- f i r s t -

533 16 8
                                    

TWT's NOTE: Kathrine's portrayer at the top! If you guys are fans of JDorama, I know you know this kawaii girl ^_^

x - - - - - - - - - - x

Daddy Long Legs

a short story by toneewritestragedies

- First Chapter -

"Hoy, Kathrine. Kanina ka pa wala sa sarili mo. Ano bang nangyayari sa'yo?"

Napapitlag na lang ako sa kinauupuan ko nang kalabitin ako ng best friend kong si Payne. Hinampas ko naman siya sa braso bilang ganti ko sa kanya.

"Leche ka, ginulat mo ako! Ano ba?"

"Wow ha, ako pa ang hinampas mo. Ang sabi ko ano bang nangyayari sa'yo at kanina ka pa wala sa sarili." sabi ni Payne sa akin habang nagsusulat ng notes sa subject namin kanina.

"E kasi noong isang araw, may naglagay ng love letter sa locker ko. T-in-ry ko siyang habulin pero ang bilis niya tumakbo kaya hindi ko na siya naabutan."

Tumawa ng malakas si Payne sa sinabi ko. Binatukan ko nga! Aba kung makapag-react akala mo imposible na akong magka-secret admirer? Kaasar!

"Aray naman Kathrine! Kung ikaw kaya batukan ko rin? OA mo ha, parang tumawa lang ako e." hinimas-himas niya ang parte ng ulunan niyang binatukan ko.

"Aish, basta mayroon akong secret admirer. Tignan mo 'to." pinakita ko sa kanya 'yung maliit na post-it note na nilagay nung guy sa locker ko. Aba at ang loko parang hindi pa kumbinsido? Sapakin ko 'to ulit e!

"'Hi Kathrine, I love you.' Shit, ang keso naman nyan!" hinagis niya sa akin 'yung post-it na pinahawak ko sa kanya. Bwisit talaga 'to kahit kailan.

"Ano'ng keso doon? Ang iksi nga lang ng message niya at walang ibang cheche bureche tapos ang cheesy? Leche ka talaga eh ano?"

"So feeling mo kinaganda mo na 'yan?" pang-asar na tanong niya sa akin kaya hinampas ko na naman siya sa braso niya.

"Ay hindi, kinapangit! Pero kasi Payne, look. Hindi ko alam kung sino siya. Nahihiya ba siyang makipagkilala sa akin? Hindi naman ako nangangagat e. Ang bait ko kaya."

"Sus, nanti-trip lang 'yan sa'yo. Naniwala ka na agad? Modus lang 'yan, Kathrine. Ano 'yun ganun na lang ang sinabi sa'yo wala nang iba?" sabi niya naman sa akin.

"Ang nega mo talaga kahit kailan ano? Mas okay na 'yung ganito kesa pahahabain niya pa ang message niya sa akin. Straight to the point nga e, kaso hindi ko alam kung sino at kailangan kong malaman kung sino siya!"

"Ano'ng gusto mong gawin natin? Ha-hunting-in natin siya?"

Pinagdikit ko 'yung dalawang index finger ko at tinignan siya. "Oo, kung pwede mo akong tulungan." tapos ngumisi ako. "Please, Payne best friend?" isinandal ko 'yung ulo ko sa balikat niya.

"Ayan, dyan ka magaling e! 'Pag may kailangan ka sa akin best friend ang tawag mo sa akin pero kapag sa barubalan ang lakas mong manghampas. User-friendly ka rin ano?"

Niyakap ko siya mula sa tagiliran niya. "Sorry na, Payne best friend. Pero kasi kailangan kong malaman kung sino ang nagpadala ng note na 'to. Kung classmate ba natin siya o taga-ibang section or year level?"

"Hayaan mo na lang siyang magpakilala sa'yo para may thrill kesa naman ikaw ang maghahanap sa kanya."

Nagkibit-balikat ako. "Hmm, may point ka pero kasi excited na akong malaman kung sino 'yun, Payne!" hinila-hila ko 'yung uniform niya.

"Oo na! Ang kulit mo talaga. Sige, ha-hunting-in na natin 'yang secret admirer mo kuno."

"Pssh, ultimate leche ka talaga ng buhay ko ano. Thank you ha!" sarcastic kong sabi sa kanya.

x - - - - - - - - - - x

Tapos na ang klase kaya dumirecho na kami ni Payne sa locker room para kunin ang mga gamit namin. Pagbukas ko ng locker, may nahulog na maliit na papel sa sahig kaya kinuha ko ito. Mula na naman sa secret admirer ko?

Hi Kathrine!

Sorry kung tumakbo ako nung hinabol mo ako. Nahihiya kasi ako at hindi ko kayang magpakita sa'yo. Ito lang ang kaya kong gawin, ang sulatan ka. Pero kapag kaya ko nang magpakilala sa'yo, handa naman akong gawin 'yun. Sobrang saya ko nang makita kita kanina. Lalo na ang mga ngiti mo. Sana kahit paano makita ko ang mga ngiti mong 'yan para sa akin. You are so lovely.

"Tanginang 'yan, ang keso Kathrine ha!"

Napapitlag ako nang paglingon ko sa likuran ko ay naroon si Payne at binabasa rin pala ang note na binigay sa akin ni Daddy Long Legs.

"Bwisit! Bakit nagbabasa ka ng love letter ng iba? Magbasa ka rin ng sa'yo."

"E walang nagbibigay sa akin ng love letter." nakapamulsa pa siya habang ngumingisi.

"Gumawa ka para sa sarili mo para maganda. Basag trip ka naman masyado. Ang ganda ng sinulat ni Daddy Long Legs para sa akin. Ang sweet 'di ba?"

"Daddy long legs ka dyan! Ano ka, si Judy Abbott? Ikaw si Judy Abubot, feeler ka masyado. May code name ka pang nalalaman."

Tinadyakan ko siya sa binti kaya napaigtad siya. "Ha.Ha.Ha. Nakakatawa ka, Payne. Basag trip ka rin ano? Basta siya si Daddy Long Legs."

Nagsimula na kaming maglakad palabas ng school dahil pauwi na rin kami. "Ha.Ha.Ha. ka din, ang dami mong arte." sabi niya habang inaakbayan niya ako. Lagi naman nang ginagawa sa akin 'to ni Payne kaya wala na lang sa akin. Best friend ko siya since Preparatory school. Natural na din sa amin ang mga below the belt na asaran dahil sanay naman na kami sa isa't isa kaya walang pikunan.

Kung tinatanong niyo kung may pag-asa bang maging kami. Ang sagot ay wala, Diyos ko day, magugunaw muna ang mundo bago maging kami. Opkors parehas kaming single at not ready to mingle. Pero dadaan muna sa butas ng karayom ang bawat isang may bet sa aming dalawa. Oh 'di ba ang saya lang?

x - - - - - - - - - - x

Naglalakad ako papunta sa classroom nang nakaramdam ako nang may bumangga sa akin mula sa likuran ko. Paglampas nung bumangga sa akin, nilingon niya ako tapos ngumisi ng pang-asar.

"Sorry ha, ang laki mo kasing harang e."

Pakiramdam ko lahat ng dugo sa katawan ay umakyat sa ulo ko. Ito lang naman na lalaking ito ay si Troy - ang pinaka-notorius na bad boy at pinakapasaway sa buong Sakura Middle School!

Nagtimpi lang ako at pinigilang ma-bad trip kasi ang aga aga tapos bad vibes agad ang sasalubong sa akin. Bwisit 'di ba?

"Sorry din po kasi bulag ka, hindi mo nakita ang magandang nilalang tulad ko." tapos nginisian ko rin siya ng pang-asar! Aba, akala niya aatrasan ko siya ha!

"Ay ganoon ba? Nakatalikod ka pala, Kathrine. Parang parehas kasi ang harap at likod e." tapos tawa na siya ng tawa ng parang baliw.

Napahawak tuloy ako sa buong katawan ko tapos hinampas siya sa balikat.

"Aray naman. Sadista ka talaga ano!"

"Sadista talaga ako sa mga tulad mong epal at wala nang ginawa kundi ang manggulo sa mga buhay ng mga estudyanteng nanahimik dito."

"Wow, nose bleed Kath? Nalulunod ako sa dugo." exaggerated na sabi niya habang umaaktong parang nino-nose bleed.

"Bwisit ka, feeling close pa ha? Pa-Kath Kath ka pang nalalaman. Diyan ka na nga! Epal!" tinulak ko siya ng malakas tapos nilagpasan siya dahil baka ma-late pa ako sa first ring ng bell para sa Flag Ceremony.

Patawa-tawa pa ang mokong habang naglalakad ako. Hay bwisit! Gusto ko nang maka-graduate ng high school para mawala na sa paningin ko ang epal na Troy de Vera na 'yan! Asarrrrrr!

Daddy Long LegsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon