Day 1

14.4K 678 764
                                    

"Hi." She greeted me, half-smiling. "Kararating mo lang? Grabe ang tagal mo ah."

Tumawa siya nang mahina bago umupo sa harap ko habang ako naman ay hindi makapagsalita because until now, my brain is still processing everything.

My goodness. Sigurado ba talaga si dad na alam niyang sa isang babae niya ako pina-set up ng date?!

"Hey, are you okay?" She suddenly looks worried but I just answered her with a slight nod. "You must be really surprised that I'm your date tonight. I'm sorry."

Ngayon naman ay tumitingin na siya sa menu at parang cool na cool lang sa nangyayari samantalang ako ay heto at hindi makapaniwala.

"I know you'll get more uncomfortable if there's people here aside from us so I reserved this whole restaurant tonight." She added, still scanning the menu.

I mentally slapped myself. I must calm down and compose myself. I can't be like this in front of this woman.

"Do I look weird?"

Natauhan ako sa muling sinabi nito at nakatingin na rin siya sa 'kin kaya napaiwas ako ng tingin.

"No but you're acting weird." Seryosong sagot ko.

She's really different today. Nakakasama ko lang naman siya kapag ini-invite kami ni Ava or ng mga Alcantaras sa mga vacations or family events nila and from my first impression, hindi naman siya ganyan. She's talkative but not so maingay unlike Iryn at madalas ding makulit.

Narinig ko na naman siyang tumawa pero hindi ko na siya tinapunan pa ng tingin. I pretend to be busy on scanning the menu para ma-distract ako.

"I just noticed na hindi mo gusto nang magulo at maingay so I'm trying to behave myself." Aniya na nagpakunot ng noo ko. Bumalik din ang tingin ko sa kanya dahil hindi na naman ako makapaniwala sa narinig.

"You don't have to do that." Tanging nasabi ko.

Hindi niya naman talaga kailangang baguhin ang sarili niya lalung-lalo na kung para lang ma-impress ako dahil alam ko na ang ugali niya. Hindi na 'yon tatalab sa 'kin.

"Then anong kailangan kong gawin para magustohan mo 'ko... ma'am?"

Hindi ko napigilang maubo dahil kahit wala naman akong iniinom ay parang nasamid ako sa sinabi niya.

Bakit ba napaka-straightforward ng babaeng 'to? Sobrang ganda niya naman kaya hindi mo talaga akalaing babae rin ang gusto.

"Stop it." Seryosong sambit ko ng makabawi.

Grabe na talaga 'to. I can't even... argh!

"I'm sorry. This is suppose to be a friendly date. I didn't mean to make you uncomfortable. Don't worry rin 'cause I won't expect any return after helping your company aside from knowing you more for a week. That's enough for me."

Sandali ko siyang tiningnan at kita naman sa mga mata nito na sincere siya sa kanyang sinabi and I can feel it too.

Dahan-dahan akong bumuntong hininga saka ibinaba ang menu na hawak ko. I know I need to do this for my family and for my dad so... "Fine."

Hindi ko siya narinig na sumagot kaya muli ko siyang tiningnan. Naabutan ko itong nakakagat sa lower lip na parang nagpipigil ng emosyon and there's also a hint of redness on her cheeks.

"T-Thanks. So what food do you like?"

Sandali ko pa siyang tiningnan dahil mukha na naman siyang weirdo but I just shrugged it off.

"The Beef Wellington." Sagot ko.

Agad niyang tinawag ang waiter at siya na rin ang um-order para sa aming dalawa. May sumunod ding isa pang waiter na may dala namang wine at pinagsalin kami.

How To Lose Her In 7 daysDonde viven las historias. Descúbrelo ahora