KABANATA 10

11 2 0
                                    


Sa wakas ay pauwi na kami nila tatay pedro pabalik sa maynila, medyo nanghihina nga lang ako. Dahil ba to sa pagod o dahil nalulungkot ako sapagkat nagkawalay nanaman kami ni Ginoong Rizal.

Lagi kong iniisip kung saang parte na ba ito ng talambuhay niya pero hindi ko na maalala kasi hindi naman ako ganoong naging interesado sa kwento niya. Ang alam ko lang isa siyang magiting na bayani at napatunayan niya yon.

"Oh Elias, ano ang iyong iniisip at nakatitig ka sa kawalan? bumaba ka na riyan nandito na tayo". Wika ni tatay Pedro. Sa sobrang tagal ko palang nagiisip hindi ko na namalayan na nandito na kami, lugar kung saan ako unang napadpad.

Binitbit ko ang ibang gamit sa aking makakaya at inalalayan si Tatay papasok ng kanyang bahay habang sila rosita ay bitbit ang kanikanilang gamit.
Si clarissa na inalalayan din ng kaniyang asawa at si ernesto pati si domeng na naguunahan sa pagtakbo.

Nakakamiss ang pamilya ko sa panahon ko.. kamusta na kaya sila? Ano na kaya ang nangyayari sa kanila doon?

"Elias, masyado ka atang maraming iniisip. Ipasok mo na yang mga gamit sa loob at tayo'y kakain na't para makapagpahinga" Wika ni tatay pedro.

Napagtanto ko nanamang nakatayo na lang pala ako sa pintuan habang hawak ang mga gamit. Tama na nga masyado na akong nagmumukhang tanga baka mapansin pa ako ni tatay. Pumasok na ako at nilapag ang mga gamit ni tatay pedro sa kwarto niya at ang akin sa silid ko. Bigla na lang pumasok sa isip ko ang lahat ng pangyayari noong araw na dinakip ako ng mga sundalo sa silid na to.

"kuya, kakain na tayo" biglang sumulpot si ernesto sa likod ko hingal na hingal dahil sa paglalaro.

tumango na lang ako at bumaba na siya. Inayos ko lang ang ibang gamit at bumaba na rin ako sa hapag habang kumakain ay masayang nagkukwentuhan sila ernesto at domeng, samantalang tahimik naman sila clarissa at rosita. Pag baling ko ng tingin kay tatay pedro ay saakin siya nakatingin kaya agad akong umiwas at sabay subo ng kinakain.

nakikita kong nagtataka na si tatay pedro sa mga kinikilos ko, eh kasi naman sino bang hindi maninibago halos araw araw kong kasama si ginoong Rizal tapos sa isang iglap bigla na lang kailangan kong masanay ulit sa bagong pagbabago.

Naiistorbo pa ako sapagkat alam kong nalalapit na ang kamatayan ni Ginoong Rizal. Sana naman may magawa ako para mapigilan yun. Tama?! nandito ako, pwede ko mabago yun.

Kung pupwede magiging dahilan ako ng pagbabago ng nakaraan at ng kasalukuyan. Kung kaya ko lang matansya ang araw ngayon napakabihira naman kasi makakita ng kalendaryo sa panahon na to.

Luma ang kalendaryo ni tatay pedro sa kanyang silid kaya wala itong kwenta. Yun na nga! eto siguro yung dahilan bakit ako binalik sa panahon na to. Para baguhin ang kasaysayan ng pilipinas. 'The chosen one'

napangiti ako dahil sa naisip ko kaya nakuha ko nanaman ang atensyon ni tatay pedro at napatingin nanaman siya saakin.

"Pumasok ka sa iyong silid pagtapos mo kumain Elias" seryosong wika ni Tatay.

At ayun na nga nahalata na, ano kaya sasabihin ko? Ah sabihin kong dahil na lamang ito sa paghiwalay namin at hindi ako sanay na wala di Ginoong Rizal. Bakit nga naman kasi ako ngingiti mag isa ng dahil don? Ayyy bahala na.

Pagkatapos ay saglit akong uminom ng tubig at dumiretso na ako sa kwarto ko.

nakita kong nandito na si tatay pedro kaya sinimulan ko na ang pag uusapan "ano po yun?" Tanong ko

"Masyado ka bang nababahala dahil hindi mo na kasama si Rizal?" Panimula niyang tanong.

tumango na lang ako at iniyuko ang ulo.

Tinapak ni Tatay Pedro ang balikat ko at sinabing magiging maayos ang lahat.

Sana alam niyo na ang mangyayari, Sana katulad niyo rin handa niyong isugal ang inyong buhay para lang sa maraming tao. Nababagabag ako... Paano na lang kung nabago ko nga ang kasaysayan.. paano na lang yung buhay ko? sila mama at papa ba mabubuhay pa rin? Anong mangyayari saakin at sa pagkatao ko.

________________________________

maraming oras ang nakalipas at napansin kong nakatulog na rin pala ako sa lalim ng pag-iisip. Bumangon ako at naramdaman ang laway sa gilid ng labi. Kadiri.

Paglabas ko ng silid ay dapit hapon na pala, aligaga si ernesto sa pagtulong kay rosita sa paggbubukas ng ilan pang regalo ng bigay sa kaniya. Napangiti akong dumaan sa kanila.

Namimiss ko na yung pamilya ko. Sana na sa mabuti silang lagay.

Sa Pangalawang PagkakataonWhere stories live. Discover now