CHAPTER 4 (Part 1)

126K 3.1K 171
                                    

GANGSTER HIGH
CHAPTER 4 PART 1
Mr. Smiley

***School

Nandito na ako ngayon sa School. Si Seb nasa hospital padin. Ayaw pa kasing paalisin nung doctor. Madami kasing natamong injuries eh. Baka daw abutin pa sya ng 1week dun sa pagstay.

Late na nga ako eh,kasi naman 5am na ako nagising sa Hospital. saka ko lang naalala na may class nga pala kami ngayon. Kaya ayon! Kailangan ko pang umuwi at maligo para makapagprepare ng gamit ko.

Kaya eto ako ngayon. Dali dali sa pagtakbo para makapuntang classroom kaagad. 2 minutes nalang time na kami!! Takbo lang ako ng takbo nang may mabangga ako

Bigla akong napaupo at napahawak sa ilong ko. Ouchy ansakit ng pwet at ilong ko!

"Ouch." sabi ko habang hawak hawak yung ilong ko. Please lord ayokong mapango,please wag nyo pong babaliin ang aking precious nose!

Napahinga nalang ako ng malalim at bigla kong naalala, luko lukong tao to paharang harang! Agad din naman akong tumingala para makita kung sino yung nabangga ko.

"Miss are you alright?" then inoffer nya sakin yung right hand nya para itayo ako. Hinawakan ko naman para makatayo

"Sorry miss ha. Di kita nakita eh." he said habang dinadampot pa yung mga gamit ko na nahulog sa sahig. Tapos inabot na nya sakin.

"Miss-- wait,you look familiar?" he said then kumunot yung noo nya. Familiar??Ahm sya din eh he look familiar. Pero teka san ko nga ba nakita to?

"Ikaw yung nasa Hospital??" sabay naming tanong sa isat isa.

"Ah oo hahaha." sabay din naming sabi. Para kaming sira dun na tawa ng tawa.pano ba naman kasi, lahat nalang nalang ng sasabihin namin pareho at aba't sabay pa.

Kung hindi nyo sya natatandaan, sya nga pala yung Tall-and-handsome-guy na tinutukoy ko nung nasa hospital ako gawa ni Seb.

"So ikaw pala yun,at dito ka din nag aaral? haha ang liit nga naman ng mundo." then biglang nagserious yung itsura nya. And again he smiles sweetly.

"By the way I'm Kevin. Vinz nalang." then he handed me his right hand para makipagshakehands.

"Kelly." Tipid kong sagot  and so nagshakehands kami. Geezzz ang lambot talaga ng kamay nya nakakagigil.

"I have to go. male-late na kasi talaga ako." Paalam ko dito at saka naglakad. Papalayo na sana ako kaso bigla nanaman syang umimik and that cause me to stop from walking.

"Hatid na kita." he said habang nakasmile. Natigilan naman ako dahil sa sinabi nya.

"H-ha??" Nauutal kong tanong. Baka kasi mali lang ang pagkakarinig ko.

"Sabi ko hatid na kita." tapos lumapit sya sakin saka kinuha yung tatlo kong books na dala. Shemay na Physics kasi yan dami daming libro.

"S-sure ka??"

"Yep. ano bang section mo?" he asked habang naglalakad na kami sa hallway. Geez! bakit lahat ata ng students nakatingin sakin?? may mali ba? may dumi ba mukha ko??

"Ah s-section A ako eh, pati ano... wag na, malayo pa yun ih."  palusot ko pa. Kukunin ko na sana yung books ko ng bigla nyang sinabing.

"Wow,that will be great. Magkaklase tayo." he smiles again.

What the!! tama ba yung narinig ko??? Magkaklase kami??means lagi kong makikita ang smiley face nya?? Ohh Nooooo!!


GANGSTER HIGH (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon