Chapter 5

300 7 6
                                    

Iris Pov.


"let her go Terrence!" galit na sigaw ni kuya Damon dahilan para mapabitaw sakin si Terrence at sabay kami napalingon sa gilid



"stay away from Iris Terrence." malamig ang boses na sabi ni kuya at hinawakan ako para itago sa likod niya


"ako na ang maghahatid sayo sa condo mo." nakangusong tumango naman ako


"ano ba problema mo?" galit na tanong ni Terrence pero sinamaan lang siya ng tingin ni kuya bago ako pinasakay sa kotse niya.


Nang magsimula ng umandar ang kotse ay lumingon ako kay Terrence at mabigat ang loob na napabuntong hininga ako ng makita siyang umiiyak at sinabunutan ang sarili.


"do you know him?" napalingon ako kay kuya at pilit na ngumiti at umiling


"impossible kuya, remember ngayon lang ako nakapunta dito." nagkibit balikat naman siya


"if you say so. Layuan mo nalang siguro ang lalaking yun his not good for you." tumango nalang ako at hindi na nagsalita pa ulit.


Pero nagtataka ako kung ano ang ginagawa ni Terrence sa bahay ni ate at kuya Damon, at kung ano ang connection nila sa isa't isa pero hindi na ako nag abalang itanong pa si kuya dahil baka maghinala pa siya na kilala ko talaga si Terrence.


Since the day i broke up with him ay sinubukan ko na siyang kalimutan kahit na subrang hirap kaya maliban kay Dada ay wala ng iba pa ang nakakaalam tungkol sa nakaraan namin ni Terrence even ate didn't have any idea.


"thankyou sa paghatid kuya, nakaabala pa tuloy ako." nahihiyang sabi ko ng makapasok sa loob ng condo ko


"it's okay, at wag mong isipin na abala ka your my wife's sister kaya parang kapatid na rin kita." sabi niya at ginulo ang buhok ko na ikina nguso ko


"anyway, i have to go just call us if you need someting." tumango naman ako sakanya bago siya tuluyang umalis at siya na mismo ang nagsarado ng maayos sa pinto



©sweetspicyqueen

Kanina pa sana ako magsusulat kaya lang madami ako hinugasang pinggan na mula kahapon pa.

The Unlucky LoversWhere stories live. Discover now