CHAPTER 32

382 15 5
                                    

DALE'S

Nandito kami sa isang coffee shop.

"Ano kailangan mo kay aphrodite isabella?" Inis na sabi ko. Nabubwisit na ako sa pagmumukha neto eh lagi ko nakikita sa mga party na nakatingin samin ng kambal ko

"gusto ko gamitin ka para saktan si aphrodite” sabi niya

“Anong klase kang kapatid gusto mo saktan ang sarili mong kapatid?! Nahihibang ka ba?!” inis na sabi ko. kilala ko siya. Iris Amphitrite huh. Tsk

“Pag hindi ka sumunod pwede ko sabihin kay papa na nasa Trevino si aphrodite pwede nila patayin si aphrodite agad pag nalaman nila na nasa inyo siya” sabi niya habang nakatingin ng diretso sakin

“Napaka sama mo isabella” inis na sabi ko.

"madali lang naman diba? Sasaktan mo lang damdamin ni aphrodite tapos hindi ko isusumbong na nasa inyo ang kaisa isang anak ni Alejandro Makris" sabi niya at ngumisi.



Nakatago ako sa isang sofa dito sa loob ng bahay ng Makris. Tangina kasi ang tagal ng mga tauhan ni papa kaya ako na sumugod ang ending may tatlo akong tama ng baril. Oo na tanga na ako bigla sumugod mag isa.

Nagtext sakin kanina si isabella at binigay ang address nila. Sabi niya iligtas ko ang kapatid niya at humihingi siya ng pasensya sakin.

"Batang Trevino lumabas ka na dyan mamamatay ka din naman. Ayaw mo nun magkikita kayo ng nanay mo?" Sabi niya at tumawa.

"Papatayin muna kita bago mo ko mapatay!" Sigaw ko.

"Nako. Nakakatakot ka naman. Hindi ka na makakalabas ng buhay dito." Sigaw din niya. Bigla nag vibrate ang phone ko. Si dash pala .

'nakalabas na si aphrodite dyan. Si papa nandyan na din ingat ka dale' sabi ni dash kaya kahit papano nawala yung kaba ko. Buti naman ligtas siya.

"Baka ikaw ang hindi makalabas ng buhay Alejandro" napatingin ako sa may pinto nandun si daddy may kasama siya na mga tauhan niya.

"Aba aba nagkita nanaman tayo Gabriel kamusta buhay mo?" Natatawang sabi nung Alejandro.

"Patay na ang mga tauhan mo. Ikaw na lang ang natitira baka gusto mo na sumuko" sabi ni daddy. May lumapit sakin na tauhan namin at tinulungan ako tumayo. 

"Ano? Ang bobo talaga ng tauhan ko!" Inis na sabi nung Alejandro.

"Well kung ganon. Mas mabuti na mamamatay tayo lahat dito sa loob kaysa mahuli niyo ko" may nilabas siya na parang remote at bago niya pindutin yun tumakbo kami ni daddy palabas. Kasabay ng pagsabog na yun.

"Dad si aphrodite" mahinang sabi ko. Tangina mauubos na ata dugo ko.

"Nandyan ata sila sa harap ng bahay na to tara" sabi ni dad at inalalayan ako.

Narinig ko boses ni aphrodite.

      
"A-Aphro?" Tawag ko sakanya.

"Nandito ako dale" sabi niya. Hindi ko mapigilan naiyak ako nung naalala ko kung gano siya nasaktan dahil sakin sa mga salita na hindi dapat sakanya sinasabi.

"S-Sorry ha patawarin mo ko. Hindi ko gusto saktan—"

"Shh. Sinabi na sakin ni ate Amphitrite siya ang nagplano at hindi ikaw ang naka buntis sakanya" umiiyak na sabi niya. Sinabi ni isabella yun? Himala may konsensya pa siya

"Naging matapang ka ba habang hindi ka namin naliligtas?" Tanong ko

"O-Oo. Please wag ka na magsalita mauubusan ka ng dugo" sabi niya habang hawak ang mukha ko. Ngumiti ako sakanya. That's my girl.

"Proud ako sayo dahil naging matapang ka. I'm so proud of you aphro baby" sabi ko bago mawalan ng malay.

APHRODITE'S

"Ang tagal mo naman gumising parang naubusan ka lang ng dugo eh" sabi ko sa tulog na si dale.

"Siraulo to. Ikaw kaya ubusan ko ng dugo dyan" sabi ni deana na nakain ng apple.

"Hoy tangina ka binili ko yan para sa kuya mo hindi para sayo bat ikaw nakain niyan gago to" sabi ko sakanya.

"Pota tatlo yung binili mong mansanas girl mamigay ka naman hindi naman makakain ni dale eh tulog pa oh!" Inis na sabi niya.

"Ano ba kahit saan nagmumurahan kayong dalawa" sabi ni faye.

"Si aphrodite kasi madamot"

inirapan ko na lang siya.

Tumingin ako kay dale na natutulog pa din.

"Hindi na ata gigising yan" napatingin ako sa nagsalita si dash pala. Jusme laki ng eyebags niya parang ang laki ng problema.

"Gago ano nangyari sayo? Para ka nawalan ng anak mukha kang stress?!" Sabi ko. Napatigil siya sa sinabi ko pero nagpatuloy pa din siya sa paglakad palapit kay deana

"Good afternoon din aphrodite" sabi niya at umupo sa tabi ni deana.

Maganda din may kausap ako kaysa mag isa. Pag mag isa ako naalala ko yung mukha ni ate Amphitrite. Kahit naging masama siya sakin. Mahal ko pa din siya dahil kapatid ko siya. Naalala ko sinabi niya aantayin niya na maligtas siya pero ending namatay siya.

Patay na talaga si ate Amphitrite or isabella pero mas gusto ko Amphitrite tawag. May nakita na sunog na bangkay sa loob ng bahay. Si ate Amphitrite daw yun sabi ni tito. Kasama siya sa nasabugan. Ang ate ko..

"Oh umiiyak ka nanaman" malungkot na sabi ni faye.

"Ang ate ko. Namatay siya dahil sakin. Kung hindi sana niya pinigilan si papa na mahabol—"

"Hindi mo kasalanan yun aphrodite ano ba! Wag mo sisihin sarili mo" sabi ni deana.

"Sigurado nasa mabuting lugar na ang ate mo." Sabi ni faye.

"Isipin mo na lang nasa malayo siya na lugar kasama ang pamangkin mo" sabi pa ni deana. Tumango tango na lang ako.

"Hindi ko akalain na ang ate mo at si isabella ay iisa grabe naloloka pa din ako" sabi ni deana.

"Same" sabi lang ni faye.

Napatingin kami kay dash na dali dali lumabas.

"Gago ano nangyari dun?" Sabi ni deana.

"Baka may pupuntahan lang" sabi ni faye kaya tumango na lang si deana.

"Baka nga"

Napahinga ako ng malalim.



PAVOTEEEEE THANK YOUUUU MWUAH!

UNWANTEDWhere stories live. Discover now