Hakbang ni Tiara

315 15 2
                                    

"Saan mo balak mag-college?"

Tinignan ko si Kieran na nasa harap ko pagkatapos ay ibinaba ko ang ballpen na hawak ko.

"Hindi ko pa alam pero baka Manila..." mahinang sagot ko.

Tumango siya. "Mag-ta-try na kasi ako next week. Hindi ko pa alam kung saan mo gusto."

Kumunot ang noo ko. "Bakit ako?"

Tumaas ang kilay niya. "Para magkasama tayo?"

I hissed. "'Wag mo isipin ang gusto ko. Isipin mo ang gusto mo. Para sa iyo iyan. Para sa future mo."

Tumango siya. "I know pero -"

Inilagay ko ang aking kamay sa kanyang bibig. "No but's. You'll consider where school do you want, okay?" Ngumiti ako.

Naging busy si Kieran at ako ng mga sumunod na araw. Sabi niya ay nagrereview siya. Sabi pa ng pinsan ko ay kapag uwian, umaalis agad si Kieran. Siguro ay ni-career na iyong pagrereview?

Si Jazi na lang ang lagi ko kasama tuwing umuuwi at lunch. Dati tatlo kami nila Kieran pero sobrang busy niya na yata. Buti nga at nakakasama ko pa si Jazi dahil parang may namumuo na sa kanila ni Gian. I don't know.

"Ano order mo?" tanong ko kay Jazi na nakaupo at gumagamit ng cellphone.

Lumingon siya sa akin. "Beef steak? O kaya, sisig." Ngumiti siya.

"Drinks?" Tinaas ko ang aking isang kilay.

"Smart C." sagot niya at ibinaling ulit ang tingin sa kanyang cellphone. Laging may katext, a?

Pagtalikod ko kay Jazi ay nagulat ako. Nasa harap ko si Kieran at hinihingal pa. "Sorry late ako," ngumiti siya. "Ano order niyo? Ako na ang bibili."

Maraming naging kwento si Kieran habang kumakain kami. Parang ang tagal na naming hindi nagkita sa dami niyang nikuwento sa amin pero tatlong araw lang iyon.

"Akala ko lalabas na utak ko nung nareview ako para sa Math," humagalpak siya. "Buti buhay pa ako ngayon."

Tumawa rin ako. Minsan hindi ko mabasa si Kieran. Minsan seryoso siya at minsan mas hyper pa siya sa akin.

"Kieran!" isang hindi pamilyar na babae ang lumapit sa amin at tinatawag pa ang pangalan ni Kieran. Sa harap ko mismo. Sa nakikita ko. Sa naririnig ko.

Lumingon sa akin si Kieran bago binati ang babae. "Uy, Kiesha..."

Kiesha? Nanatili ang mata ko sa kanilang dalawa. Maputi at medyo maliit ang babae. Nakasalamin at mukhang... sige mabait.

Tumawa ang babae. "Magrereview ka ulit mamaya? Sabay ulit tayo pumunta?"

Oh... Sabay? Ulit? Oh, okay... Bakit parang may kulang yata sa naging kwento ni Kieran?

Biglang nagbago ang pakiramdam ko. Pinatunog ko ang aking mga daliri sa ilalim ng mesa. Bigla akong nainis. Bigla akong nabwisit. Hindi ko alam. Basta, gusto kong umalis dito.

Nilingon ko si Jazi. "Tapos ka na? Gagawa pa pala ako ng assignment sa Chemistry." tumayo ako, sinesenyasan siya gamit ang aking mga mata.

Mabilis ring tumayo si Jazi at inayos ang gamit niya. "Oo, busog na busog na nga ako." ngiti niya, kahit sa tingin ko ay kulang pa ang nakain niya.

Nilingon ko si Kieran na nakaupo pa rin at nakatunganga lang sa akin. "Excuse me." saad ko at sinipang bahagya ang paa ng upuan niya.

Agad siyang tumayo. "Ah, ano..." Hinawakan niya ang braso ko. "Hatid ko na kayo hanggang classroom."

Tumaas ang kilay ko at nginisian siya. "May kausap ka pa." mahinahon kong sabi. Nilagpasan ko sya at kumapit sa braso ni Jazi. Hindi na ako nag-abalang tapunan pa ng tingin ang Kiesha na iyon.

