6

39 3 0
                                    

Pagkarating ko sa harap ng bahay ni Arth ay bumaba agad ako sa taxi pagkatapos magbayad. Tiningnan ko ang bahay habang nakatayo ako sa harapan ng gate nito.

Pumikit ako para namnamin ang hanging sumalubong sa mukha ko. Sumabog naman ang buhok ko dahil dito. Tiningnan ko ulit ang bahay mula sa labas, hindi parin nagbabago ang kulay ng buong bahay, “'yung loob kaya, hindi 'rin ba nagbago?” Wala sa sariling tanong ko.

Huminga muna ako ng malalim bago lumapit sa gate ng bahay, wala yata dito si Arth, hindi ko nakita ang sasakyan niya ei. Bumuga muna ako ng marahas na hangin bago lumapat ang kamay ko sa doorbell.

Kaya mo to, Irish. Para sa anak mo.

Pinagpatuloy ko lang ang pagdo-doorbell hanggang sa may lumabas na kasambahay galing sa likod ng bahay. Familiar sa'kin ang matandang babae, pero dahil malayo pa ito sa'kin ay hindi ko siya makilala.

Bago pa ako makabati sa kasambahay ay nakatanggap ako ng text kay Kairo.

Boss:
Text mo'ko kapag nakarating kana, and also update me.


Tiana:
Wow. Shota ba kita, boss? Char, nandito na ako sa harap mismo ng bahay boss. 'Wag kang mag-alala kasi kaya ko ang sarili ko. 'Wag mo 'rin akong masyadong ma miss ha?

Pagkapindot ko ng send button ay tinago ko na agad ang cellphone ko sa bulsa, saka hinarap ang kasambahay na nasa harapan ko na pala. Nanlalaki ang mga mata ko sa nakita, kilala ko ang nasa harapan ko ngayon.

“KYAAAAHH MANANG FLOR! OMG! NA-MISS KITA!” Sigaw ko at sinugod siya ng yakap. Tumawa naman siya sa naging asta ko, pero niyakap niya 'rin ako. Sobrang higpit ng yakap ko sa kanya.

Hindi ko siya makakalimutan dahil utang ko sakanya ang buhay ko. Siya ang tumulong saakin para makalabas dito sa mansyon noon. Kaya nagulat ako kasi nandito parin siya, akala ko pinalayas siya ni Arth dahil sa pagtulong niya sa'kin.

“Kanina pa ako naghihintay sa pagdating mo, iha.” Malumanay na sambit niya pagkawala ko sa yakap niya. Hinaplos niya ang buhok ko habang nakatingin sa'kin.

Iba 'rin ang hinayupak na 'yun, alam niya talaga na kakagatin ko ang pain niya. Syempre ginamit ba naman niya ang anak ko.

Ngumiti lang ako kay Manang Flor at nagpagaya sa loob.

Nilibot ko ang paningin pagpasok namin, mukhang binago nila ang arrangement ng mga gamit, bago narin ang mga paintings. Hmmm.

Mabuti narin 'yun dahil baka mag breakdown ako kapag nakita ko na gano'n parin ang mukha nitong bahay bago ako umalis.

“Nasaan si Arth, Manang?” tanong ko kay manang habang tumitingin parin sa loob ng bahay.

“Umalis lang saglit, 'nak. Halika ka, ihahatid na kita sa kwarto mo.” nagpa-akay nalang ako kay Manang dahil hindi ko naman alam kung saang kwarto ako manunuluyan.

Bago ako makahakbang sa hagdanan ay nakita ko ang pinto sa likod nito, nawalan ng emosyon ang mga mata ko dahil sa mga alaalang bumalik sa isip ko. Masakit padin pala, akala ko okay na ako, pero heto ako at isang tingin palang sa pinto ay hindi ko na agad mapigilan ang pagbugso ng galit ko.

“Iha, okay kalang ba? Namumutla ka.” napakurap ako ng ilang beses dahil sa sinabi ni Manang Flor, tumango muna ako sakanya ay huminga ng palalim. Shocks hindi dapat ako nagpapaapekto sa nakaraan ko, baka mabulilyaso ang mga plano ko.

Sumunod na ako kay Manang at pinakalma ang sarili. Kailangan maging pulido ang mga galaw ko dito, kailangan manalo ako sa larong 'to.

“Masaya ako, iha, nandito ka ulit sa bahay na 'to, sana sa pagkakataong ito puno na ng kasiyahan ang bahay na 'to.” Napatigin ako sakanya, naguguluhan. Mukhang nakita niya ang pagtataka sa mukha ko, “simula kasi nang umalis ka, ang lungkot ng bahay, parang namatayan.”

Pinagkibit-balikat ko nalang ang narinig ko, pero syempre isa akong dakilang chismosa nac-curios  ako. Bakit malulungkot ito no'ng umalis ako, ei dapat nga magsaya sila kasi wala na ako dito, magiging malaya sila sa mga ginagawa nila psh.

“Dito ang kwarto mo, 'yan kasi ang sinabi ni  Sir Arth kanina. Masaya akong makita ka muli, Irish.”

“Ako 'rin po, magpapahinga na po ako Manang, salamat sa paghatid.” tumango siya at iniwan na ako.

Pinalibot ko ang tingin sa loob ng kwarto, if I'm not mistaken, katabi lang nito ang kwarto ni Arth.

Nilapag ko muna sa lapag ang bag na dala ko at nilabas ang cellphone ko, nakita ko na may isang unread message ako kay Kairo.

Boss:
Yuck.

Humalakhak ako sa nabasa, kahit kailan talaga diring-diri sa'kin to HAHAHAHAHAHAHA. Kung hindi ko lang kilala 'to mapagkakamalan ko 'tong bakla. S'ya pa naman ang tipong lalaking walang pakealam sa mga babae sa paligid na nagkakandarapa sakanya. Hambog pa minsan. 

Hindi ko nalang s'ya nireplyan dahil baka humaba pa ang asaran namin. Humiga ako sa kama at napatitig sa kisame.

Kung ako ang tatanungin, hindi na ako babalik dito, masyadong masakit ang mga naranasan ko pero kailangan kong balikan parang sa anak ko. Kailangan ko 'rin na pabaksakin si Arth kasabay ng babae niya para magiging tiwasay na ang buhay namin. I don't want my past to hunt me in the future, baka mabaliw ako ng tuluyan kapag nangyari 'yun.

Bumuntong hininga ako at tumayo para ayusin ang mga damit ko, inilabas ko lahat ito para tupiin ulit at ilagay sa closet. Hindi gaanong marami ang dinala kong mga damit, hindi naman ako magtatagal dito, kailangan ko lang ng information para sa gagawin ko. Napangisi ako sa mga naisip kong kalokohan.

Matapos kong ilipat lahat ng mga damit ko ay tinago ko ang isang cellphone na dala ko, mas mabuti nang sigurado baka kunin ni Arth ang isa ede wala siyang makikita kahit na ano. Wala namang laman 'to kahit isa ei, kaya safe.

Bumalik ulit ako ng higa sa kama at pumikit, sobrang tahimik ng bahay, ni kahit paghinga ko ay naririnig ko. Kailangan kong mag-isip ng mga susunod na gagawin, hindi pwedeng nandito lang ako nakahiga at walang ginagawa.

What's next? Nandito na ako sa bahay ng hayop kong asawa, now let's finish his game, and make him suffer.

Taste My Vengeance Where stories live. Discover now