Chapter 4

288 1 1
                                    

Tainted Hearts

By Ms sapphire

CHAPTER 4

{PAST}

KATATAPOS lang ng klase niya sa Calculus, kaya kaagad siyang lumabas para hanapin ang nobyang si Vanessa. Nasa loob pa ng classroom nila ang mga kaibigan—or former friends niya. Simula nang malaman ng mga ito na nobya na niya si Vanessa ay naging tutol na ang karamihan sa mga ito lalo na si Alex. Hindi naman niya masisisi ang mga kaibigan niya dahil maganda si Vanessa at maraming nagkakagusto dito. Isa siya sa mga nabighani sa kagandahan nito, kaya sobrang saya niya nang sagutin siya ng babae.

Kinuha niya ang kaniyang cellphone at nag text kay Vanessa. Hindi kase niya ito nakita sa loob ng classroom nito. 

“Hoy Tyler si Vanessa ba ang hinahanap mo?” tanong nga kaklase ni Vanessa.

“Oo, nakita mo ba siyang lumabas?”

Ngumiti ang kaharap niya. Halatang nagpapacute sa kaniya. “Nakita ko siya sa library kanina baka andun pa rin yun.”

“Ah ganon ba sige salamat.”

Kaagad niyang pinuntahan ang library nila na nasa third floor pa. Marami-rami na ring estudyante ang nasa hallway para sa next subjects ng nila. Anim na oras pa ang bubunuin nila bago matapos ang araw na ito. Hindi na siya makapaghintay na masolo ang nobya. Kagabi ay nangako itong lalabas sila sa dati nilang tinatambayang park. Doon sila naglalagi dahil may liblib na lugar doon na walang ibang nakaka-alam kundi silang dalawa lang. Doon din nila nilalasap ang kanilang pagmamahalan hanggang sa gabihin silang dalawa sa pag-uwi. 

Napangiti siya. Hindi niya lubos maisip na sasaya siya ng ganito dahil sa pagmamahal niya sa nobya. Akala niya, gaya ng Ina niya ay magiging sawi rin siya sa pag-ibig. His face went grim tuwing naalala niya ang mga naranasan nilang mag-ina dahil sa kahihiyan. Dahil sa pagiging mistress ng Ina niya sa isang Governor ay tinakwil ito ng lolo niya. Hindi nagkulang ang Dad niya sa pagsupporta sa kaniyang pag-aaral, pero kapalit ng financial, ay ang pagkukulang ng pagmamahal ng Ama sa buhay niya. Alam ng tunay nitong asawa ang tungkol sa kanila ng Ina niya, pero dahil sa sobrang pagkakababaero ng Dad niya ay nalalampasan nito ang galit ng tunay ng asawa. Siguro nag sawa na rin ang tunay na asawa ng Dad niya sa kakatalak dito. Kaya ipinapangako niyang hindi magiging bastardo ang magiging anak niya. Nahindi siya magtataksil sa magiging asawa niya gaya nang pagtataksil ng Daddy niya sa tunay nitong asawa. 

“Excuse me Ma’am pumasok ho ba dito si Vanessa Gilbert?” tanong niya sa librarian nila.

“Oo andun pa ata siya sa Math section at nagpapaturo kay Briggs.” Bulong nito sa kaniya.

Nakaramdam siya ng selos pagkarinig niya sa pangalan ni Briggs. Ito ang bully sa paaralan nila. Malaki ang katawan nito kumpara sa normal na estudyante. Tatlong pulgada lang naman ang taas ni Briggs niya sa taas niyang 5’7—and counting. 

Umikot siya papunta sa Math section. May mesa at upuan sa may sulok kung saan nakita niya si Vanessa na nakalapat ang hinaharap sa likuran ni Briggs. Narinig pa niya ang pagtawa ng dalawa at ang paglapat ng kamay ni Vanessa sa balikat ni Briggs. 

“Paano mo nasagot yan?” nakatawang tanong ni Vanessa kay Briggs.

“Hindi ka kase nakikinig eh ganito lang o.”

Tumikhim siya.

“Babe!” si Vanessa na waring nagulat sa pagsulpot niya. 

Umalis ito sa tabi ni Briggs para lapitan siya. Hinila nito ang kamay niya at pina-upo siya sa bakanteng upuan sa tabi nito.

“Isidro.” Si Briggs.

Tumango lang siya dito. Hindi niya nagustuhan ang paglapit ni Vanessa kayt Briggs. Noon pa man ay hindi na nagugustuhan ng mga kabigan niya ang mga ginagawa ni Briggs na pambubully sa mga kaklase nila. Mas matanda si Briggs sa kanilang lahat dahil iilang taon na rin itong pabalik-balik ng high school.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 28, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tainted Hearts by Ms SapphireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon