Special Chapter: Every Woman In The World

578 24 17
                                    

"C-can I be your boyfriend?!"

Yumuko ako at napapikit matapos sumigaw, naghihintay ng sagot. Bukod sa nakakabinging katahimikan, ang pagbukas at sara lang ng pinto ang tangi kong narinig. Baka tapos nang magpaalam si Red sa magulang niya sa kwarto.

"No."

Agad akong napa-angat ng tingin nang sumagot siya. Ramdam ko ang panghihina nang salubungin niya ang mata ko. Muntikan pa kong bumagsak, buti na lang napahawak ako kay Blair at Jaius.

"Anong trip mo, Axelander?" tanong ni Jaius, natatawa habang inaalalayan akong makatayo.

Hindi pa rin maalis ang tingin ko sa pinsan ni Red na nakatingin din sa akin, parang naweweirduhan.

Ang ganda niya. Ang ganda ganda niya.

"Anong meron, Ate?" singit ni Red nang madatnan kami sa gitna ng sala na nagtititigan lang.

"Nothing," sagot ng pinsan niya bago i-alis ang tingin sa 'kin. "Aalis na kayo?"

Kinapit ni Red ang braso niya kay Vanerie at masayang tumango. "Opo."

"Ingat. 'Wag kang magpapagabi."

Hanggang sa makalabas na kami ng bahay, hila hila ko nina Blair, hindi pa rin naalis ang tingin ko sa babae. Nauntog pa ang ako sa gate, tinawanan pa ko nina Storm.

"Ano ba nangyayari sa 'yo, bro?" natatawang tanong ni Red na nakakapit pa rin kay Vanerie. Valentines kasi ngayon at may date sila kahit wala naman silang relasyon. Wala kaming magawa kaya nakisama na lang din kami. Dumaan kami sa bahay ni Red para magpaalam siya na baka malate ng uwi.

"Ate. . . Ate mo 'yung magandang babae?" tanong ko sa kanya.

"Sino 'ron? Lahat ng Ate ko maganda," nagmamalaking sagot niya.

"'Yong hindi mo kamukha."

"Sinasabi mo bang pangit ako?!"

Mas lalong lumakas ang tawanan ni Blair. Kahit si Vanerie, hindi maiwasang mapangisi dahil ang sama ng mukha ni Red.

"'Di naman sa gano'n,  bro. Pero 'yung Ate mo. . . parang Diyosa? Direct descendant ba siya ni Aphrodite?"

She had a long silky black hair, almond shaped eyes, pointy nose, and lips that formed like cupid's bow.

"Ah, si Ate Lavi?" patanong na sagot niya. "Si Ate Lavi 'yon. Imposibleng si Ate Scar. Mas mukhang Medusa 'yon, e," bulong niya pa kay Vanerie na binatukan siya pagkatapos. Imbes naman na masaktan, ngumiti pa ang ngunggong at naghangad ng isa pang hampas.

"Lavi? Lavi pangalan niya?" tanong ko pa.

"Lavi short for Lavender. Color wheel kaming magpipinsan, e," tango ni Red.

Lavender. Lavi. Lav. Love.

Mahal ko na ata siya.

Kahit kakakita lang namin kanina, alam kong siya na ang gusto kong makasama habang buhay. Corny man pero tangina, ang ganda niya.

Her eyes were deep black and it's cold when she stares. Her voice echoes all the way down my system when it's suppose to stop at the ears. The way she moves makes my heart flutter, no matter how small the act is.

Hindi ko yatang mapalapit ulit sa kanya. Baka bumigay ang puso ko, mamatay pa ko.

That's why I decided to just admire her from afar. Tuwing may pagkakataon, tuwing makikita ko ulit siya.

She was two years older than me, one of the reasons why I was rejected. She said I was too young for her. Anong bata sa 16 years old? Parang 2 years lang, e. Hintay niya kong mag legal age, hindi na ko bata.

Tuned Heartthrob (Galexia Sound #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon