Update 13

80 2 0
                                    

……………

FELIX’s POV

lunch break… another palusot na naman ang gagawin ko -___-

“oh pare wag mo sabihing hindi ka na naman makakasama sa amin?”Rae

“sorry, dadalawin ko ulet si mommy eh…. bukas nalang..”

“sige… basta pag may problema… sabihin mo lang sa amin ha? sige bro!!!”Ramos

at ayun nag daan ang ilang weeks… iba’t ibang palusot :D ,every lunch na kaming magkasabay ni Sheena ^____________^

RAMOS’s POV

hi I’m Christian Ramos :))) kaibigan ni Felix… hehe..

ilang araw na ring hindi na nakakasama sa amin si Felix… iba’t ibat ang dahilan niya… kesyo dadalawin niya ang mommy niya or may naiwan siya sa bahay at kailangan niyang kunin…. medyo nagdududa na ako sa mga pinag-gagawa niya… at nag-aalala na rin kasi ako kay tita… pag tinanong naman kasi namin si Felix.. lage sagot niya, dadalawin niya lang daw, pero ok na…. eh ilang araw na kayang nasa ospital si tita…

“ahmm mom? kumusta nga pala si tita Flores?”

“huh? o.O bakit? anong nangyari sa kanya?”

nagtatakang tanong ni mommy…. wag mo sabihing hindi niya alam ang nangyari kay tita? that’s imposible!!! kasi mag business partner ang mga parents namin noh :P

“eh kasi ilang araw na kasi siyang dinadalaw ni Felix sa ospital.. tuwing lunch pa nga eh…”

“eh wala namang nangyari kay Flores eh…. nag punta lang sila ng U.S. saglit tapos bumalik agad sila….”

“huh? kailan po sila bumalik?”

“nung nakaraang linggo lang…”

naka raang linggo? eh diba yun din ang araw na sabi ni Felix na na ospital si tita?

“ahhh… kasi sabi ni Felix nagkasakit daw si tita eh…”

“pano namang magkakasakit yun? eh kahit kailan ata hindi yun magkakasakit eh :)”

“haha oo nga naman ^_^”

so? nagsisinungaling lang pala si Felix sa amin? eh san naman siya nagpupunta sa mga oras na yun? at bakit hindi niya sinasabi sa akin ang totoo?.... kailangan kong malaman ang katotohanan…

sa skul….

“oh pare wag mo sabihing hindi ka na naman makakasama sa amin?”Rae

“sorry, dadalawin ko ulet si mommy eh…. bukas nalang..”Felix

“sige… basta pag may problema… sabihin mo lang sa amin ha? sige bro!!!”

pagkatapos kong sabihin yun ay umalis na si Felix… syempre.. dapat sundan ko siya… para malaman ko kong saan siya nagpupunta noh!!!...

“kring! kring! kring!”

“oh? hello mommy? ha? sige po.. papunta na ako diyan…”

haha nag kunwari akong tumawag si mommy at syempre alarm lang yun kanina :P

“oi mga pare… una na muna ako ngayon ha? emergency lang…”

at yun… kumaripas ako ng takbo… papa andar na ang kotse ni Felix… syempre para hindi halata na sinusundan ko siya… eh ibang kotse ang ginamit ko :P

------------------------

ilang minuto ang lumipas… eh huminto siya sa isang beach resort ata?

pag baba niya eh may kasama siya… babae… hindi ko ang nga makita ang muka… nakatalikod kasi eh… at super familiar ang hair ng babae… hindi kaya… ah hindi naman siguro… alam kong hindi traydor si Felix para agawin si Sheena…

pag pasok nila eh sumunod na din ako…..

“opss wait lang sir… bawal pumasok dito… hindi poi to resort… private property po ito ng Lariosa family…”

aaaaaahh hindi pala siya resort? at private property ng Lariosa family? bakit hindi ko alam ang tungkol dito? mukang ang dami kong hindi alam tungkol kay Felix ahh…

“I’m a close friend of Felix Lariosa at pipasunod niya ako…. nakita mo namang pumasok siya kanina diba?”

“ok sir sorry..”

“it’s ok…”

hay buti nalang at nakapasok ako -____- ang problema… kung saan ako pupunta ngayon? nawala sila sa paningin ko eh…

kaya heto ako ngayon naglilibot -___- ang malas ko naman -,-

lakad…

lakad…

“haha oo nga noh? haha…”

habang naglalakad ako eh may narinig akong tawa ng babae… mukang boses ni Sheena? hay nako…. guni-guni ko lang siguro yun sa sobrang pagka gusto ko sa kanya… :D

“talaga? eh bakit naman? ang saya kaya nun :’)”

pa silip naman… >>>___>>>

O_O

……..

>_<

hindi kapani-paniwala na si Sheena nga ang nakita kong kasama ni Felix kanina… at ngayon </3 hindi ko aakalaing ganyan pala si Felix… umaatake sa likod tsk tsk… at ngayon alam ko na na traydor siya!!! makikita niya kung sino ang binabangga niya!!!

“booogs!!!”

hala ka… aksidente ko pang nabasag ang vase nila… kaya naman ang paningin nang dalawa ay napunta sa kinaroroonan ko… pero syempre hindi nila nakikita na may tao ba…

“sino yan?... teka lang Sheena ha?”

“sige…”

hala patay… takbooooo… waaah haahaha ang lakas ng takbo ko… buti nalang at hindi ako naabutan… woooh…

nagmamadali ako sa pagbalik sa skul…

hanggang sa matapos ang klase… wala akong naiintindihan sa mga discussion ngayong araw >__< iniisip ko kasi… kung bakit yung nagawa ni Felix? at ang alam ko eh hindi siya mahilig sa babae >____< at si Sheena naman ayaw sa mga lalaki… pano sila nagkakilala? kailan lang? matagal na ba? tsk! tsk! wala akong kaalam-alam >__<

“oh pare bakit ang sama ng tingin mo ?”Jibben

“wala toh…”

“oo nga naman Ramos? bakit ka nga pala tahimik diyan?”Felix

tsk tsk dahil sayo traydor kong bestfriend >__<

“sabi nang wala toh eh… medyo mainit lang ang ulo ko dahil sa mga subjects kanina -_- “

“haha normal lang yan… kaya para lumamig ang ulo mo… hala sige manglilibre ako ng ice-cream ^___^” Felix

hala sige manglibre ka… nakakainis ka!!!!

“sige yan ang gusto ko sayo :D”Antoine

“haha oh ano? tara na Ramos?”Felix

“sige… by the way Felix kumusta na si tita Flores?”

“ok na ok na siya :)”

napaka sinungaling mo naman.. sana lang hindi magkatotoo yang mga sinasabi mo… pero mukang ayaw ko namang may mangyaring masama kay tita, pra ko na rin kasing ina yun eh…

“mabuti naman kung ganon… so makaka sabay kana samin kumain ng lunch bukas?”

“oo nga naman… ilang araw ka na rin kasing hindi sumasabay sa amin..”Jibben.

Na-inlove Ako sa Taken &lt;/3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon