THE DOPPLEGANGER

294 6 3
                                    

Ang mga pangyayari sa istoryang ito ay base sa totoong pangyayayari sa tunay na buhay. Kwento ito ng kinakapatid ko, naiisipan ko lang na ibahagi sa inyo. Itago na lang natin sya sa pangalan Cela.

Kakauwi lang ng bahay nun ni Cela galling school. Dumiretso sya sa kwarto nya para magbihis. Pagkatapos nya lumabas sya ng kwarto at pumunta sa kwarto ng mga magulang nya para silipin yung bunso nilang  kapatid ng baby pa nung mga panahong iyon.

Nasa may sala nun yung mama at isa nya pang kapatid, nanonood ng TV. Dahil pagod nga sya at wala naman sya sa mood manood ng kahit anong palabas, minabuti na lang nya na samahan yung bunso nyang kapatid at doon na din sa kwarto ng parents na magpahinga.

Nakakaidlip na sya ng may marinig syang yabag ng paa na paakyat ng hagdanan. Dinig nya pa nga yung pagtapak ng paa sa tapat ng pinto eh (sira kasi yung tiles sa tapat ng pinto ng kwarto na yun kaya malalaman mo kung may papasok sa kwarto.) hindi nya na ito pinansin sa pag aakalang baka yung pinsan nya yun.

Maya maya ..

“Cel ? “ sabi na nga ba nya ee .. si kuya James nya lang yung umakyat.

“kuya ? ano yun” sagot nya ng hindi man lang lumilingon sa pinto.

“tawag ka ng mama mo”

“sige bababa na ko kuya.”

Pagbaba nya sa sala nandun padin yung mama nya at kapatid nya na nanonood ng TV.

“bakit po ma ?” tanong nya sa mama nya.

“ anong bakit ?”  Para namang nagtatakang tinignan sya ng mama nya.

“sabe po ni kuya James tawag nyo ko.”

Sabay sabay silang napatingin sa pinto ng bumukas ito at pumasok si Kuya James nya. Nagtataka pa ito dahil lahat sila nakatingin sa kanya.

“baket ganyan kayo makatingin saken ?” takang tanong ni James.

“san ka galling kuya ?” tanong ni cela.

“sa school ! san pa ba ? “ 

“ee diba umakyat ka sa taas ? sabe mo pa nga tawag ako ni mama ee .. “ naguguluhang sabi ni cela.

“eh ? kakarating ko nga lang diba ? panong mangyayaring tinawag kita? Okay ka lang ?”

“oo nga Cela. Kakarating lang ng kuya mo diba? Tsaka kanina pa kame ditto wala namang umakyat sa taas at nagsabibg tinatawag kita ee.”  Paliwanag ng mama nya.

“pero mama sigurado akong si kuya yung nakausap ko ! oo nga po hindi ko nakita pero sigurado akong boses nya yun ! at isa pa po si kuya lang naman ang tumatawag ng Cel saken sa bahay na ‘to ee” naluluha na sya habang nagku kwento.

Dahil sa pangyayaring yun ayaw na nyang umakyat sa taas sa halip kinuha na lang ng mama nya yung baby nilang si Kate at nag stay sila sa sala.

Kinagabihan .. hindi makatulog si Cela dahil nangyari nung hapon. Parang natatakot na tuloy sya. Nagdasal na lang sya para mawala yung takot na nararamdaman nya at para makatulog na din sya.

Ilang araw na ang nakakalipas ng may mabalitaan sila mula sa mga kapitbahay nila. Ayon sa balita may nag suicide daw sa katabi nilang apartment. Nagulat nalang daw yung mga kasambahay nung nagpakamatay ng Makita syang nakabigti at wala ng buhay. Dun mismo sa kwarto ng biktima kung saan pader lang yung pagitan sa kwarto kung san nakausap ni Cela yung doppelganger ng kuya nya.

Napag alaman din nila ng hindi lang pala sya ang naranas ng ganun. Kundi pati yung iba pa nilang kapitbahay. Sabi ng iba nakaranas din daw sila ng pagpaparamdam nung lalaking nagbigti. Naisip nila na marahil ay may gustong iparating sa kanila yung lalaki o di kaya e humuhingi sa kanila ng dasal.

Nung gabi ding ‘yon nagpasya silang mag alay ng dasal para sa kaluluwa nung lalaki. Kinabukasan nagpatawag sila ng  pari para ipabindisyon yung buong compound nila.

Para sa iba hindi ‘to nakakatakot pero para sa kinakapatid ko, isa ito sa mga nakakatakot na pangyayari sa buhay nya na hindi nya makakalimutan.

(Author’s note: Pag nangyari din sa inyo yung ganito wag kayong matakot sa halip alayan nyo sila ng panalangin.)

THANKS FOR READING !  VOTE ? COMMENT ? FAN ? PUSH NYO PO YAN  : )) PARA EVERYBODY HAPPY  : ))

THE DOPPLEGANGERWhere stories live. Discover now