ABTVK: 5

8.9K 307 44
                                    

                                        ADOPTED BY THE VAMPIRE KING 

                                                                 CHAPTER 5

        " Ha - hi! I'm Nicole Heartfilia " magkasalikop yung mga palad ko, kinakabahan ako ng magpakilala ako sa buong klase. Kakaiba ang pakiramdam, lahat ng nakikita ko maganda, lahat halos ng nakikita ko sa klase na'to parang hindi nila ako gusto, si Krizel lang yung nakangiti sakin at ilang mga lalaki na mukha namang ngisi pa. Hindi ko kaklase si Shin, sana nga kaklase ko siya kaso baka naman di ako makapagconcentrate!

" You can sit now, Miss Heartfilia" yung professora namin, hindi ko nga alam kung sino ang Vampires at sino ang mga humans sakanila. ><! Kahit professora namin bata pa, parang hindi nalalayo ang edad sakin, sinunod ko naman siya naupo ako sa dulo ng first row, tatlong row ang meron sa malaking kuwarto na'yon, tatlumpu kaming lahat sa bilang ko.

" Paano ka napunta dito? Slave ka ba? " tanong ng babae sa unahan ko.

" Ha? " natuliro ako, ano bang isasagot ko?

" Ano? " nginitian niya ko ng husto.

" O-oo " wala akong choice, tumango naman siya at inilahad yung kamay sakin. " Karisma, Vampire "  ang friendly niya kaya tinanggap ko yung palad niya, napakalamig ng magdaop ang palad namin. " Your so cute! " kindat niya sakin, I just smiled, I think it will be normal naman? ewan! -_- 

" Shinbee! " text ko kay Shin ng wala na'kong ginagawa, 5 minutes nalang tapos na klase ko.

" BeeNicx!  XD " reply niya sakin, pamatay niya talaga yang XD na yan hihi!

" Nagugutom ako, ililibre mo ba ko? *u* " - ako

" Wala namang bayad sa canteen! XD " - Shin

" Ha? totoo?! " nangingiti ako ng pasimple.

" Yes! Beenicx! ;> " 

" I love you Shinbee ! *u* ''

" Baka kiligin ka pag sinagot kita XD " 

" Yabang! I loveyou Beebee! *u*" ngiting-ngiti talaga ko hanggang i-cut na yung klase namin ng tunog ng wall clock. Hinintay ko silang makalabas lahat bago ako sumunod, pero bago pa ko makalabas sumara na ang pintuan kaya kinabahan ako.

" Hala" pilit kong itinutulak ang pinto pero ayaw, parang nakalock na siya.

" Anong gagawin ko? " kinakabahan ako, itetext ko si Shin ng bigla nalang mawala sa kamay ko yung cellphone ko kaya lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

" Are you scared? " malamig na boses, wala naman ibang tao  sa paligid ko maliban sa isang uwak na nasa desk sa pinakagitnang bahagi ng second row, may itim na usok ang bumalot sakanya at naging lalaking estudyante siya, isa siya sa madalas tumingin sakin kanina, napaatras ako, hindi ko man lang siya nakitang lumakad palapit sakin kaya talagang kinabahan ako ng nakatayo na siya sa harapan ko, Vampire siya.

" What do you want? " pilit kong tinatagan ang boses ko,

" Your trembling " ngiti niya, hahawakan niya ko sa mukha pero umatras ako, nabigla siya pero lalong nangiti at lumapit sakin, napaatras ako hanggang sa wala na'kong maatrasan nang mapasandal na'ko sa pintuan, ikinulong niya ko doon ng humawak siya pataas sa uluhan ko.

" Ano bang problema mo! lumayo ka sakin .. " hindi ko mapigilan yung panginginig ng boses ko, natatakot talaga ako sakanya.

" Let me taste your blood " Ipinadaan niya ang daliri niya sa leeg ko, nanghihina ako sa takot sakanya lalo pa at nagpupula ang mata niya. Pumikit ako at nagdasal ng sumigaw siyang bigla ng "Ouch! " Tinanggal niya yung dart na tumusok sakanya sa braso na ikinadugo niyon agad, wala naman ibang tao sa kuwarto, dalawa pang magkasunod na dart ang tumama sa magkabilang balikat niya na ikinagalit lalo ng lalaki.

Pure blood Series 4: Adopted by the Vampire King!Where stories live. Discover now