Chapter 23: Tenten

7.9K 467 51
                                    

TGISM: CHAPTER 23

ACHIE LUX POV

"Huy." Napaiwas ako ng tinyin kay Ivy at napabaling kay Thea dahil sa pagtawag niya.

"Okay ka lang?" Lumapit siya sa 'kin at tumabi ng tayo. Tumango ako bilang sagot at binalik ang tingin kay Ivy na nakasandal sa isang puno habang nakatulala.

Hindi ko alam kung anong ipapakitang emosyon ko sa mga kaibigan ko. Matapos niya ako iwan ay nagpakita siya. Ano bang gusto niyang iparating sa 'kin? Na nakamove on na siya? Gumanda lalo ang buhay niya? Kaya niya na wala ako? Kasi kung gano'n, flex lang niya, edi wow.

Hindi naging maganda ang buhay ko simula no'ng iwan niya ako. 3 years na ang lumipas simula no'ng umalis siya. 3 years kaming naging magkaibigan, dahil sa pang-aasar nila sa 'min nahulog ang loob ko kay Ivy. Isang buwan pa lang kaming magkarelasyon bigla siyang nagpaalam sa 'kin na aalis siya.

Toxic na kung toxic pero hindi ako pumayag na umalis siya. Ngunit umalis pa rin siya. Nabalitaan ko na lang pumunta siya sa Korea para mag-aral.

"Lapitan mo," panunukso nila sa 'kin.

Hindi ko pinansin ang panunukso nila sa 'kin. Tumalikod na ako at umalis doon. "Achei." Napatigil ako ng marinig ang pagtawag niya sa pangalan ko. Nang nilingon ko siya ay ngumiti at kumaway. Sumenyas siya sa 'king lumapit.

"Lapit daw." Napabuntong hininga nalang ako saka lumapit sa kaniya.

"Kamusta kana?" tanong niya sa 'kin ng makalapit na ako.

"Buhay pa rin."

"'Di ka pa rin nagbabago palabiro ka pa rin." Tawang sabi niya sabay gulo ng buhok ko.

Kumunut ang nuo ko dahil sa sinabi niya, hindi naman ako nagbibiro. Tumikhim ako at tumingin sa kaniya. "Ikaw k-kumusta ka na?" tanong ko pabalik. "Bakit ka nandito? Diba nag aaral ka sa korea?"

"Na miss kita e," sagot niya na ikinatahimik ko. "Dinadalaw ako ng karma," nakayuko niyang sabi. Tumikhim ako. "Lagi kitang napapanaginipan, 'di ka mawala sa isip ko."

Hindi pa rin siya nagbabago, napaka vocal niya pa rin. Hindi ako komportable sa sinabi niya. Napaiwas ako ng tingin at tumingin sa malayo. Napako ang tingin ko sa mga kaibigan kong nakikitsismiss sa ganap namin. Nang makita nilang nakatingin ako sa kanila ay sabay silang nag-iwas ng tingin at kunwaring may ginagawa.

Si Alejandro na biglang humiga at natulog. Si Alex na binasa ang comics na dala niya pero baliktad naman. Si Kiro na may panunuksong tingin sa 'kin pero kaagad din siyang napaiwas ng tingin ng hineadlock siya ni Xhavier at hinabol sila ni Khalil. Si Yuno na pinapakialaman ang nanahimik na si Astril sa gilid. Si Nious naman na nakayakap sa likod ni Thea, hindi siya nag-iwas ng tingin at nag thumbs up pa sa 'kin.

. . .

THEA GARCIA POV

Dumaan ang ilang araw na bigla na lang umaalis si Nious. Maayos lang naman no'ng una dahil nagpapaalam siya. Ngayon ay clueless talaga ako sa kung anong ginagawa niya o nasaan siya. May babae kaya siya? Or worst may lalaki?

"Okay ka lang Thea?" tanong ni Ivy.

"Ay lalaki!" Tinakpan ko ang bibig ko dahil sa salitang lumabas. Tumango ako at kumain. Kaming lahat ay nasa cafeteria, nananghalian. Napatigil ako ng makarinig ng ingay.

Wala naman akong pakialam pero dahil siguro may dugo akong tsismosa ay sumilip ako.

Napatigil ako ng tumayo sa harapan ko si Stephan para takpan ang pinagmulan ng ingay. Ang ikinaweird pa ay may pekeng ngiti na nakaukit sa labi niya. Tumayo ako at sinubukan sumilip ngunit pinigilan niya ulit ako.

That Girl In Section Monster || COMPLETED ||Where stories live. Discover now