Chapter 15

4.4K 39 6
                                    

Ako'y masayang-masaya~! 

Kasi 3,000+ na yung reads nito. Magdiwang tayo~!!

Well yun lang haha.. 

(Hindi po kasi ako sanay mag-type para sa A/N kaya laging maikli)

****************************************************************************************************

Kinatok ko yung pinto ni Mish.

Kanina pa abot-langit yung ngiti ko.

Who would've thought na may mabubuo pala sa gabing may nangyari sa amin.

Kumatok ulit ako and this time may lumabas.

"Sino ka?" tanong nung lalaki?

Napangiti ako "Di mo ako kilala?" umiling sya. "San ka bang planeta nakatira at hindi mo ako kilala?" 

"Hindi nga kita kilala sino ka ba ha?" masungit na sabi nito.

"Ako lang naman si Shan Lopez" nakita kong nanlaki yung mga mata nya.

"S-Shan L-Lopez?" see? Kilala na nya ako.

Walang tao ang hindi nakakakilala sakin.

Sa isang Shan Lopez....

"Oo, teka ikaw sino ka ba ha?" 

Tanong ko sa lalaking ito. Matangkad lang naman sya pero mas matangkad ako, gwapo sya pero mas ma-appeal ako sa kanya.

Blonde yung buhok nya pero yung akin pure black, naka-t-shirt, jeans at sneakers sya, ako naka-tuxedo na brand new.

Wala 'tong binatbat sakin. Mas angat ako sa kanya.

"Ako lang naman si Finn Garcia" Finn? Pangalan ba yun?

Diba Finn din yung sa Adventure Time? Siguro dun napulot ng nanay nya yun. Pfffft.

"Ahh okay.. Andyan ba si Mish?" excited na kasi akong makita si Mish. 

"Bakit? Bakit mo sya hinahanap?" malamang kelangan ko sya, sira din 'tong tao 'to ehh.

"Kasi may pag-uusapan kami" isang importanteng pag-uusap.

"Wala sya ehh tulog" Anudaw?!!! Wala pero tulog?! 

"Edi hihintayin ko sya magising" ikinuyom nya yung kamao nya.

"Umalis ka na dito at hindi makikipagkita sayo si Mish!" 

Anong karapatan nya na sigawan ako?! 

Tigas rin 'tong lalaking 'to ehh.

"Teka sino kaba para pagbawalan akong makita sya ha?!"

Hindi naman sya sikat o kaya anak ng presidente pero kahit na anak sya ng presidente wala akong pake! 

Importante makita ko at mahawakan si Mish.

"Basta!! Umalis ka na nga dito--" naputol yung sinabi nya nang may tumawag samin.

"Finn? Shan?" napatingin kaming dalawa ni Finn sa nagsalita.

"M-Mish?" sabay naming sabi nitong si Finn.

"Anong nangyayari dito? Bakit kayo nagsisigawan at bakit ka nandito Shan?" pumasok agad ako at hinawakan ang kamay ni Mish.

"Mish totoo bang buntis ka?" nakangiti kong tanong. Nakita ko na napatingin si Mish sa pwesto ni Finn.

"Sino ang may sabi?" at ibinalik nya sakin yung tingin nya. 

"Pero totoo ba? Totoo bang buntis ka?" inalog ko si Mish "Please Mish sabihin mo sakin yung totoo? Is that true?" 

Umiling si Mish at kinagat yung lower lip nya "Hindi, Whoever told you wala syang proof. Hindi ako buntis at lalong hindi sayo! At kung totoo yun hinding-hindi ko sayo sasabihin!" parang nabingi ako sa huling sinabi nya.Hindi nya sasabihin sakin kung buntis man sya o hindi? 

Pero bakit? May nagawa ba ako? May ginawa ba akong ikagagalit nya? 

"Kaya Shan get the hell out of my house. Ayokong makita ka, dahil sa tuwing nakikita kita naaalala ko lang yung kagagahan ginawa ko. Maling-mali na ibinigay ko ang sarili ko sayo, dahil yun na lang pala yung natitira sakin ibinigay ko pa sa taong hindi ako kayang mahalin" biglang tumulo sa mata ko yung luha ko. 

Hindi ako sanay na umiyak sa harap ng maraming tao pero shit lang?!! Si Mish lang nagpaluha sakin? Yumuko ako at tumungo na sa pinto.

"Hayaan mo hindi na muli ako manggugulo pasensya na Mish" sadyang mahal lang kita. Gusto idagdag yun pero siguro hindi maibabalik sakin ang mga katagang iyon.

Tama nang kalimutan ko na si Mish at mag-focus sa trabaho ko at kay Yiela na kelangan ako.

Goodbye Mish

Nagpakawala ako nang huling luha at sumakay na muli sa kotse ko.

Kakalimutan na kita Mish, sana maging masaya ka sa buhay mo.

..........To Be Continued

Bed Lovers: Pleasure (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon