Prologue

36.4K 709 19
                                    

"Hold your horses, gentlemen. I ain't no bitch to entertain you all. I am not a stripper, I'm a fucking bartender." her serious but calm voice filled their ears as they watch her do her job as a bartender.

Ang suot nitong kulay itim na shirt at shorts ay nagpakita ng kaniyang kaputian, napakalinis ding tingnan ang tattoo sa kaliwang banda ng kaniyang collarbone, a minimalist wing tattoo.

Bagsak din ang kaniyang itim na itim at tuwid na buhok na hanggang baywang ang haba, her innocent face that makes everyone hypnotize.

Maingat niyang binuhos ang vodka sa jigger para tantiyahin ang dami na ilalagay niya, pagkatapos ay walang alinlangan niyang binuhos ang vodka sa boston shaker at nilagyan ng half ounce of triple sec, one ounce of lemon juice and lastly, half ounce of simple syrup bago niya ito tinakpan at ekspertong hinalo, she quickly shakes the boston shaker for seconds before she pours it on the empty glass in front of her.

"Here's your Lemon Drop Martini, Sir. Enjoy." as she served the glass of alcohol.

"She really is something." parang tuwang-tuwa pang saad ng boses, hindi niya pinansin ang bulungan ng ibang costumers.

"One glass of Long Island, please." rinig pa niyang saad ng kararating lang na lalake.

"Long Island, coming up, Daddy." may panunuya niyang sagot at inabot mula sa sliding glass ang nga bote na may lamang gin, light rum at tequila.

"Hi, gorgeous." napalingon siya nang may bumati mula sa likuran niya, nang makita niya kung sino ay napairap siya at pinagpatuloy ang naudlot na ginagawa.

"You're five minutes late, Dalton." sermon niya pero hindi naman halata sa mukha niya dahil maamo ito.

Si Dalton ang kasama niyang bartender sa Casa de las Zorras, isang high-end exclusive nighclub na tanging mayayamang tao lang ang nakakapasok. Luxurious, a fancy club where rich men choose to dispose their money.

"Kataleya Slyvie, my lovely-"

"Stop saying shits and start working or else isusumbong kita." banta nito ngunit may ngiti sa kaniyang labi. Ngumuso naman si Dalton at sinunod ang utos niya.
Habang tumataga ay nagiging maingay sa loob ng club, busy ang bawat tao at may kani-kaniyang ginagawa. The sexy waitresses of the club entertain wealthy costumers, kung sa bagay ay sino ba naman ng hindi maakit sa suot ng mga ito? Napaikli at fitted na pulang skirt at fitted na top na ang tanging dibdib lang ang natatakpan.

"Nasaan si Sir? Hindi ko ata siya napansin ngayong gabi." tanong ni Dalton habang nakatabi sa kaniya.

"I don't know. Maybe he's in the VIP room." tipid niya sagot at pinunasan ang bar counter gamit ang malinis na table napkin.

"Hindi ba siya buma-" naputol ang sasabihin sana nito nang may marinig silang putukan.

"What the fuck?" mura niya at mabilis na hinablot ang baril mula sa ilalim ng bar counter kung saan niya lagi itong nilalagay, tinago niya ito sa kaniyang likuran.

Nagsigawan ang ilan dahil sa mga putok ng baril, ang ilan ay sinikap ang sariling makalabas habang ang iba naman ay hindi alam ang gagawin dahil sa pagkataranta.

"Anong nangyayari?" kalmadong tanong ni Dalton habang pinanonood ang mga taong nagkakagulo.

"Magkasama tayo dito kaya bakit mo sa akin tinatanong? Pumunta ka sa second floor at hanapin mo si Sir Garrett. Ako na ang bahala dito." dali-dali itong kumilos, nang tuluyang mawala sa paningin niya si Dalton ay mabilis niyang kinuha ang baril sa kaniyang likuran at kinasa, lumabas siya mula sa bar counter.

She immediately pulled the trigger nang may nakita siyang tumatakbong lalake palapit sa kaniya at umambang babarilin siya, tinamaan niya ito sa braso kaya nabitawan ang hawak nitong baril. Agad niyang nilapitan ang lalake at pinadapa, tinapakan niya ang baril nito upang hindi na maisipang lumaban.

"Sino ka? And why are you trying to shoot me?" sa halip na sagutin siya ay dumura nalang ito at pinagtawanan siya.

Pinulot niya ang baril ng lalake at malakas na inapakan ang braso nitong may sugat dahilan para mapadaing ito.

"You b-bitch! I will fucking kill you!" daing nitong banta kaya mas diniinan niya ang pagkakaapak sa braso nito.

"Kataleya!" bumaling ang tingin niya sa may hagdanan nang marinig niya ang pangalan niya. Nakita niya si Dalton na hinihingal habang nakatingin sa kaniya.

"Where's Sir Garrett?" tanong niya.

"Nasa taas, may illegal transaction na naganap." lumapit ito sa kaniya at inagaw ang baril. "I'll hide this, parating na ang mga pulis." anito at bumaba ang tingin niya sa lalaking kanina pa dumadaing sa sakit.

"Kasama ba nila 'to?" tanong niya.

"Kung may tattoo na skull sa may leeg then yes, don't let him escape. I'll go." at tinalikuran na siya nito.

Marahas niyang pinatihaya ang lalake at hinawakan sa leeg upang tingnan kung may tattoo.

At meron nga.

"You're going to jail, asshole." mura niya at sinikmuraan ito.

Tied And Controlled (Under Editing)Where stories live. Discover now