Thirty First Game

150 6 0
                                    


CLARENCE POV


Hindi ko sinasadyang sigawan sya kanina, marami kasi akong iniisip nun marami akong problema tapos hindi ko alam kung paano ko nailabas sa kanya lahat yun, Sorry master napag buntungan pa kita ng galit.Kitang kita ko sa mukha nya na gusto nya akong bugbugin pero she calm herself, bilib nga ako sa kanya eh.

*ding.dong.ding.dong*

napatayo ako sa couch at dali daling binuksan yung pinto.Nakita ko si Irish na hawak nya yung dalawa nyang boots tapos nag papanic sya na tumitingin sa likod.

"Master anong nangyari?"

Tumingin sya saakin, nanlalaki ang mga mata nya tapos pinag papawisan sya "C-Clarence! papasukin mo na ako! b-baka malapit na sya"

anong pinag sasabi ng babaeng ito? tinignan ko kung may taong nakasunod sa kanya pero wala naman hinila ko nalang sya papasok.Ni lock nya yung pinto tapos bigla nya akong niyakap.Nagulat ako sa ginawa nya dahil mukhang takot na takot sya.

"Ano ba kasing nangyari master? sabihin nyo" pilit kong inaalis yung kamay nyang nakayakap sa leeg ko pero hindi ko magawa dahil ang higpit ng yakap nya.

"C-Clarence.." I heard her sobs, I feel her hot liquid on my shoulder.Bakit sya umiiyak? tapos parang ang init nya rin, teka baka may sakit ang isang ito?

"Master may sakit kaba? ang init mo"

"C-Clarence.. *sobs* hwag mo kong iwan ah? baka kasi patayin nila ako kapag umalis ka *sobs*"

Hinawakan ko yung leeg nya sh*t ang init nya! dinala ko sya sa couch at pinaupo doon nakita ko ring may sugat sya sa gilid ng labi nya.iiwan ko na sana sya para kuhain yung termometer at first aid kit pero bigla nya akong hinawakan sa t-shirt.

"Clarence hwag mo akong iwan! papatayin kita!!"

Ugh! ang kulit naman ng isang ito pasaway pa! tinanggal ko yung kamay nya sa t-shirt ko at pumunta ng kitchen kung saan doon nakalagay yung first aid,pagkabalik ko agad kong ipinasubo sa kanya yung termometer.

"Bahket ko pha kalangan maghsgantoh wlah namen ake sakhet"

"hwag ka nang makulit master, titignan lang natin kung ilan yung temperature mo"

"My temperature isn't enough when Im with you?" sabi nya habang nakatingin ng diretso saakin

Shete parang lasing lang ang kausap ko, nakainom ata itong babaeng ito eh habang hinihintay kong tumunog 'yung termometer pinaglalaruan nya yung buhok ko sabi nya hindi daw ako naligo gusto nya sabay daw kami maligo papaliguan nya daw ako shete pinag tawanan pa ako nung namula ako.

"Hahaha ang stupid butt namula hahaha eng kyut"

Nung tumunog na 'yung termometer agad ko yung kinuha sa kanya tapos pagkatigin ko ang taas ng temperature nya 39 celsius

Binigyan ko sya ng medicine kaso binato nya lang 'yun, grabe itong babaeng ito mas mahirap pang alagaan kesa kay Cooper.

"Ayoko uminom nyan! Hindi naman totoo 'yan eh! Hindi naman ako mapapagaling nyan! Wala naman kasi akong sakit"

Kinuha ko yung gamot tsaka pinunasan nalang hindi naman madumi dito sa condo may five seconds pa.

"Inumin mo na nga ito hwag ka ng makulit" sabi ko habang naka seryosong nakatingin sa kanya.

She gulp at kinuha sakin yung medicine kaso akala ko iinumin nya tinapon nya lang ulit "give me another madumi nayun yuck pinulot mo pa ulit!"

Binigyan ko nalang sya ng bago dahil ang arte eh may five minutes panaman yun.

Kumuha naman ako ng betadine at bulak para gamutin yung sugat nya sa gilid ng labi nya, hindi bagay kay Irish ang magka sugat at magkapasa bagay panaman syang model tapos pag princesa ang kutis nito dahil maingat sya sa katawan nya tapos susugatan nalang ng kung sino?

"Master, ano bang nangyari? Sabihin mo saakin" sabi ko habang hindi inaalis ang mata ko sa pag gamot ng sugat nya.

"Ahh! Ouch you stupid! Mahapdi kaya!"

"S-Sorry.."

"Nagbabanta na si Asher Clarence.. Sinisisi nya ako kung bakit sya nahuli ng mga pulis" seryoso nyang sabi

"Paano ka nya sisisihin kung sya naman ang may kasalanan?! Nag nakaw nakaw sya tapos sisisihin ka nya? Don't worry master Im here"

Ganun naman ang trabaho ko, ang protektahan ang master ko kahit mahina ako.

"Clarence.." hinawakan nya yung dalawa kong mukha "Is that a promise?"

"Oo master trabaho ko ang protektahan ka diba? Maybe I'm a stupid butt but your brother didn't choose me kung hindi kita kayang protektahan"

Ngumiti sya.Tumayo na ako para yayain syang umakyat.Pero hinila nya yung kamay ka pabalik paupo sa couch.

"Clarence I want candy" sabi nya habang nakatingin saakin

"Meron sa freezer gusto mong kuhaan kita?"

"No I want this" sabi nya while her tip finger on it.

Mag sasalita pa sana ako pero bigla nga nalang akong hinalikan.Nakaramdam nanaman ako ng pagkuryente ng katawan ko at hindi ko maramdaman ang katawan ko, naulit nanaman yung naramdaman ko nung naglapat ang labi naming dalawa.

Hindi naman mahirap mahalin si Irish, sa kabila ng pagiging highblood nya na parang akala mo laging meron, The way she always strict, mapang lait at ma confidence, kapag nakilala mo ang pangloob na anyo nya hindi ka mahihirapang mahulog.

Pero kung sa isang katulad ko s'ya mapupunta kahit sabihing mong mahal nya ako hindi pwede, hindi bagay ang basura sa ginto.

I shut my eyes then respond all her realizing love, the passionate realizing me how she really was.Poison of love blowing inside me.

Nung magkahiwalay kami she rest her head on my shoulder, I can feel her heavy breath roaming around my neck.I guess my baby is already tired.

Binuhat ko sya papunta sa room nya at kinumutan sya dahil mahilig syang mag hubad ng bottom cloth nya kapag natutulog eh ang lamig lamig na sa kwarto nya naka maximum na nga yung aircon naiinitan pa.

Pagkalabas ko ng kwarto nya biglang nag ring yung cellphone ko kaya tinignan ko muna kung sino iyun bago ko sunagot.

"Hello Sir?"

"Clarence how was my princess? Is she okay?"

"Yes sir, may sakit po sya pinainum ko na nang gamot natutulog na po sya"

"Good, alagaan mo sya ng mabuti para 'yang lasing kapag may sakit kaya tiisin mo nalang dahil mag wawala 'yan"

"Got it sir"

"Okay I hang up"

In end call ko narin yung cp ko itatago ko na sana 'yun sa bulsa ko ng bigla nanamang tumunog, baka may nakalimutan lang 'yung kuya ni Irish.

"Hello S--"

"Pinababayaan ko munang mag saya kayo dahil alam kong sa kabilang buhay hindi nyo na mararamdaman 'yan" sabi nya at tumawa ng nakaloloko.

"Asher!! Gago ka! Hwag mong babalaking idamay si Master dito kung hindi mapapatay kita!"

"Don't worry boy dahil sama sama kayong magsasama sa impyerno" tumawa ulit sya ng nakakakilabot na demonyong tawa.

"Ulol! Ikaw ang mababaon doon Asher! Hindi hindi ako makapapayag na sasaktan mo si Master! Ako ang makakaharap mo gago ka!"

"Hmm look interesting, Im exciting to get fight with you boy"

Magsasalita pa sana ako pero pinatay nya na yung call.Malaki ang posibilidad na kayang makalaya ni Asher sa kulungan at may masama syang balak gawin lalo na kay Irish, subukan nya lang dahil magkakapatayan kami bago nya magawa 'yun.

The Game is OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon