INTRODUCTION:

11.5K 191 12
                                    

FIRST OF ALL.. 5 chapters lang 'to. Alam ko 2013 pa yata nung last akong gumawa ng side story, and... alam ko super dami ko pang on going. Pero hindi ko mapigilan. Nakita ko lang kasi yung dati kong updates sa old phone ko. Tsaka isa si KYD at RIYEE sa favorite characters ko sa L.A.

LIGHT lang yung story. Hindi DRAMA or kahit ano. Susunod 'yung kay DONALD at AVA. :) So ito na.. Enjoy reading guys. Nasa chapter 3 na ako. Siguro kung kaya ng powers ko, mga bukas lang tapos na 'to.

xoxo,

ASRAH

INTRODUCTION:

KYD

Oh! Moment ko na toh ha? Ibig sabihin ako na ang bida dito?? Dun kase sa L.A puros yung dalawa yung bida! Kamusta naman kami diba? Nakakasawa na kasi sina YOSHIDA at TWAYLEM. Doon kasi sa L.A madalas kaming nabubully. Hindi ko alam kung may galit ba sa amin ang author na 'to. Pero ganun pa man.. Uumpisahan ko na ang story ko, AKO ang bida. With my labidabs RIYEE.

Kyd Hakeem Choi nga pala, ang pinaka pogi sa lahat ng pogi. Macho ako. Kung ayaw n'yong maniwala, kausapin n'yo ang mga maskels ko. Pero guys, kalma! Wala na akong panahon sa inyo.. dahil ang atensyon ko naka kay Riyee na.

O siya, ang daldal ko na. Uumpisahan ko na sana.. Mag enjoy kayo.. Dahil kung hindi tutubuan kayo ng anik-anik sa katawan! Bwhahahahhah!

2 and a half years ago...

''GAGO MO! Huwag ako yung isumbong mo. Ako ba yung nanbasag nung salamin sa registar office?! Hah? Ako ba?!! Hindi ba ikaw Kyd?!'' panunuro sa akin ni Gelo.

''Ulul! Bakit ako ang sisisihin?!'' tanong ko sakanila, habang isinisiksik namin ang aming mga sarili sa mesa na hindi kalayuan sa r.o.

''KASE IKAW YUNG PASIMUNO?!'' sigaw nilang dalawa sa akin.

''Mga ungas pala kayo e! Edi sana hindi kayo sumunod sa utos ko! Masyado niyo kase akong sinasamba.!'' sabay batok ko sa dalawa. Hindi na ako mag tataka kung sa susunod na araw ma kick out na ako sa school na to.

''Nandyan na sila! Takbo na!'' senyas ni Gelo.

''Mahaba habang takbuhan tong gagawin ko.''

Nag takbuhan agad kami ng marinig naming paparating ang Guidance Councilor namin. Hindi ko na alam kung saan sila nag pupunta dahil nagka hiwa-hiwalay kami, para na rin maka iwas sa trahedya, pumasok ako sa isang palikurang pambabae.

''tang*na mapagkamalan pa akong manyak neto.'' hingal na sabi ko habang nag mamadali akong isiksik ang sarili ko dun sa malapit sa pinag flu-flushan nung kubeta.

''ang baho! Maka la---'' lalabas na sana ako ng marinig kong may papasok sa cr. Tiniis ko nalang, kesa naman sa mahuli ako. Panigurado yari ako kay erpats nito.

Pero laking gulat ko ng ibang tao yung nakita ko. Isang babae, dire-diretso lang ito at ini-lock yung pintuan ng cubicle. Linock ko na yun, pero tangina bat.. Darn it!

Lintik na! Sakit sa ulo 'to men.

When she's about to pull down her jogging pants, para siguro mag jingle bells, umaksyon na ako.. Siguro nakakanood ako ng mga video na bawal sa mga bata, pero hindi ako pervert. Well I act like one, but in reality hindi talaga.

Itinulak ko siya, Sisigaw sana ito, pero tinakpan ko ang bibig niya.

''Shhhh!! Pag hindi ka nag tigil, malilintikan tayong dalaw.'' dahil hindi ito makapag salita, pinaglakihan niya ako ng mata.

Sinenyasan ko rin naman ito na pag hindi siya tumahimik may gagawin ako sakanya, pero wala akong balak na gaguhin siya.

''Sir nakita ko po siyang pumasok dito,''

L.A SIDE STORY#2:ALWAYS BE MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon