Chapter 4 "The Accident"

168 24 8
                                    

GIRL's POV

Tama kaya yung ginawa kong pasya kanina? Sa tingin ko nasaktan ko talaga si Josh pero naiisip ko lang din kasi ang kapakanan ng pamilya ko. Gusto ko pa kasi talaga makatulong. Aish bahala na naintindihan naman siguro yun ni Josh. Pupunta nalang ako sa bahay nila mamaya kapag tapos na duty ko at kakausapin ko siya. 

"Ate Jam uwi na po ako"sabi ko 

"Ahh sige Bella ingat ka nalang at goodluck sa pagpunta mo sa bahay ng iyong sweetheart"

"Tsee hahaha sige po salamat"

In the Bus.

Nakakainis naman ang traffic pa tapos na naman ang rushhour ah bakit kaya ganito pa. Ahh may naaksidente pala sa kabilang lane ng highway. Kawawa naman yung mga nasaktan dun. 

( Hindi niya alam na yung naaksidente doon sa kalsada ay si Josh na at nag-aagaw buhay na)

At sa wakas nakarating din ako sa bahay nila Josh.

*dingdong*

*dingdong*

Bakit kaya walang nagbubukas ng gate, wala atang tao dito sa bahay nila baka siguro tulog na sila.Tatawagan ko na lang si Josh . 

ayt bat walang sumasagot. Hmmp sayang pag punta ko dito sa bahay nila. Baka tulog na siya talaga siguro.

*BEEP*

The Girl received a text from unknown number saying:

"Anak pumunta ka kaagad dito sa Makati Hospital si Josh kasi"

I replied:

"po? sino ba ito? ano po nangyari kay Josh bat nasa ospital po siya?"

*BEEP*

"Naaksidente si Josh bilisan mo at nag-aagaw buhay na siya T.T si tita mo ito"

Dali-daling pumunta si Girl sa ospital na sinabi ng mama ni Josh at nang makarating siya ay....

"Tita.. a..ano po nangyari?" umiiyak na sabi ko 

"Si Josh iniwan na niya tayo Huhuhuhu"sagot sakin ni tita sabay niyakap ako ng mahigpit at umiiyak

"Tit..tita hindi po totoo yan diba asan na po si Josh tita" 

"Alam mo anak sa huling sandali niya pangalan mo pa rin yung nasabi niya talagang mahal na mahal ka ng anak ko"

"Tita sorry po ako po ang may kasalanan lahat ng ito hindi ko po kasi tinanggap yung proposal niya na magpakasal sorry po tita Huhuhuhu"

"Huwag mong sisihin ang sarili mo anak at may huli siyang binigay sayong sulat eto basahin mo na lang mamaya"

After 2weeks dun lang binasa ni Girl yung sulat na ginawa ni Josh bago siya mawala at habang binabasa niya hindi niya talaga napigilan na umiyak ng umiyak iniisip niya pa din na siya yung may kasalanan kung bakit naaksidente si Josh.

Eto yung nilalaman ng Sulat ni Josh kay Girl

Bella,

    Bago mo ito basahin,pumikit ka muna at isipin mo na nandiyan lang ako sa tabi mo ha at ayoko na malungkot ka kasi magiging malungkot din ako. Alam kong hindi na ko magtatagal kaya pinilit kong isulat ito. Sana maging maligaya ka pa rin kahit wala na ako sana mahanap mo na rin yung lalaking makakasama mo habang buhay. Patawarin mo rin sana ako sa mga nagawa kong pagkukulang sayo.Lagi mo kong dadalawin kapag wala na ako ha.

                                                                                            Nagmamahal,

                                                                                                             Josh

----------------------------------------------------------------- 

Back to Reality

SHIN's POV 

"ui okay ka lang hala huwag kang iiyak ha"sabi ko

"Baliw bat naman ako iiyak, ano maganda ba yung kwinento ko sayo?sabi niya sakin

"Oo naman. tska masasabi ko lang dapat wag mong sisihin yung sarili mo sa pagkawala niya kasi wala namang tao na may gusto na mangyari yun dba"

"Oo alam ko, tara na umalis na tayo dito"

"Sige pero san na tayo pupunta nito hindi pa ako pwede umuwi sa bahay namin dahil alam ng nanay ko nasa school pa ako"

"Hindi problema yan basta sumama ka na lang sa akin"

"Nako ha baka ako naman ang maaksidente sa sinasabi mong yan" pabiro kong sabi sa kanya

"Baliw! sapakin kaya kita jan" naiinis na sabi niya

"Hahaha eto talaga hindi ka mabiro pero san ba talaga tayo pupunta ha?"

"Kahit saan"

"Pwede ba yun? Saan nga!"

"Tanung ka ng tanong noh bakit aangal ka ba ha?"

"kelan ba ako umangal sayo"

"Yun naman pala ee edi huwag ka na tanong ng tanong at baka masapak pa kita jan"

"Napakatapang mo talaga ee noh" *kung hindi kalang babae baka napatulan na kita* pabulong na sabi ko

"May sinasabi ka ha?" sabi niya sakin

"Wala ay teka dba nakwento mo kanina na registered kana? edi matanda ka na pala! Hahaha ATE" natatawang sabi ko sa kanya

"ee ano naman ngayon kung nurse na ako? ayoko na nun iniwan ko na yung propesyon na yun mula nang namatay si Josh"

"ahh ganun ba ate" 

"Takte ka! huwag mo nga akong matawag tawag na ate kung ayaw mong bumakat tong dala kong bag sa muka mo" naiinis na sabi niya sakin 

"Hahahaha hindi ka talaga kabiruan ee noh pero ang cute mo pa rin kahit nagagalit ka na ate"

*PAK *BLAG *BLAG

"ARAY HA! bakit mo ko sinuntok aray!" sabi ko sa kanya\

"Di ba sabi ko huwag mo kong tatawagin na ate kaya ayan ang nararapat sayo"

"Sus kung hindi ka lang babae baka.."

"Baka ano? sige sabihin mo!"sabi niya

"ahm baka..baka wala" natatawang sabi ko

"Kala ko lalaban ka na ee"

Nakakainis tong babae na to hindi ko mabiro biro pero sa totoo lang habang tumatagal ang pakikisama ko sa kanya ee lalo kong nakikila kung sino ba talaga siya at lalo siyang gumaganda lalo na kapag nagagalit hahaha. Limang taon yung pagitan ng edad namin pero parang mas bata pa siya sakin. Ang ganda niya kasi talaga. 

"Ayan andito na tayo" sabi ni Girl

"Manunuod tayo ng sine?" sabi ko

"Hindi makikinig lang tayo! antanga mo naman syempre manunuod tayo kaya nga andito tayo diba at ililibre mo ko dahil nahirapan ako magkwento sayo kanina"

"ANo!! ayos ka pala ee wala akong pera dito umuwi na lang tayo"

"ee ano to? *hawak yung wallet ni shin* 

"Teka bat na sayo yang wallet ko?"sabi ko

"Kinuha ko sa bulsa mo malamang at jan ka muna bibili lang ako ng ticket at pagkain"sabi niya sakin habang ginamit yung pera sa wallet ko

The Promise (onhold)Where stories live. Discover now