Chapter 6

154 2 0
                                    

Goodbye Love-6

By Ms Sapphire

             PAGKABANGON niya ay sinilip muna niya ang kaniyang messages. As usual, may message na naman siya galing kay snipersneb143.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

July 24,2010 6:02am

Sinersneb143: Good Morning Sunshine!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

July 24,2010 7:09am

SamanthaAlonzo: Good Morning din sa ‘yo. Ang aga mo ‘atang nagising ngayon ah. Well, today is my second at work. At mukhang male-late na ako kaya bye na muna. Ingats ^_^

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

          Mabilis siyang naligo at nagbihis para makahabol pa siya sa FX sa kanto na maagang pumapasada. Nagbabasa ng newspaper ang kaniyang Papa at ang Mama naman niya ay nagluluto ng almusal. Hinila niya ang isang upuan at tahimik na naupo sa tabi ng kaniyang ama. Maingat siyang kumuha ng isang plato at nagsandok ng fried rice.

“Kumusta naman ang trabaho mo?” tanong ng mommy niya.

“Maayos naman po ‘ma. Akala ko nga mahihirapan ako sa trabahong yun. Mabuti nalang at mabait yung nagturo sa akin.”

“Nagpapasalamat ako at nakahanap ka ng trabaho na hindi na kinailangang bumiyahe gaya dati. Hindi naman kami tutol ng Mama mo na pumunta ka sa mission trips. Kaso sa huling biyahe mo e muntik ka ng mawala sa amin ng Mama mo.” Pahayag ng Daddy niya.

Pilit na ngumiti si Sam para pagtakpan ang kalungkutang naramdaman niya tuwing naalala niya ang huli niyang biyahe. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin niyang napapanaginipan si Justin. Pero mabuti nalang at hindi na gaya ng dati na halos gabi-gabi siyang pasukin ng Mama niya tuwing nagsisigaw na siya dahil sa bangungot. Pinipilit pa nga siya ng mga ito na magpatingin sa kakilala nilang Psychiatrist, pero siya na rin ang umayaw. Ayaw niyang makalimutan ang araw na yun. Kahit na maraming masasakit na kaganapan ang araw na yun e may mga masasayang sandali naman sila ng kaibigan niyang si Justin.

{Past}

Dumaguete, Cebu

“Sam, gihigugma ko ikaw.” Wika ni Justin sa kaniya.

Nasa laot silang dalawa at namamasyal.

“Ha? Anong sinasabi mo paki translate naman.” Nakangiting utos niya kay Justin.

“Huwag na baka hindi mo magustuhan.”

“Bakit bad words ba yan?”

“Oo bad words yan kaya huwag nalang. Baka pagalitan ako ni Mr Alonzo pag tinuturuan pa kita ng ganyan.”

“Ikaw ha alam mo namang bad yan. Magsagwan ka na lang kaya para may paggamitan naman yang lupaypay mong braso.” Humagikhik siya sa kaniyang sinabi.

“Anong lupaypay?” react ni Justin “ang tigas kaya nitong muscles ko o tingnan mo..” itinaas pa nito ang dalawang braso para ipakita ang naglalakihang deltoids nito.

Binibiro lang naman niya ito dahil alam naman niyang nag gy-gym ito kasama sina Kelvin, Alex, Tyler, Zack at Ethan. Sa ilang linggong pamamasyal nilang dalawa sa lugar nina Justin ay dito nahulog ang loob niya sa kaibigan. Akal pa nga niya nung una silang nagkakilala ni Justin e kamumuhian na siya nito dahil ‘for the boys’ lang sana ang Alpha-Omega Club o AOC. Kaso nga pinayagan siyang sumali ni Ethan dahil na rin sa lihim niyang crush kay Justin.

Lahat ng lugar na pinuntahan nila ay tumatak na sa puso ni Sam.

{Present}

          “Sam, baka ma late ka na riyan dalian mo.” Untag ng Mommy niya.

“Ay opo” uminom muna siya ng orange juice bago hinalikan ang mga magulang niya “salamat sa almusal ‘ma.”

“Mag-iingat ka sa pag-uwi mamaya. Huwag mong kalimutang tawagan ako pag gagabihin ka sa pag-uwi ha.” Paalala ng Daddy niya.

