Chapter 20

74 2 1
                                    


ELLA's POV

Nandito na kami sa location, wala pa sila princess, mukhang napaaga ako. Hindi namin kasama si Tita M. Wala siya bahay nung umalis kami ni karing, tinatawagan ko siya pero hindi siya sumasagot. Hindi ko alam kung bakit naging emotional siya kagabi hindi naman siya ganun dati kapag nagkkwento ako sa kanya about sa pamilya ko.

May kumatok sa pinto at pumasok si Bryan. "Hi, goodmorning" bati niya at tumabi siya sakin sa couch "Goodmorning" bati namin ni karing 

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan, hindi naman ito yung una kong photoshoot pero first time na kasama ko si princess at kirby. Dumaldal din ng dumaldal si bryan siguro mga 30 minutes na siyang nagkekwento at puro tango at ngiti lang ang sinasagot ko sa kanya. At may kumatok ulit sa pinto.

"Goodmorning everyone! Wow ang aga niyo namang dalawa" si Ms. Bella kasunod si Princess at Kirby at si Nanay

Nagkatinginan kami ni nanay parang nagtataka siya, ako nangingilid yung luha ko. Gusto ko siyang yakapin at sabihing miss na miss ko siya.

"Excuse me po" sabi ko at lumabas na ko dumiretso ako sa c.r at pumasok sa cubicle

Kaya pala kinakabahan ako, pinunasan ko yung luha ko at kinalma ko yung sarili ko. Siguro mga 5 minutes ako sa loob at lumabas na ako. Pagkalabas ko nakita ko si Tita M.

"Tita" nasabi ko na lang mukhang natigilan naman siya pero tumango lang siya sakin at patuloy parin siyang nagpress powder. Lalabas na sana siya pero tinawag ko siya "Tita" napatigil siya sa pagbukas ng pinto.

"I'm sorry" at niyakap ko siya "Please, kausapin mo na ako. Hindi ko po yun yung ibig kong sabihin kagabi" at napaiyak na ako. Sa tingin ko nagpipigil siya kasi hindi parin siya nagsasalita "Sige na, okay na. Ikaw talaga kakaayos ko lang ng mukha ko sinira mo agad" biro niya at hinarap niya ko

"Sorry kung naging emotional ako ha? Si-siguro natatakot lang ako na iwanan mo ko" natigilan ako sa sinabi niya 

"Tita hindi kita iiwan gusto ko lang klaruhin tyaka ayusin yung samin ni nanay" pagpapaliwanag ko sa kanya "Yes, yes. i'm really sorry for acting that way" at niyakap niya ko "Magayos ulit tayo" dagdag pa niya at nagtawanan kami

Patapos na kami ng may kumatok sa c.r? "Cindy?" tanong ni karing pagkapasok niya "Nandito lag po pala kayo, hinahanap ka na sa loob cinds" 

"Bakit kumatok ka pa?" tanong ko sa kanya habang palabas na kaming tatlo "Akala ko kwarto mo e" biro niya "Gaga" at pumasok na kami sa loob

Pagkapasok namin humigpit ang hawak ni Tita M sa kamay ko at binulungan niya ko "Si Cindy ka ngayon" at tumango ako

"Oh, Nandito na si cindy" sabi ni ms. bella "Are you alright cindy?" tanong niya sakin ng nakangiti Grabe ang ganda ganda niya talaga "Opo" sagot ko naman

"Okay ayusan niyo na sila habang nagpprepare yung photographer" sabi niya at lumapit ito sa mga magpipicture

Nakita kong nakatingin sakin si nanay na parang may malalim na iniisip, hindi kaya? Nakilala niya ko? pero Imposible!

Apat din yung make up artist at mabilis naman kaming naayusan. Pastel colors yung mga damit na binigay samin. Isa isa kaming pinicturan, magaling ding magproject sa camera si princess. Naalala ko nung mga bata pa kami mahilig talaga siya magpopose. Mabilis siyang natapos kasi halos lahat ng kuha niya magaganda. 

Ako naman yung next, siyempre maayos din naman akong magtrabaho kahit papano marami na akong natutunan from my previous photoshoot. Marami na rin akong kaibigang photographers kaya naturuan nila ako kung pano ang tamang pagproject sa camera, anong anggulo at iba pa. Mabilis din akong natapos, ganun din si kris at bryan. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CHANGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon