Ui! Crush ka nito oh! (one shot)

564 16 5
                                    

Copyright © 2012 by heyitsREINing

All right reserved

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

"ui Joyce!" narinig kong tawag ni Vince sakin. Ayoko sanang lumingon, kaya lang parang may sariling isip yung katawan ko. Alam ko naman na kasi yung sasabihin nya eh. Ilang libong beses nya ng sinabi sakin yun.

Nilingon ko sya tapos ngumiti sya at tinuro yung best friend nya sabay sabi sa famous line nya..

"crush ka nito oh."

Sabi na yun nanaman yung sasabihin nya eh.

Naiinis ako sa twing sasabihin nya yun, eh ano naman kung crush ako nung best friend nya?! Di bale sana kung sya yung may crush sakin baka nagtatalon at nagkakasat pa ko sa harap nya sa twing sasabihin nya yun. Kaso hindi eh..

Gwapo naman yung best friend nyang si Karl, pero hindi sya talaga yung gusto ko. Since first year high school pa kami hanggang ngayong fourth year si Vince talaga ang gusto ko. Ang gwapo nya kasi, maputi, chinito, matalino at varsity player pa. Kaya lang mukang hindi nya ko gusto dahil parang nilalakad nya pa sakin yung best friend nya. Nakakainis talaga. Kaya sa twing isisigaw nya sakin na crush ako ng best friend nya, agad nagsasalubong kilay ko.

Naalala ko pa nung unang beses nya kong tinawag nung 2nd year kami, sobrang kinilig ako nun. Kaya lang nung nilingon ko sya nadissapoint ako nung bigla nyang sinabing "crush ka nito oh". Nung time na yun feeling ko namula ko sa sobrang hiya, nagexpect kasi ako eh tapos ganun lang pala sasabihin nya. Halos masapok naman sya nun nung best friend nya nun. At simula nun lagi nalang nyang sinasabi yung line nyang yun twing nakikita nya ko.

Naiinis ako lalo pag naiisip ko yun.

"Pwede ba Vince tantanan mo ko." sagot ko. nakakainis talaga sya!

Sa sobrang inis ko sakanya tinalikuran ko nalang sya. Narinig kong may sinabi pa sya pero hindi ko na narinig. At ayoko ng marinig kung ano man yun, dahil siguradong ganun parin yung sasabihin nya.

Sa twing magkikita nalang kami lagi nalang ganon sasabihin nya, buti nalang hindi ko sya kaklase, edi minuminuto ganon sasabihin nya?! kaasar talaga!

"oh Joyce, magkasalubong nanaman yang kilay mo." sabi ni Kate pagpasok ko ng room.

"nakakaasar kasi Kate eh."  sabi ko, tas dumukduk ako sa armchair ko.

"hulaan ko, si Vince nanaman noh?"

I nodded, "paulit-ulit nalang kasi sya eh. Hindi ko naman gusto yung best friend nya. Naiinis ako at nasasaktan sa ginagawa nya. Mas gusto ko pang hindi nalang nya ko pansinin kaysa ganyang pinagtutulakan nya lang sakin yung best friend nya."

"hahah! baka naman sya talaga yung may crush sayo at yun lang yung way nya para makapagpapansin sayo."

Umayos ako ng upo at hinarap si Kate, "you think so?"

"I think so."

"I doubt it."

I really doubt it. Si Vince magkakacrush sakin? hah! Joke ba yun? Ayokong umasa.

Nung uwian na hindi ako agad nakauwi dahil isa ako sa mga cleaners. Nung natapos naman kaming maglinis  agad akong lumabas ng classroom para umuwi na.

Nung papalabas ako ng gate nakita ko si Vince na magisang nakatambay sa shed sa loob ng school.

Nakangiti sya. Ngiti na kahit kelan hindi magiging para sakin...

"ui Joyce!" tawag nya sakin.

"ano nanaman Vince? sasabihin mo nanaman sakin na crush ako ng best friend mo? Pwede ba, give me a break." sabi ko then naglakad na ulit ako papunta sa gate, narinig ko naman syang tumawa.

"ui Joyce!" kahit ayokong lumingon, may bahagi ng puso ko na nagsasabing lumingon ako.

Nung lumingon ako, nakita kong nakasmile sya sakin. Then nakita ko syang tumuro sa gilid nya kahit wala naman syang kasama at sinabing..

"crush ka nito oh." 

Pagkasabi nya nun, biglang lumiko yung kamay nya sa dibdib nya. Nakaturo na to ngayon sa puso nya.

Biglang bumilis yung tibok ng puso ko.

"crush ka nito oh, crush ka nitong puso ko." sabi nya ng nakangiti tapos naglakad sya papunta sakin.

Huminto sya sa paglalakad nung nasa tapat ko na sya, hindi ko maiwasang pakatitigan yung gwapo nyang mukha habang nakatingin sya sakin.

"sa tingin ko nga hindi lang crush eh.." sabi nya habang nilalagay yung buhok ko sa likod ng tenga ko.

"kasi sabi nila ang crush daw parang hospital bill, pag lumagpas na ng isang linggo siguradong MAHAL yun." sabi nya habang ineemphasized yung salitang 'mahal'.

"so Joyce, ibig sabihin ba nito mahal na kita? kasi since first year crush na kita eh."

Naginit yung mukha ko sa sinabi nya, "n-niloloko mo ba ko? sabi mo si Karl ang may crush sakin."

"hahaha! way ko lang yun para magpapansin sayo, hindi ko kasi alam kung pano ko magpapapansin sayo eh."

Napasmile ako sa sinabi nya. Tama pala yung sinabi ni Kate.

"tsaka lagi ko naman sinasabi na crush ka ng puso ko eh, kaya lang agad kang tumatalikod kaya hindi mo naririnig." sabi nya habang nakayuko.

"kung ganon nga yun. Ibig sabihin ba nun mahal na din kita? kasi since first year din crush na kita eh." sabi ko.

Bigla naman syang napatingin sakin at niyakap ako. Pero agad din syang bumitaw at ngumiti.

"ui Joyce, crush ka nito oh." sabi nya habang nakaturo sa puso nya.

Ngumiti ako sakanya at tumuro din sa puso ko, "ui Vince, crush ka nito oh."

at simula nun, lagi nyang pinagsisigawan sa school na 'crush ako ng puso nya.' :">

Ngayon narealize ko na, posible palang kung sino yung nangaasar sayo eh syang totoong may gusto sayo. :">

-fin-

Ui! Crush ka nito oh! (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon