Ika-10 ng Mayo, 2012

59 1 0
                                    

Medyo nakakaadjust na uli ako sa buhay dito sa Pinas. Ay! Oo nga pala! Magmamall kami nila Rachel mamaya! Matagal ko na rin hindi nakakausap yung bruhang iyon. Hahaha. Musta na kaya sila? Ano kayang nangyari sa kanila habang wala ako? Miss ko na talaga ang BEASTfriend ko.

Si Rachel kasi yung tipong kaibigan na laging nandyan para sayo. Nung mga panahong nalilito ako sa mga dapat kong gawin, nandun siya, kasama ko, katabi ko. Nang-aasar pa nga eh. Di niya raw akalain na mapapaiyak ako dahil sa isang lalaki. Well, hahaha. Tawa na lang. Kaya nang magdesisyon akong umalis, isa siya sa mga dahilan kung bakit hindi ko matigilang umiyak. Siya ang BEAST ko eh!

Madalas kaming mag-skype noon pero medyo naging abala na rin kami sa school. Matalino si Rachel, maganda rin. Tapos ako naging BEAST niya. Musta naman ako, diba? Naligaw ata. Hahaha. Bakit BEAST? Ewan. Trip lang namin para maiba naman. Special kasi siya. Yun lang. Hahaha. Okay bye. Mamaya na uli ako magsusulat.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Hi readers! Gusto ko lang magpasalamat kung nakalayo kayo ng ganito. Medyo clichè pero promise ko, maganda ang mga susunod na UDs. :) Hindi pa man malinaw sa inyo ang mga nangyayari, gusto ko lang sabihin na hahaha. Wala. Malalaman niyo lang sa mga susunod na journal entries ni Anna. ;D Thank you sa support and please keep reading! :) Love lots! <3 <3 <3

XOXO,
Porsha

Hanggang sa MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon