Chapter 13: James' BIG Announcement

18.6K 109 6
                                    

UPDATE. ^^

Baka malate ako mag update ng next chapter, final exams ko na po kasi eh.

para naman ma-inspire ako, comment naman kayo, pa-vote na rin! :)

Eto na yung Chapter... kung nalilito kayo. :)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Chapter 13: James’ BIG Announcement


            5PM, sa cafeteria ang venue ng ‘Announcement ni James’. Halos lahat na ng mga estudyante ay naroroon at may mga nakaset up ng videocameras, speakers at microphone. Nakatayo na ang buong University Press kabilang na don si Devon at James. Nagsalita na ang presidente ng Press na si Mikha.


“Ok, students of DJP [Don Joaquin Peravalle] University, thank you for coming here today. Uhm, here’s Devon Seron to host this special event.” Agad namang umalis tong si Mikha at inabot kay Devon ang mic.


“Thanks,” nagsalita na si Devon. “Good afternoon to everyone. You are gathered here to witness a great announcement of Mr. James Reid about his relationship with Ms. Fretzie Bercede.” Ang dagdag pa niya.


Napatingin ang lahat, lalong lalo na si Fretzie nung mabanggit ang kanyang pangalan.


“Yan na naman ang issue. Super not todaaaay.” Ang inis na pagkakasabi ni Ivan.


“Ano ka baaaa! Exciting nga eh. KJ!” at binelatan ni Ryan si Ivan.


“Okay James.” Sabi ni Devon. “Simula nung Freshman Night ay naging usap-usapan kayo ni Fretzie. Ano ba ang eksaktong nangyari? Diba nagdedicate ka pa ng kanta para sa kanya?” ang sunud-sunod na tanong ni Devon kay James.


“Yes, I dedicated a song for her.” Ang kalmadong sagot naman ni James. Halatang nakikinig nang maayos ang audience sa usapang ito.


“Then, she ran. Right?” ang sunod namang statement ni Devon. Tumango lang dito si James. “Then?” ang sunod namang tanong ni Devon.


“She ran, then, I saw a van rushing through her direction. So I pushed her, and my head hit the ground.” Agad na kwento ni James sa lahat.

She's Different, and that's why I love her. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon