Epilouge

4 1 0
                                    

_______

This is a work fiction. Any names, characters, businesses, place, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictious manner.

Do not distribute, publish, transmit, modify or even create derivative work or exploit the contents of any way.
  

_______

×××

HINDI ko maiwasang titiganan taong nakakasalubong ko. Ilan kaya sa kanila ang nabubuhay ng maayos? Yung nabubuhay sa paraang gusto nila. Yung gigising at matutulog ng walang pinorpoblemang inaalala.

"Sasakay kaba?" napalingon ako sa kundoktor ng jeep, bigla naman 'tong sumusulpot, tipid ko siyang inilingan. Buti pa 'tong si Kuya, may trabaho. Di kataka-takang punuan na ang mga sasakyan, kakatapos lang ng office hours at uwian nadin nang mga estudyante.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Teka, saan ba ako pupunta? Pwede bang maglaho nalang ako? Yung maglalaho lang, ayoko pa naman kasing mamatay. O kaya naman, pwede bang gumamit ng fastforward botton? Para mapunta na ako sa next chapter. Baka sakaling tapos na ang pahihirap ko doon.

Bzzz Bzz Bzzz ~~~

Huminto ako sa paglalakad, dahan-dahan kong kinapa ang cellphone kong di-keypad sa bulsa ng suot kong pantalon.

"Bakit?" agarang tanong ko, pagkasagot na pagkasagot ko ng tawag. Baka may nangyari nannamang di maganda. Mag aalas-singko na ng hapon, nagsisimula nang dumilim. Madaming mga sasakyan sa paligid, madaming taong palakad-lakad, ngunit wala ilaw ang mga poste rito kaya nagingibabaw parin ang pagdilim ng kalangitan. Mukang uulan.


"Anong balita? May nahanap kana?" tanong niya mula sa kabilang linya. Napabuntong hininga agad ako, 'di batid kung matutuwa ba ako dahil tungkol doon ang dahilan kung bakit siya napatawag. Wala akong ginawa sa maghapong 'to, pero pagod na pagod ang katawan ko.

"Anong plano mo ngayon?" ramdam ko ang awa sa boses ni Anji, ang natitira kong kaibigan.

"Kung may magagawa lang ako Anji, ginawa ko na" kahit na gaano ko pa kagustong makaahon, ayaw akong sangayunan ng panahon.

Baon na baon na ako sa utang. Kung pwede ko nga lang ibenta tung isang mata ko o tung kidney ko, ginawa ko na. May maipangbayad lang.

Nung isang buwan, nalugi ang mga panananim namin kasi binagyo. Sunod non, nagkamatayan ang mga alaga naming manok dahil sa peste. Napakahirap lang tangapin na, sa isangiglap naglaho yung mga bagay na inaasahan mo. Yun lang ang bumubuhay saamin, pero hayun at nawala pa. Buti sana kung natapos na don ang problema, ang kaso simula palang pala yon ng lahat.

Nangailangan akong mangutang dahil biglaang inatake si Kuya. Nakalabas naman siya ng hospital after ng isang lingo, ang kaso inatake nanaman siya kanina. At kailangan na niyang manatli sa hospital ngayon. Hindi pa tapos yung unang problema, may panibagong dumating naman. Sabay sabay, at pare-parehong mahihirap.

Si Kuya nalang ang meron ako sa ngayon, kaya hindi ako papayag na pati siya mawawala pa. Kung pwede lang na ako nalang, kung pwede ko lang akuin yung sakit na nararamdaman niya, gagawin ko talaga. May sarili na kasi siyang pamilya, kailangang-kailangan siya nang mga anak niya.

"Subukan mo kayang m-magtrabaho sa Manila?" napapunas ako sa pisngi ko, pinagtitinginan na ako ng mga tao. Di ko nanaman namalayang umiiyak na ako. Masyado akong mababawaw pag dating sa pamilya.

Number 0101Where stories live. Discover now