144 6 1
                                    

Bella's Pov

Sobrang lakas ng ulan ngayon halos lahat ay basa na sapagkat nasa field kami non ng biglang umulan nang malakas. Tsk dahil sa inis aksidente kong natulak si Racky.

"Bella ano ba Yan!" saway niya sakin
Gusto kong tumawa pero pinipigilan ko baka mamaya nasa sahig nadin ako katulad niya, Knowing Him Mabilis mapikon.

Lumipas ang ilang minuto hini-hintay parin namin huminto ang ulan. Ang ibang mga kaklase ko ay nag dadasal na tumigil na ang ulan at ang iba naman kumakanta ng"rain rain go away"

Maya-maya biglang lumakas ang ulan.

"HAHAHAHAHA ang lakas ng trip nila,pakanta-kanta pa ayan tuloy mas lalong lumakas ang ulan" Sabi ko kay Racky na agad tumingin sa mga kaklase kong kumakanta

"Ano'ng little children wants to play? Hoy! Hindi na tayo bata!" Sigaw niya sa mga kaklase kong kumakanta hahahahhaha siraulo.

Epal talaga to.

Ako rin pala.

Kumakanta parin sila hanggang ngayon.
Nagulat na lamang ako dahil kasama na si Racky sa mga kumakanta.

Isip bata.

Tapos mali pa lyrics nila.

Makalipas ang sampung minuto tumigil na ang ulan. Agad naman nag ingay ang lahat ng mga kaklase ko parang elementary tsk.

Dahil umulan siyempre basa ang lupa,kaya dahan-dahan kaming mag lakad para hindi madulas.

Habang naglalakad kami naisip ko bigla si Lola, kamusta na kaya siya? Panigurado nag-aalala nayon sakin kasi pasaway daw ako,Tuwing umuulan daw kung saan-saan daw ako nag pupunta. Eh alam niya namang nasa school ako.

Dahil sa pag iisip-isip ko hindi ko namalayan na nadulas ako Amp! Pero nakahawak pala ako kay Racky kaya ayun napa upo rin siya sa sahig kagaya ko.

Ganto kasi ang tunay na Bonding.

Walang iwanan.

"Bakit kailangan man damay?!" Reklamo niya

"Friendship goals!" Sigaw ng mga kaklase namin tsk. Nahawa ako sa tawa nila kaya napatawa narin ako.

"Tara na hoy!" Inilahad niya ang kaniyang kamay at ang kaniyang mga mata ay parang nag sasabing tanggapin mo.

Eh? Gold ba siya?

"Ano titignan mo nalang yung kamay ko?"

Inirapan ko nalang siya at inabot ang kaniyang kamay.

"Those times we had
Reminiscing over times when you'd hold my hand
Oh I really did love you
Didn't think I could hurt you♪♪"

Nights of DecemberWhere stories live. Discover now