Kabanata 6

26 5 0
                                    


"Hala gagi may nag aabang sa may gate!"sigaw ni erika habang tumatakbo papunta sa aming tatlo,mag uuwian na kasi kami dahil tapos na ang klase

"Oh eh ano ngayon?"alma ni Kiana habang nakataas ang kilay

"Woyy antayin na lang natin si Ivan,diba takot yung mga yun sa kanya Rose?"

Mga fourth years ang nag aabang sa gate yung kinalaban ko kanina.Mga matitigas talaga pagmumukha ng mga iyon naghahanap lang sila ng sakit sa katawan.Takot sila kay Ivan pero hindi ko alam kong sa anong dahilan.

"Hmmm,sinabihan ko naman si Ivan kanina na sasabay tayo sa kanya dahil alam kong aabangan talaga ako ng mga yan."saad ko habang naglalakad palapit na sa gate at tanaw ang limang fourth year students doon.

"Siraulo ka kasi,mga lalaki yang mga yan,lakas mong makipag away,kababae mong tao aba!"saad ni erika habang natatawa

"Aba hindi ibig sabihin na babae tayo hindi na dapat tayo pumatol o makipag away sa lalaki,ano sila sinuswerte?Hahayaan na lang ba natin na apiin nila tayo?Kung ako sayo Rose pinadugo ko ilong ng mga yan."matapang at nagmamayabang naman na saad ni Kiana

Nakayakap sa braso ko si Keyla na tila takot na takot,parang tanga lang.Hindi ko naman siya hahayaan na masaktan dahil sa pinag gagawa kong kalokohan.

"Hey what's up girls,I'm here."Ivan declared and wink at us

I just nod at him and he understood what it means.Lumapit siya sa mga students sa gate at kinausap ito,walang alma ang mga fourth years sa anumang sinasabi nito at umalis na sila ng tahimik.

Kumaway si Ivan at senenyasan kami na lumapit na sa gate kaya naglakad na kami papunta sa kanya.

"Ano kaya ang hawak na alas niyang si Ivan?Gangster kaya yan ng hindi natin nalalaman?"bulong ni kiana sa akin kaya natawa ako

"Gaga,nursing student tapos mag gagangster?Anong kalokohan yan?Lakas mo mag imagine kiana."

"Pinagbubulungan niyo naman diyan?Share share naman diyan mga mars."tsismiss ni erika at may pa hindot hindot pa sa amin

"Ano believe na ba kayo sa akin?"Ivan asked

"Tss maliit na bagay,pinagyayabang mo.Pumara ka na ng tricycle dali."utos ko sa kanya at napakamot na lang siya sa ulo

"Alam mo boyfriend material sana tong si Ivan kung hindj lang siya babaero."saad ni keyla sa akin

"He's good actually,yung pagiging babaero niya okay lang naman as long as alam niya yung limitations niya."proud kong saad

"Wow ah,proud ka pa sa pagiging babaero niyan.Pag babaero wala yan,panigurado makakabuntis yan ng maaga pustahan."tugon ni kiana

Nagkibit balikat lang ako at sumakay na kami sa tricycle na pinara ni Ivan,sa loob umupo yung tatlo habang nasa likod naman kami ni Ivan nakaupo para syempre may kasama siya.I also love riding at the back.

Pagkarating namin sa tapat ng bahay ay bumaba na kaming lahat.

"Pasok na kayo diyan sa loob,susunod na lang ako." utos ko sa mga kaibigan ko at pumasok na sa loob ng bahay

"Thank you sa kanina ah,kinabahan ako don akala ko hindi ka dadating."

"Pwede ba naman yun,basta ikaw,malakas ka sa akin eh."

"Paano pala kung hindi nga ako dumating?Anong gagawin niyo?"

"Syempre kakausapin ko yung mga yun,kilala mo naman ako,hindi naman ako basta basta magpapatalo."

"Next time don't butt in to their fights okay?Just let them be or report it to the teachers.Huwag mong ipahamak ang sarili mo."

"I know,hindi ko lang maiiwasan,you know me.Sige na,just go home."

When Broken Souls MeetWhere stories live. Discover now