Chapter 24 : My 6 million.

3.4K 92 4
                                    

Gabby's POV

"I got a hint." Sa wakas nakuha ko rin ang atensyon niya.

Simula ng pumasok siya sa kwarto na to nakaramdam na ako ng mabigat na pakiramdam mula sa kanya, that's why I compose myself to simple explanation to ease her worries to the subject at hindi naman akong nabigong gawin iyon dahil naramdamn ko ang pagiging panatag niya.

Pero hindi lang ako nagsalita para pagaanin ang loob niya, nagsalita ako para mabaling ang mata niya sa akin na kanina pang nakaratingin kay Liam.

Wala ako sa posisyon pero ayoko ng mga nakikita ko at alam ko mali ang makaramdam ng ganito.

Parehas sila ni Rain, ganyang-ganyan niya din tinignan si Liam, Puno ng pagaalala at lungkot.

'Sana sa tingin lang'

"Red Blood hood Organization has a new member.."

"Wag mong sabihin...."

"It's Max." pagtapos ni Alexa sa sasabihin ko. Mukhang alam na nila.

"Hindi pwede paano nangyari iyon?" agad akong napatingin kay Mia dahil sa reaksyon niya. Ako lang ba o napansin din ni Alexa ang pagkabalisa ni Mia dahil kunot noo niya itong tinignan. Pabalik-balik ng paglalakad si Mia, nagiisip na akala mo meron hindi magandang mangyayari.

Pero para sa akin magiging maganda ito. Mas pabor sa sitwasyon ko.

"Kailan pa? Hindi ka basta basta makakapasok sa organisasyon na iyon. Hindi iyon ganun kadali."

"Anung ibig mong sabihin Mia?"

"Hindi... kasi... ano... Isipin nyo. Alam nating lahat na isang kilalang mob group ang RBO and we're fully aware about their underground business at para sa taong wala, I mean wala kahit ano bukod sa isang box. Anong ginawa niya para makapasok sa impyerno?" Tama si Mia, para sa isang kilalang grupo na kulang nalang ay magkaroon sila ng sariling bwan at araw at bumuo ng planeta dahil sa laki ng koneksyon nila, anong ginawa ni Max para maging isa sa kanila?

Bago kami magstart sa misyon na to, Nakalkal namin ni Mia ang tungkol kay Max at walang siyang kahit anong pagmamayari. Well except the Omiede with RFID Reader inside of it that can trace the billion of drugs.

Maari na iyon ang binigay niya. Pero masyadong mababaw iyon.

Mia's POV

Hindi. Hindi maganda ito. Imposible na ang drugs na iyon lang ang binigay ni Max para maging member nila.

Masaydong maliit, masyadong naging madali.

'Hindi mababaw ang demonyong iyon.'

Naglakad ako papunta sa upuan katabi ng bintana at pinagmasdan ang bwan. Mukhang makikisali ag langit sa nararamdaman ko.

Dahil sa alam ko ng papatak na ang luha ko tumayo ako at pumunta sa harapan ng bintana.

Hindi ako kasing lakas ni Alexa, hindi ako kasing tapang niya, hindi ako kasing tatag niya. Pero kahit ganun ayokong ipakita kay Alexa ang kahinaan ko. Gaya niya itinatago ko din ang duwag na ako sa katauhan na masayahing si Mia.

"Who holds RBO case?" Pagtatanong ni Alexa.

"Sila Ally at Lance." maikling naging tugon ni Gabby.

"We need to talk to them."

"Ako na ang kakausap sa kanila." pagpriprisinta ni Gabby. Pasimple kong pinunasan ang luha ko at humarap sa kanila. Nagtama ang mga mata namin ni Alexa kaya ngumiti ako. Sana hindi niya nahala ang mga mata ko.

"Kami na ni Mia ang kakausap sa kanila. Just continue spying Max." Tumango lang si Gabby bilang tugon.

Gusto kong sabihin na walang magagawa ang pakikipagusap namin sa kanila. Dahil simula ng hawakan ng dalawa ang case na iyon. Ni isang ebindensya wala silang nakuha, lead or kahit anong datos wala.

Hindi sa mahina ang dalawa o kulang sa diskarte. RBO ang minamanmanan nila. RBO at walang angel na makakpasok sa impyerno.

Mahihirapan kami sa kanila.

Nararamdaman ko na naman ang paginit ng mata ko. Kaya tumalikod ako.

Natatakot ako, natatakot ako.

Hindi ko inaasahan na magiging ganito kahirap ang kakaharapin namin. Ito ba ang tinatawag nilang tadhana. Tadhana na maibalik ako sa mundo na tinakasan ko.

Oo, kilala ko ang demonyong si Lucifer at ang impyernong lugar ng RBO.

Dahil minsan ko nang naging tahanan ang lugar na yun.

"We will end this before the months end."

Alexa's POV

'We will end this before the months end.' its almost an hour since Mia and Gabby left the room pero paulit-ulit parin nagplayplay sa utak ko ang salitang sinabi ko.

Gusto kong bawiin ang mga sinabi ko.

'Anong gagawin ko?'

Sa buong buhay ko ngayon ko lang ako naramdam ng ganito. Na gusto ko ng sumuko, umatras, at baliwalaiin nalang ang matagal ko ng pinaghandaan.

Pinilit kong maging matapang simula nang mawala sila, maging malakas sa bawat araw na dadarating at maging matatag sa bawat laban na kakaharapin ko. Binuo kong matigas ang puso ko para sa araw na muli naming paghaharap. Nagtagumpay akong baguhin ang sarili ko. Nagtagumpay ako sa katauhan na binuo ko. Nagawang kong makaharap si Max.

Pero kulang. HIndi sapat.

Nararamdaman ko na ang pagiinit ng mga mata at ang mga luha ko na mabilis na umagos. Ngumiti ako ng pilit. 'Viency sweetie' Dahil nasa akin parin ang iyakin at duwag na batang iyon. Naalala ko tuloy ang mga sinabi ko kay Uncle, that I can be alone, I know how to handle myself and the situation.

Gusto kong magwala! Naiinis ako sa sarili ko.

Nasan na si Alexa na binuo ko para makamit ang matagal ko ng inaasam? Bakit nawala? Bakit ngayon pa? Si Max lang ba ang makakapagpabalik sa akin sa dati? Ang makakapagpabago sa matagal ko ng gustong gawin na makamit ang bagay na gusto ko?

Yumuko ako at umiyak ng tahimik. Wala akong kayang gawin kundi umiyak ngayon.

'Uncle....'

"Hey .." Agad akong napatingin sa kanya. Gising na siya. Mabilis kong pinunasan ang luha ko at inayos ang sarili ko. "Ang iyakin mo pala." Dagdag niya. Ngumiti siya sa akin na parang batang nangaasar . Pinagmasdan ko lang siya, napangiti ako nang makita ko ang pagbabalik ng kulay niya.

'Mabuti at okay na siya'

Tatayo na sana ako para tawagin ang nurse pero di pa man ako nakakagalaw nagawa na niya akong unahan dahil nahawakan na niya braso ko kasabay ng pagabot sa mukha ko para punasan ang basa kong pisngi.

"Magiging maayos din ang lahat." At gaya kanina umagos na naman ang mga luha ko.

Gusto kong tumayo at umalis, hindi ako pwedeng makitaan ng kahinaan hindi sa harapan niya, sa harap ng kahit kanino. Pero meron sa loob ko na nagsasabi na eto ang kailangan ko.

Ang umiyak.

Naramdaman ko ang mga braso niya sa balikat ko. Yakap ako. Kung ibang araw ito maaring nabali ko na ang braso niya, at nabalibag na siya pero hindi because that gesture makes me feel well.

Pero hindi parin nawawala ang pangamba sa puso ko. Takot hindi lang para sa kanya kundi para sa mga taong nasa paligid namin. Lalo na sa kanila.

Naalala ko na naman ang sinabi niya.

"Ibigay mo sakin ang DNA ninyo kapalit ni Tidus at Ben."

'Sorry Liam... Sorry...'

"I wont leave you, I'm here my 6 million."

Code Name: SeptemberWhere stories live. Discover now