Kahit na hindi ko pinapansin si Kieran ay tuloy pa rin ang pagbuntot niya sa amin. Maingay si Jazi at nakikisabay lang ako.

Tumigil si Jazi sa paglalakad kaya naman napatigil din ako. Tinignan ni Jazi si Kieran sa likod at hindi ako kumibo. "Uy, Kiers..." saad ni Jazi at napataas ang kilay ko. "Kieran pala. Okay na dito." Tumawa siya. "Hindi naman mawawala 'tong..." Napatingin siya sa akin at hindi alam ang sasabihin.

"Maaga pa naman." rinig kong sabi niya.

Tinignan ko din siya. "Mamaya na lang." Tumikhim ako.

Tumango siya. Walang emosyon ang kanyang mukha. "Pupunta ako sa classroom niyo ng uwian. Wait for me."

Pinasadahan ko ng daliri ang aking buhok at tinignan lang siya. Hindi tumango o kahit anong sagot.

Humakbang siya paatras. "Ikaw lang." ngiti niya at tuluyang tumalikod.

Gabi na nung dumating ako sa bahay. Hindi kami nagkasabay ni Kieran. Naghintay ako sa room. Buti na lang talaga ay matagal din umuuwi ang mga kaklase ko at nag-general cleaning. I waited for thirty minutes pero hindi siya dumating. I understand. Baka kailangan niya umalis ng maaga dahil may review siya. 'Wag na 'wag ko lang malalaman kaya di siya nakarating kasi kasabay niya ang Kiesha na iyon. Ipapakain ko siya sa buwaya kapag nagkataon. Isa siyang tokis.

Hindi rin maganda ang aura ng mga tao sa bahay. Tahimik at nakakailang. Nakita ko lang sa sala ang ilang plastics na may lamang grocery items. Bakit hindi ito ilagay sa kusina?

Nakasalubong ko ang nanay ko na nakakatakot bago ako pumasok ng kwarto. Halatang inis siya at hindi magandang magbiro.

"Andyan iyong mga pinabibigay ng ama nitong si AJ." wika niya. "Sabihin mo magtext siya sa tatay niya."

Tumango lang ako bago pumasok sa loob ng kwarto. Bakit ganoon ang kanyang reaksyon kung binigyan naman pala ng gamit?

Nakarinig ako ng katok sa pinto pagkatapos ng ilang sandali. Nakaligo na ako at nakapagbihis na rin.

"Kakain na ra, Tiara." Boses ni Kuya AJ ang aking narinig. "Dalian mo. Beastmode si Tita." Humalakhak siya.

Nakasabay ko siyang hanggang pagpunta ng dining area. Nabanggit niya rin sa akin kung bakit ganon na lang ang itsura ni Mama. Kasama pala ng tatay ni Kuya AJ ang anak niya kaya na lang ganoon. Siguro naiinis lang siya sa paraan kung paano ituring si Kuya AJ ng mga magulang nito.

Ilang beses ko ng ni-check ang cellphone ko at walang ni isang text doon si Kieran. Ano bang nangyayari doon? Nawala na ba iyong epekto nung gayuma na ibinigay ko?

Nagbukas lang ako ng social media accounts ko habang nakahiga ako sa aking kama, patulog na. Ni-check ko din ang mga accounts ni Kieran. Ang huling tweet niya ay iyong picture pa namin nung Valentine's Day. Nakaakbay siya sa akin at may hawak akong rose. Malaki ang ngiti naming dalawa at halata ang pagiging masaya. Hindi rin siya online sa messenger at seven weeks ago pa ang huling post niya sa Instagram.

Saan nagpunta ang mokong na iyon?

Nagising ang diwa ko nang tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko iyon sa side table at nakita ang pangalan mi Kieran. He's calling!

"Tiara..." mahinahon ang pagkakasabi niya.

Tumikhim ako at hindi tumugon sa tawag sa akin. Umupo ako sa kama.

"Please don't end the call." sambit niya.

Nanatili akong tahimik, pinapakinggan ang mga salitang binabanggit niya. Nakarinig ako ng kakaibang tunog. What was that?

"Wait -"

At narinig ko na ang tunog ng pagkaputol ng tawag.

Sudden WalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon