CHAPTER 2

89 20 14
                                    

CHAPTER 2

† PRES †

"Alis! Alis! Alis dyan! Ako dyan!" sigaw ng kungsino sa tabi ko. Nakadukdok ako ngayon sa upuan ko dahil nakakaantok. Hindi kami pinasukan ng next prof namin kaya heto ako at naboboryong.

Anong gagawin namin dito? Kingina!

Inis akong napalingon sa isang maingay na taong dumadagondong talaga sa buong room ang boses.

"Ako dyan, Azalea! Doon ka!" sigaw niya. Nagtatadyak pa sya sa inis na parang batang hindi binigyan ng candy.

"'Yoko nga! Ako nauna dito, e!" angil ni Azalea.

"Umalis ka nga dyan! Tabi ako kay Morri! Doon ka! Palit tayo!" atungal nya.

Ikaw na namang pandak ka! Palagi nalang!

"Katabi ko si Morri. Doon ka kina Blaze! Doon ka naman talaga nakaupo"

"Ayoko! Palit tayo! Gusto ko katabi si Morrigan! Ako dyan! Alis!"

Nagbabangayan ang mga puta!

"Nak ng putcha! Ang ingay nyo!" asik ko.

"E, ito kasing si Azalea ayaw umalis!" sumbong ni Sven na parang maiiyak na.

"Ano bang inaarte mo dyan?!" inis na tanong ko. Anak ng pwet naman oh! Hindi talaga ako mabibigyan ng katahimikan hangga't nandito itong pandak na ito! Sarap nitong bigwasan! Lakas maka gago!

"Gusto kita katabi. E, ayaw umalis ni Azalea. Nakakainis! Nakakastress na sya ng kapogian ko!" pagdadabog niya. Gusto kong paliparin itong Dagul nato sa sobrang hangin!

"Nandoon ang upuan mo! Bumalik ka doon!"

"Eeeee! Gusto kita katabi. Tabi tayo Morri! Fleecee!" pagmamakaawa nya sakin at kumapit pa talaga sa braso ko. Iniyuyugyog ko ang braso ko upang bawiin iyon sa kanya pero dinaig pa ng puta ang tarsier kung makakapit!

Letcheng kumag to!

"Ano ba! Bitaw!" inis na utos ko.

"Huhuhu, tabi tayo Morri. Please! Cute naman ako, e" mas kumapit pa ang nyeta sa braso ko. Isang kapit mo pa talagang Pandak ka! Tangal ngipin mo!

"Isa ha! Bitaw!" banta ko.

"Ayaw! Tabi tayo, Igan" natigilan ako sa tinawag nya sakin.

"Igan"

Nage-echo sa utak ko ang pangalang iyon. Mariin akong napapikit upang iwaglit sa isip ang boses na iyon.

Damn this little idiot! Who the fvck tell him to call me that name?!

I'm gonna rip your mouth if I could!

"Sinong nagsabing tawagin moko sa pangalang iyon?" galit na sabi ko sa kanya. Napatigil sya at nag-isip.

"Ahmm, ako. Naisip ko lang" kaswal na sagot nya na para bang wala syang nasabing mali.

Marahas kong binawi ang braso ko sa pagkakahawak nya at tiningnan sya ng masama.

"Don't you call me by that name! My name is Morrigan! Morri for short! Just Morri!" pagtatama ko.

I hate anyone calling me by that name. I never wanna be called by that name. It just remind me of something that I'm trying to avoid of. Isa lang pwedeng tumawag sakin nyan. Wala ng iba.

"Bakit? Maganda naman ha?"

Mas lalong nagsalubong ang kilay ko. Do you want to die right now, dimwit?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 17, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MYSTERIOUS Where stories live. Discover now