Rachel

83 1 0
                                    

Dedicated po pala ang UD na ito para sa iniidol kong si Ate Denny! :) Sobra akong naiinspire magsulat dahil sa kanya. :D  Sana po mabasa niyo ito. :) Lavyah Ate Denny! <3 <3 <3

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Dalawang taon. Hindi ko aakalaing babalik pa si Anna makalipas ang mga nangyari. Iniwan niya si Tristan. Nawala na lang siya ng parang bula, ng walang paalam, basta-basta na lang siyang naglaho. Tapos bigla na lang siyang babalik? Hindi niya ba naisip kung gaano kasakit para sa akin, lalo na kay Tristan, ang pag-alis niya? Hindi niya ba naisip kung ano ang naging epekto ng mga ginawa niya hindi lang kay Tristan, kung hindi sa aming lahat? Nasaktan kami. Pero mas nasaktan si Tristan.

Matagal ko ng tinatago ang 'feelings' ko para kay Tristan. Pakiramdam ko kasi walang puntong mahalin ang taong alam mong hindi ka mamahalin pabalik. Walang puntong mag-aksaya ng oras kakaisip sa taong hindi ka man lang pinapansin. Pero kahit ano pang sabihin ng utak mo, tanga pa rin puso at hindi mo ito mapipigilan 'pag natuto itong tumibok at magmahal.

Nung nalaman kong 'sila' na ni Anna, nasaktan ako. Hindi ko man ipinapakita pero sa loob-looban ko, halos magpakamatay na ako. Tinuri kong kapatid si Anna, magkasama kaming lumaki. Kaya ang sakit tanggapin na yung kaibigan mo yung pinili at hindi ikaw. Kahit pa alam mong nasa iyo naman lahat--ganda, yaman, talino, alam mo pa rin na hindi mo siya mapapantayan. Lagi mo pa rin iisipin na mas mababa ka sa kanya. At lagi ka lang niya papaalalahanan na talo ka. "Game over. Akin na si Tristan. Talo ka, Rachel. Talo ka."

Sinabi ko na lang sa sarili ko na lilipas rin ang mga nararamdaman ko para kay Tristan at makakamove-on ako. Pero nung malapit ng mawala ang lahat, umalis si Anna. Hindi, hindi ko intensyon pakinabangan ang pag-alis niya para pagbigyang-pansin naman ako ni Tristan. Pinapahalagahan ko ang pagkakaibigan namin ni Anna at never pumasok sa isip ko na gamitin ang paglayo niya bilang paraan para makuha ko si Tristan. Pero hindi ko kinaya.

Nakita ko ang naging epekto ni Anna kay Tristan. Araw-araw, nasasangkot si Tristan sa mga away. Tinutukso siya dahil iniwan siya ng isang babae. Tinatapak-tapakan siya. At ang makita siya sa ganung lagay, masakit dito, dito sa pusong tanga ko.

Anna, sana mapatawad mo ko. Ayokong malaman mo pero alam kong malalaman at malalaman mo pa rin ang totoong nangyari nung wala ka. Ayokong isipin mo na ginamit lang kita at ayoko ring isipin mo na ipinagpalit ko ang pagkakaibigan natin para lang sa isang lalaki. Pero mahal ko rin si Tristan. Sorry Anna, sorry.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Hi Readers! Ayan na po ang POV ni Rachel. Sana nagustuhan ninyo! :) Medyo nagbibigay na ako ng clues kung anong mangyayari sa mga susunod na UDs. Thank you sa patuloy na suporta at sana po subaybayan ninyo ang mga susunod na UDs! ;D Lava, lava, lava! <3 <3 <3

XOXO,

Porsha

Hanggang sa MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon