21: Party

101 8 1
                                    

Agad akong umuwi sa bahay at nag-shower. Nang matapos, muntik ng sumakit ang ulo ko ng maalalang wala pala akong nabiling gown for that damn party. What a nuisance.

Kumuha na lang ako ng gown na isang beses ko pa lang naisuot. It's a red evening gown na may mahabang slit sa ibaba. It looks sexy on me so napangisi na lang ako. Well, this will do.

Inayos ko na rin ang buhok ko matapos kong i-blower. Kinulot ko na lang 'to habang nakaladlad sa aking likuran. Matapos, sinimulan ko ng ayusin ang mukha. Simple lang ang make-up na ginawa ko 'cause I don't need it heavy since I already have a pretty face.

Nang ma-satisfy ako sa sarili, kinuha ko na ang purse at saka lumabas ng kwarto.

Nagpahatid na ako sa driver at agad kong tinawagan si dad upang sabihin na papunta na ko.

"Are you really sure about this? Pwede ka pa naman huminde anak" sambit ni dad sa may pag-aalalang tono.

"Yes I am dad. Don't worry, I'll be okay" sagot ko. "Alright, I'll call you again 'pag nakarating na ko do'n dad" pagpapatuloy ko.

"Alright, be careful. I love you" napangiti ako at agad na sumagot "I love you too, dad"

Binaba ko na ang tawag at saka ako tumingin sa bintana habang mabilis na tumatakbo ang sasakyan. Habang papalapit kami ng papalapit sa paroroonan, palakas ng palakas ang tibok ng puso ko. Damn. I shouldn't be this nervous, since it been years already. It was already in the past.

Nang makarating do'n, maraming media ang nasa entrance habang may mahabang red carpet ang nakalagay sa gitna. Marami din ang guards na naka-antabay sa gilid-gilid.

Medyo traffic ang papunta sa entrance since isa-isang bumababa ang mga guest sa kani-kanilang sasakyan. May iba pang nagpopose sa harap ng camera. Napairap na lamang ako.

Sigurado bang birthday ng bata 'to? Bakit parang mala-MET gala ang dating ng party na'to.

Tinawagan ko si dad, at sinabing nandirito na ako. Sinabi naman nito na papasundo nya ko sa sa kanyang secretary kaya um-oo na lang ako at binaba na ang tawag.

When it's my turn to go out, huminga muna ako ng malalim bago bumaba sa sasakyan. Maraming camera ang nakatutok since sobrang daming reporter ang naririto. Well, sa dami ba namang artista na sikat at mga businessman ang naririto, hindi na ko magtataka.

Dire-diretso lang ako sa paglalakad. Nang makita ko ang secretary ng dad ko, agad itong lumapit sa'kin at yumuko bilang pagbati.

"Ms. Clare dito po" antabay sa'kin nito. May binigay muna itong invitation card sa mga nagbabantay sa labas bago kami pumasok sa venue.

Maraming sikat na personalidad ang naririto, ang iba ay may mga kasama pang bata.

Walang emosyon ko lamang sinusundan ang secretary ni dad ng biglang may yumakap sa aking balakang na siyang ikinagulat ko. What the. Papagalitan ko na sana ito ng makita ko ang nakangiting mukha ni bubwit.

Nagtatakang napatingin ako dito. "Little kid? What are you doing here?Where is your dad? " di ko makapaniwalang tanong dito. Kaya ba naka-tuxedo siya kanina ay dahil dito sa party? That means, his father is here too right?

Agad itong sumenyas sa'kin. 'He's busy'

"Where is your old nanny then? Di ka dapat n'ya hinahayaang pagala-gala ng ganito. So irresponsible" saad ko. "Halika, hanapin natin ang dad mo. Isusumbong ko yang iresponsable mong nanny" pagpapatuloy ko habang sumesenyas dito. Nakangiting tumango ito at hinawakan ang kamay ko.

"Tell my dad that I will call him. May gagawin lang ako saglit" utos ko sa secretary ni dad.

"Okay Ms. Clare" sagot nito bago yumuko at umalis.

Hinila na ako ni bubwit sa kung saan naroroon ang dad nya, pagkarating do'n, bigla akong napahinto.

Agad akong napatitig sa lalaking busy sa pakikipag-usap sa mga guest. Nakangiti pa ito habang may hawak na champagne at nakalagay sa bulsa ng pants ang isang kamay.

Walang pagbabago ang itsura n'ya. It's still the same kahit na sobrang tagal ko na s'yang hindi nakikita ng personal. He still looks dashing as he was before.

Nabalik ako sa reyalidad ng maramdaman kong may humihila sa kamay ko. Napatingin ako dito at nakita ko si bubwit na nakangiti at tinuturo ang lalaking matagal ko ng kinalimutan. Napakunot ako dito at sumenyas. 'What?'

'He is my dad' sensyas nito at saka tinurong muli si...

WHAT?!

Pabalik-balik akong tumingin kay bubwit at sa sinasabi nitong tatay n'ya. At do'n ko lang napagtanto na magkamukha sila!

Bigla akong nanlamig sa kinatatayuan habang nakatulalang nakatingin sa lalaking kinamumuhian ko. Why? Bakit s'ya pa?

Tumigil ito sa pakikipag-usap at nahagip ang aking tingin. Tumingin ito kay bubwit bago ibinalik ang tingin sa'kin at ang masaklap, ngumisi pa ito. Damn!

The Bitchy TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon