Chapter 1

13 1 0
                                    

LUCAS P.O.V

Paglabas ng kotse ni Lucas ay agad na isinara ng maid niya ang gate. Ililiko niya na sana pakanan ang sasakyan nang bigla niyang namataan si Marriane.
Bumusina siya bago niya itinapat ang kotse sa tinatayuan ng dalaga. Pagkaraa'y ibinaba niya ang salamin ng bintana ng sasakyan.
"Hi, Marriane, " masaya niyang bati sa dalaga. "Hi, Lucas. Papasok ka na sa office?" tanong ni Marriane.
"Yeah, ikaw? Anong ginagawa mo r'yan?" ani Lucas.
"Nagpapahangin lang," kaswal na sagot ni Marriane sa kanya.
"Bakit iba ba ang hangin sa inyo?" nakatawang tanong niya sa dalaga.
"Oo, eh. Wala kasing guwapo ro'n."sagot naman ni Marriane sa kanya.
" Wala rin namang guwapo rito." nakangiti niyang sagot.
" Eh, ano ka pala?" nakaangat ang kilay na tanong ni Marriane sa kanya.
" Guwapong-guwapo." mabilis niyang sagot saka siya tumawa ng malakas.
Natawa rin sin Marriane.
"Ang tagal na kitang kilala, ngayon ko lang nalaman na makapal pala ang mukha mo."
"Konti lang," Tumawa ulit siya. "Papasok na ako, beautiful princess. May meeting pa ako mamaya."
"Bakit beautiful lang? Nasaan iyong " my"? nakalabing tanong ni Marriane.
"Okay.... Papasok na ako, my beautiful princess."
Nakangiti nang maluwag si Marriane.
"Sige, take care. Mag-iingat ka sa pagdadrive."
Itinaas na ulit ni Lucas ang salamin ng bintana ng kotse niya bago niya pinaandar ang sasakyan. Nang tumingin siya sa salamin ay nakita niya pang kumakaway pa rin sa kanya si Marriane kahit na nakalayo na siya. Dikawasa'y napangiti siya.
Nang palabas na siya ng gate ng subdivision ay saka naman tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya iyon mula sa bulsa.
Kay Marriane galing ang message.
Mag iingat ka sa pagda drive, ha? Huwag mo nang sagutin ang text ko dahil nagda drive ka..
Muli siyang napangiti bago niya ibulsa ang cellphone.
Kung girlfriend niya lang si Marriane ay masasabi niyang almost perfect girlfriend na ito. Sweet ito, thoughtful, loving, caring, napakaganda at seksi. Ang kaso'y nineteen pa lang ang batang ito.
Tama, bata pa si Marriane. Ten years ang tanda niya rito. Isa pa, hindi sila nito talo. Magkaibigan sila ni Marriane since noong bagong lipat pa lang sila sa subdivision. That was ten years ago. Katatapos lang ma-annul ng kasal ng Papa at Mama niya. Lumipat sila ng tirahan ng Mama niya at sa nilipatan nila ay nakilala niya nga si Marriane.
Nine years old lang noon si Marriane at siya ay nineteen naman. Bigla niya tuloy naalala ang sinabi ni Marriane noong una sila nitong magkita.

Flashback :
(10 years ago)

Nagba-bike si Marriane no'n at siya naman ay naglilinis ng kotse habang nakabukas ang gate nila.
"Kayo ang bagong lipat diyan?" Nakangiti siyang tumango sa batang babae.
"Oo". sagot ni Lucas.
"Kami ay doon nakatira sa kabilang bahay, three houses from here... Iyong pulang gate." sabi ni Marriane sa kanya.
"Ano ang pangalan mo?"
Huminto siya sa paglilinis ng kotse at lumapit pa nang husto sa batang babae na may dalang bisikleta. Na-a-amuse kasi siya rito.
"Lucas."
"Lucas lang? Walang kang apelyido?"
"Lucas Sarmiento".
"Ako naman si Marriane Hilario"
Napansin ni Lucas na inipit ng batang babae ang ilang hibla ng buhok sa likod ng teynga nito.
"Ang guwapo mo," sabi nito sa kanya.
Lumuwang ang pagkakangiti niya sa narinig.
"Thanks", aniya. "Ikaw din naman ay maganda."
"Alam ko na iyon, Ilang taon kana?"
"Nineteen"
"Nine years old pa lang ako. Ibig sabihin ay ten years ang tanda mo sa akin. Bakit ang aga mo namang ipinanganak?"
"Ha?" Nagulat siya at nagtaka sa sinabi ng batang babae. "What do you mean?"
"Huwag ka munang mangliligaw sa iba at huwag kang mag-aasawa. Hintayin mo ako. Pag dalaga na ako ay saka mo ako ligawan".
Nang umalis na ang batang babae dala ang bike nito ay habol tingin nito ni Lucas. Hindi niya mapigilang mapailing.
Bata ba talaga iyon? Para kasing matanda na kung magsalita.

End of flashback

Nakangiti si Lucas ng maalala ang insidenteng iyon. Ilang araw pagkatapos nun ay naging close ang Mama niya at ang Mama ni Marriane hanggang sa maging matalik na magkaibigan ang mga ito. Nang mga huling sandali ng buhay ng Mama niya ay ang Mama ni Marriane ang nasa tabi nito. Four years ago namatay ang Mama niya sa sakit na colon cancer. Napakasakit no'n sa kanya pero nariyan ang parents ni Marriane, sina Tito Jay at Tita Dory para aluin siya at alalayan. Hindi na siya itinuring na iba ng mga ito. Gayundin ng younger sister ng Papa ni Marriane na si Tita Stacy.
Last year ay pumunta sa States ang parents ni Marriane upang asikasuhin doon ang restaurant business ng mga Hilario. Kaya nga naiwan lang para mag alaga kay Marriane ay ang Tita Stacy nito.
Pati sa kanya ay ibinilin si Marriane ng parents nito. Dahil alam ng Papa at Mama Marriane na parang nakababatang kapatid na talaga ang turing niya sa dalaga.

Selfishly InloveWhere stories live. Discover now