“Opo Dad”

Lumabas na siya sa gate nila ng may isang itim na pajerong huminto sa tapat niya. Ibinaba ng driver ang bintana nito…

“Good Morning!” masayang bati sa kaniya ni Ben.

“Sir Ben ano pong ginagawa mo dito sa amin?” nagtatakang tanong niya dito.

“May dinaanan lang akong kaibigan. Then I remembered you lived here kaya naisipan ko na ring dumaan baka sakaling andito ka pa.” lumabas si Ben ng sasakyan at umikot sa kabila para pagbuksan siya ng pinto.

Nakatulala pa rin siya sa kaniyang kinatatayuan.

“Halika na, pumasok ka na sa loob baka ma traffic pa tayo sa daan.”

“Ha? A-e okay.”

Hinawakan pa ni Ben ang isa niyang kamay para alalayan siyang makapasok sa loob ng sasakyan. Medyo nakaramdam siya ng pagkailang dahil boss na niya si Ben. Hindi na ito ang tour guide / body guard niya dati. Pinag-uusapan na rin silang dalawa sa buong opisina dahil sa closeness nila. Marami na tuloy siyang secret enemies na may gusto kay Ben. But she need to assure herself  that she was working in that company to earn a living and not to flirt her boss. She wouldn’t want to resort working in his company. All because of some jelousy at work.

“Are you cold?” Ben then asked.

“Ha? Just a little”

Pinahina ni Ben ang A/C para sa kaniya. Then he started a conversation about his plan for the agency. She wasn’t stingy on giving her honest opinion. It seems like he valued her comments dahil ni minsan hindi nito ini-interrupt ang kaniyang pagsasalita. Most men she dated in the past are egocentric dahil puro ang mga ito nalang ang nagsasalita kaya she never go out with them in a second date. Mula nung bumalik siya galing Davao ay tinutulak na siya ng mga magulang niyang makipag relasyon. Hindi na raw kase siya bumabata sabi pa ng Dad niya.

“Sheeesh Dad thanks.” Naalala niyang sagot niya sa Daddy niya.

“Hindi na rin kami bumabata anak. Aba gusto namin ng Mommy mong makita ang mga apo namin bago man lang mamatay ang isa sa amin.” Sabi ng Daddy niya.

“Bakit may magpapa-alam na ba sa inyong dalawa?” naiiyak na tanong niya.

Masyado pa rin siyang sensitibo sa mga bagay-bagay na may ugnayan sa patay. Sariwa pa rin kase sa ala-ala niya ng mga panahong iyondahil sa kinahinatnan ng kaniyang mission trip sa bayan ng Timolok.

           MATAPOS ang biyahe nila ay nagpasalamat at nagpaalam kaagad siya kay Ben dahil nahihiya siyang pumasok sabay dito. Kaagad niyang inihanda ang mesa niya bago siya pumasok sa opisina ni Ben para maglinis at ihanda ang mga aasikasuhing papeles nito bago siya lumabas. Hindi nagtagal ay nakita niyang pumasok si Ben sa loob kaya naghanda na siya ng kape para dito. Pagkatapos ma brew ang kape sa coffee maker ay naghanda siya ng isang tasa para sa amo niya. Black no Sugar and Cream. Yan ang laging sinasabi nito.

Inipit niya ang kaniyang organizer sa isang braso habang ang isa naman ay nakahawak sa tasa ng kape. Hindi na siya nag-abalang kumatok pa at binuksan na niya kaagad ang pintuan. Nakita niyang nagsisimula nang magtrabahao ang amo niya kaya dahan-dahan niyang inilapag ang kape sa tabi nito.

Tumikhim muna siya bago nagsalita para makuha niya ang atensyon nito.

“Sir, would you like to know your appointments today?” tanong niya dito.

Itiniklop ni Ben ang folder na pinipirmahan nito bago tumingin sa kaniya. “Ahh how many appointments do I have for today?”

“Dalawa lang po. You have a meeting at one o’clock sa bahay ni Mr. Sandejas and another meeting at three fifteen sa restaurant ng Mandarin Hotel with Mr Chang.”

“Okay. Salamat.”

“Your welcome po.” Sagot niya dito bago umalis.

Goodbye LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon